treinta y tres

4.4K 150 26
                                    

Maaga pa lang naghahanda na si Sharon upang pumunta ng Batangas. Wala nga siyang pinagsabihan. Maging ang pinsan ni Michelle hindi niya ito sinabihan kung nasaan si Michelle. Mabilis siyang pumunta ng garage at tiningnan ang sasakyan. Gas✅ Tire ✅ extra tire✅ oil ✅ brakes✅ tools✅ and etc.

Panay ang sulyap niya sa taas na baka magising ang mag ama at magtataka kung bakit nakaayos ito. Kaya agad na kinuha ang gamit at bumalik ng sasakyan at mabilis itong pinasibad.

Habang nasa kahabaan ng highway punong puno siya ng katanungan at the same time kinakabahan.

"Shit! Ano ito? Bakit parang may ibang mangyayari sa akin sa araw na ito? Sobrang kabado ako na ewan."Sambit sa sarili.

Ilang oras din siyang nasa daan dahil na rin sa sobrang traffic. Then biglang tumunog ang kanyang cellphone. It was Chelsea Gray.

"What do you want huh?!"

"I'm sorry?"

"Alam ko na ang masama mong binabalak Gray."

"Sinong Gray ang tinutukoy mo? I'm Elaine Clark."

"Huh! Maybe nawalan ka ng memory pero ito sasabihin ko sayo na dati kang alalay ng asawa kong si Michelle."

"Asawa? Hahaha! Don't me Sharon. It was fake marriage. At kahit sabihin pa natin na totoo ang lahat isa lang ang masasabi ko hindi magiging masaya ang pagsasama niyo dahil hindi naman Ikaw ang totoong mahal ni Michelle. Kaya tandaan mo, hindi batayan ang kasal na magiging kayo na till the end. Darating pa rin ang araw na pag hiwalayin kayo at ibibigay kayo sa taong nakatadhana para sa inyo. You see, how many famous couples are now separated after being together for like 20 years? LOTS Sharon. So don't feel comfortable that you'll be together forever. For now mag enjoy ka dahil baka sa susunod na araw mag isa ka na lang. Kaya akala mo dahil nagpakasal na kayo at nagsama wala nang problema. Hahaha! Funny huh? Anyway Kaya ako tumawag para sabihin sayo na hanapin mo si Michelle. I'll just be around. Hindi tayo pwede magsabay dahil kapag sabay tayong darating may possibility na hindi natin maligtas si Michelle. Do you hear me? Kaya don't be stupid." Then she hangs up.

"Fuck you!!Tooot toott! Shit! Ang punyeta, binabaan ako ng telephone... May araw ka rin Gray.."

Muling umusad ang mga sasakyan. Puro honk na ang mga naririnig niya. Nag iisip siya ng magandang plano.

"So kung ganun, pupunta din siya doon pero hindi siya doon dadaan sa pupuntahan ko. May sa pusa talaga itong si Gray. Sabagay imagine siya ang nakapatay sa number one serial killer dati. Pero parang wala lang nangyari since ayaw naman niyang ipaalam sa lahat na siya ang nasa likod nun. Si Michelle naman kasi talaga ang famous pagdating sa pagiging journalist. Leche! Ang babagal naman ng mga sasakyan na ito."

Nang muling umusad at lumuwag ang traffic, halos paliparin ni Sharon ang sasakyan makarating lamang agad sa nasabing lugar. Mabuti na lamang at walang mga police officers na nagkalat sa kahabaan ng expressway.

SAMANTALA nakarating na sa Batangas si Chelsea at agad na umarkila ng jet ski. She wore a black skinny jeans, black boots and black leather jacket.

"Kuya, resort po ba ang nasa kabilang isla? Are they open for public?"

"Ay oo miss. Maganda diyan. Pero yang malaking isla na nasa gitna mukhang private. May mga armadong lalaki kasi na nagbabantay kaya Hindi ganun kadali pasukin. May malaking bahay diyan at parang simbahan. Sobrang yaman siguro ng nakabili ng isla na yan."

"Ganun po ba. Sige ito po ang bayad." Matapos makuha ng lalaki ang kanyang bayad. Nilagay na niya sa balikat ang back pack at sumunod sa lalaki para kunin ang inarkilang jet. Mabuti na lang at may alam siya sa pag sakay ng jet ski noong nasa London pa siya kaya madali lang ito para sa kanya.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon