veintiocho

5K 158 15
                                    




MAKATI SUN

Habang busy sa pagpipirma ng mga documents si Miss Gray or Clark, nakaupo lang sa isang tabi si Michelle at nakatunganga. Naghihintay sa kung ano man ang iuutos ng kanyang amo na parating busy. Napapagod na nga siya sa trabaho niya dahil sa kakaupo at saka lang tatayo kapag uutusan ng kanyang boss. Sa dami ng pinapagawa sa kanya sa buong maghapon, uuwi siya sa kanilang bahay na lawit ang dila.Kaya madalas maging dahilan ng awayan nila ni Sharon.

Sino ang hindi mapagod na utusan ka bumili ng coffee three blocks away from Makati Sun building at lalakarin niya ito dahil ito lang ang coffee na gusto niyang inumin.

FLASHBACK

It was late in the afternoon ng makaramdam ng antok si Chelsea dahil wala naman itong ginagawa sa office niya since tapos na niyang reviewhin ang mga files. Palinga linga pa ito sa loob ng office at hinahanap ang kanyang assistant na si Michelle para magpabili ng coffee.Hindi niya kasi napansin kung lumabas ito or what.

"Nasaan na kaya ang babae na iyon? Naku! Hindi talaga matahimik sa isang lugar." Sambit sa sarili. Tinanong ang kanyang secretary.

"Have you seen Miss Garcia?"

"Ah Yes ma'am, andiyan po kanina sa may couch nakaupo." turo niya sa may couch ngunit walang tao doon.tinanguan lang ito ni Chelsea at nagmamadaling hinanap ang babae. Meron kasi silang receiving area sa labas ng office pero kumunot ang kanyang noo dahil wala doon ang target. Naglalakad na ito sa corridor kaya napapalingon ang ilang mga staff niya sa kanya. Ilan na din ang kanyang napagtanungan ngunit puro no ang sagot nito sa kanya.

Muli siyang naghanap. Hanap...tingin sa left, then right, then back and front..lakad then hanap ulit until she ended up sa may mini library. Sumulip siya doon at may nakita siyang isang bulto ng katawan na may hawak na book na pinatayo ito. You can't see the face but Chelsea knew it was her because of the dress she's wearing.

"Hmm interesting. She's a bookworm huh." lumapit siya dito and she's about to say something ng may marinig itong parang nahihirapan huminga. Nilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto para hanapin ang pinagmulan ng ingay na yun hanggang sa tumigil ang mata niya sa dalaga. Sumilip ng dahan dahan at nakita niyang humihilik ito at nakanganga pa. Ang akala niyang nagbabasa tulog na tulog pala paano kasi pinatayo ang book kaya sino ang mag aakalang tulog pala ito. She grabbed her phone at kinuhanan ito ng magandang pose. May pa lick lick pa si Gray ng kanyang lips habang nagpipicture sa kanyang target.

Click! Click! Click! then tinago niya ang phone sa pocket at tumikhim.

"Ahermm! Aherm!" si Miss Gray...

"Huh? Hmmm....Haayyyyy!"biglang mulat ng mata si Michelle at nag-inat pa sabay hikab. May pa kamot kamot pa ng kanyang matabang puwet.

"Mukhang inaantok ka pa yata?" bigla siyang napaiktad at nilingon ang may-ari ng boses.

"Miss Clark!"

"Yeah it's me..."ngingisi nitong sambit sa kaharap na sobrang nagulat at mukhang natakot pa yata dahil bigla itong namutla.

"Sorry po mi-miss Clark! Sorry  😐 ulit...M-may ipag-uutos po ba kayo?"

"Actually that's the reason why I look for you everywhere and what a surprise seeing your worker sleeping during working hours.." napayuko si Michelle dahil sa sinabi ng kanyang boss. Ano pa nga ba ang isasagot niya? Alangan namang sabihin niya na nakakapagod ang umupo at tumunganga.

"I...I'm so sorry again miss Clark..." wika nito at panay lunok ng laway. Para namang tinusok ang dibdib ni Gray ng makita ang lungkot sa mukha ng kaharap.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon