diecisiete

5K 171 22
                                    


********************************



Napasapo sa kanyang ulo si Garcia at agad na binalingan ng tingin ang katabi. Mabuti na lamang at mabagal ang kanilang takbo. Kaagad na ginising ang kasama at lumabas sila ng sasakyan. Mabilis na pumunta sa harapan at napahilamos sa mukha ng makita ang damage nito.

"Shit my truck! Kakabili ko pa Lang nito damage na agad."ingos niya. Napangiwi naman si Gray ng makita ang hitsura ng dalaga. Then pareho silang nagkatinginan. "Buhay pa kaya sila?"tanong ni Garcia habang sinisilip ang mga nilalang sa back seat.

"Ewan ko. Check mo kaya." Sagot nito sabay utos sa kasama.

"Teka bakit ako?"

"Kanino ba ang sasakyan?"

"Sa akin, teka anong connection doon?"

"That means ikaw ang magbukas ng door at check mo sila." utos naman ng napapangiwing si Gray. Wala namang nagawa si Garcia kundi ang sumunod at binuksan ang likurang bahagi ng truck. Nagbilang sila hanggang tatlo at binuksan niya ang pintuan. Pareho silang nagulat. Walang tao sa likuran. Kaya bigla siyang napalapit kay Gray.

"N-nasaan na ang mga s-sakay dito? Andito lang si-sila kanina di ba? Di ba?" nauutal niyang tanong sa kasama at nagpalinga linga sa buong paligid.

"B-bakit biglang nawala? Ano ba itong napuntahan nating lugar? Bakit yata parang pinaglalaruan tayo ng mga masasamang espiritu."sambit naman ni Gray at napakapit sa braso ni Garcia. "Baby umalis na kaya tayo." habang nakakapit ng mahigpit sa braso ng girlfriend.

"Paano tayo makaalis kung nakakapit ka naman diyan. Halika na sa loob ng sasakyan. Baka lumabas na sila kanina pa habang nakatulog tayo pareho." then biglang nagulat si Garcia ng makita ang dugo na dumadaloy sa mukha ni Gray. Nanlaki ang mga mata niya. "Shit! You're wounded. Come inside the truck hurry! Kailangan natin malagyan ng first aid yang sugat mo."nag alalang turan nito. Mabilis namang sumunod si Gray papasok sa loob ng truck. Maingat na nilagyan ng gamot ni Garcia ang sugat nito sa ulo at nilagyan ng pantapal. "We need to get out in here."Sambit pa niya habang hinihipan ang sugat ng kasama. Nakita niya kasi itong napapangiwi sa sakit.

"Hindi ko na alam kung saan ang daan. Dahil bawat daan na ituro ko, may mga nakaabang na kapahamakan. Kaya ikaw na ang bahala sa pupuntahan natin na makalabas tayo dito. I trust you baby."

Kaya binuhay ulit ni Garcia ang makina ng sasakyan at nagsimulang magdrive ng dahan dahan dahil sa mga kahoy na nakaharang sa kanilang dadaanan. Ilang taon na malamang ang lumipas at ni wala man lang na naligaw sa lugar na iyon maliban sa kanila. Muli pa silang nagpatuloy sa pagbyahe at nagsimula na ring magdilim ang kalangitan. Papalubog na ang haring araw at malamang may nakaambang panganib para sa kanila.

"Lock your window." utos ni Garcia sa katabi. Seryoso lang itong nagmamaneho. "Hows the pain?"

"Huwag kang mag-alala okay lang ako. Kumikirot pa rin. Talasan mo ang mga mata mo dahil iba ang pakiramdam ko mukhang mas may naghihintay pa sa atin na hindi natin magugustuhan. Parang puno ng kakaibang elements ang lugar na ito. No wonder hindi Ito makita kita sa mapa. Parang the lost island lang siya."

"Yeah. Hindi ko na din nagugustuhan ang mga nangyayari. Nawala na nga si Black Lady tapos ito na naman. Magandang scope sana Ito pero leche naman, tayo ang napapahamak." Reklamo nito at patuloy sa pagmamaneho. Then all of a sudden may nakita sila sa may kakahuyan. Hanging skeleton of a human. Nanlaki ang kanilang mga mata kaya sunod sunod na click ang kanyang naririnig. It was gray taking pictures of creepy things on the forest 🌳.

"Huwag kang tumigil sa pagdadrive. Hindi na ito ajoke joke lang." nahihintakutang turan ni Gray. "Teka saan na ba tayo?" Nagpalinga linga na sila. Muling nagpatulov sa pag mamaneho si Garcia hanggang sa may makita silang lagusan.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon