Elaine's POVSa mga nakalipas na mga buwan, hindi ko na lubos maisip kung itong mga nagaganap sa buhay ko masasabi kong blessings or may naghihintay sa akin na panganib. Hanggang sa ngayon hindi ko pa rin alam kung anong kapalit sa lahat ng mga ito. I'm living like a rockstar, or a millionaires kid. Imagine ang isang kagaya kong namuhay ng simple sa isang bahay na akala mo tahanan ng mga daga at pusa ngayon ito ako buhay reyna.
Kailangan kong magpakatatag sa lugar na ito. Mabuti na lamang andiyan si mousey. Siya ang tumutulong sa akin dito. Kapag wala si mommy delilah nakakausap ko siya. Naging maingat din Kami sa aming mga kilos.
Naging detectives tuloy kaming dalawa. Mousey lives under my bed. Kaya madalas ako kumakain sa kwarto kasi dinadalhan ko siya ng makakain. May mga kasama na kami dito at puro mga lalaki. Nagsasalita lang sila kapag may itatanong ako. Sabi ni mousey sila ang mapagkatiwalaan ni mommy sa lahat lahat.
Ngayon ko napag alaman na isang lider ng cult si mommy Lailah. At itong mga karangyaan na ito, galing sa mayayamang kasapi ng kanilang grupo at ang tumiwalag isa lang ang kahahantungan.. DEATH 💀 so if you want to live longer you should follow your leader's order otherwise you'll end up like the others. After ng incident doon sa basement, nasaksihan ko din ang kanilang ceremony.
Gusto kong takbuhin ang isang batang babae na inalay nila sa kanilang tinatawag na sugo. Yes, they offered her body sa isang image na tinatawag nilang sugo. And the procedure is to burn her lifeless body. (A/N please all of these are mainly imaginations. I don't know if this kind of group do exist or not.)Wala akong nagawa kundi ang pumikit. Binulungan din ako ni mousey na kailangan kong magpakatatag at sanayin ang sarili ko sa ganitong eksina. She said darating ang araw na baka ako na ang gagawa nun o baka ialay din ako sa sugo nila.Hindi ako magiging mamamatay tao. Never!
Finally naipasa ko ang driving lesson ko. Whew! Pero ang nakapagtataka para Lang akong nakikipag usap sa hangin minsan. Yung instructor ko parang di susi. Ewan ko ba. Parang their mind controlled by her (mommy Lailah) maging ang mga tao sa bahay na gumagawa ng mga household chores they seems so really weird. Wala pang sinasabi sa akin si Mommy Lailah kung anong plano niya sa akin. Basta pinag aral niya ako ng driving lesson. And hey nakalimutan ko palang banggitin na nag aaral din ako ng business course. Habang nagpapagaling ako kunwari ng aking isipan ayun pinasok ako sa isang magarang eskwelahan. I'm so glad na magaling ang inyong lingkod. Hindi ako nahirapan sa mga subject ko. Hindi ko alam kung paano ang ginawa niya at nagkaron ako ng mga documents bilang si Elaine. Ang sabi ni Mousey may anak daw siya pero hindi pa nila ito nakita ever since. Eh nasaan na kaya yun?
I was in the garage smiling sweetly at my new car. This is mommy Lailah's gift 🎁 for my birthday daw. Yung nangyari kagabi parang hindi pa rin nag sink-in sa system ko ang lahat ng mga pangyayari. Yung nasaktan ka-then natulog-nagising-naging instant prinsesa. Pinadaanan ko ng mga palad ko ang kumikintab na sasakyan. Marunong na din ako mag drive. Pero katakot takot na pangyayari ang naranasanan ko. Naalala ko pa habang tinuturuan ako ng instructor...
"Okay...diretso ka lang...huwag kang kabahan at dapat relax ka." rinig ko na sabi ng instructor. Tapos tatahimik na siya at ako naman nagdadrive lang. "Kunting apak sa gas dahil kung titingnan natin mas mabilis pa maglakad yung lolang may walker kesa sa pag dadrive mo." langya na instructor. Eh sa kinakabahan kaya ako. Pero sige apakan daw kaya ayun kunting apak..."oh dahan dahan! May sasakyan! Apakan mo brake!" ilan sa mga narinig ko sa kanya. Hindi yata ako natakot sa pagdadrive ko kundi sa sigaw niya. At dahil din sa sigaw na iyon at pagkataranta niya natuto akong mag drive. Yung ilabg beses kami na stuck sa gitna ng traffic, kung ilang sasakyan ang nag honk sa amin, ewan hindi ko na mabilang. Gustong gusto ko nang sumuko that day pero nung pag uwi ko na medyo grumpy si mommy ayun nagbago na ang isip ko. Nakakatakot kaya. Para siyang tigre na bigla ka nalang atakehin. Kaya ayun after ng ilang session, at ilang katakot takot na attempt, finally nakuha ko din ang go signal na I am ready to drive. Kaya kagabi, ito ang isa sa mga expensive gift na nakuha ko sa birthday party at hindi lang ito mas madami pa doon sa kwarto ko. Yung iba nga si mousey na ang nagbukas. Siya pa nga ang excited na mag open ng mga gifts ko eh. Hindi ko akalain na ganun ka bongga ang party ko. At ang damit na suot ko, gosh ang ganda niya. At saka in fairnes, ANG GANDA GANDA KO!!. Ang dami ding magaganda kagabi pero never na magkagusto ako sa kanila. Isa lang ang nagmamay-ari ng puso ko. At siya lang yun...
BINABASA MO ANG
The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETED
Misterio / SuspensoMeet Chelsea a shy, loner and promdi girl who had a big crush to a famous journalist Michelle Garcia who works as a writer at Makati Sun Newspaper and with her striking looks and charismatic personality, she was noticed far and wide. Michelle was ex...