Makalipas ang ilang araw hindi na muna ito lumalabas ng bahay. Panay gawa niya ng resume para sa trabahong aaplayan. Nakagawa na siya ng apat na copies at ready na ito para ipadala sa mga company balak niya pasukan. Naalala niyang balak ni Michelle na magtrabaho sa Makati Sun. Well madali ito para kay Michelle dahil family business nila ito. Pero sa kagaya niyang Walang kakilala nahihirapan siya kahit na maganda ang kanyang school credentials .Dala ng pagod humiga ito sa kanyang kama. Kinausap ang litratong nasa ding ding.
"Wala ka bang matandaan na kahit ano tungkol sa akin? O baka strategy mo lang ito para iwasan kita Michelle."
Napabuntong hininga ito habang nakatitig sa poster ng dating kaibigan. Hindi na niya ito nakausap pang muli. After ng kanilang graduation bihira na ito kasi lumalabas ng bahay. Tanging sa tv, dyaryo at radyo na lamang niya naririnig ang pangalan ng dalaga.
Bumangon itong muli at pumunta ng sala. Nagligpit ng mga nagkalat na mga gamit at kinausap ang mga pananim."Naku siguro na miss niyo ako. Pasensiya na Kasi kailangan kong maghanap ng trabaho. Kailangan natin makaraos sa buhay. Ang saklap ng buhay sa mundong ito. Hello Tita kong maganda, okay ka lang ba diyan? Oh Ito na po Inaalagaan ko na itong mga pananim mo at huwag ka ng sumimangot. Aalis po pala ako kasi kailangan kong ipasa yung mga resume ko sa mga kompanya na gusto kong pasukan. Kaya baka gabi na naman ako makakauwi." Paalam niya.
Pumasok ito sa kwarto ng kanyang Tita upang ipagpatuloy ang pagliligpit. Kalat na mga libro, newspaper, tuyong dahon, old clothes etc. Para na itong hoarder dahil sa dami ng mga gamit na pinag iipon na hind naman kagamit gamit. Napabuntong hininga si Chelsea habang isa isang inaayos ang mga libro upang ibalik sa bookshelves. Napadako ang kanyang mata sa isang maliit at luma na libro. Kinuha ito at binuklat. Diary ng kanyang mama.
She put it on the side and continue picking up the remaining books and put it back to shelves. She even tried to wipes the thick mud on the edges of the baseboard corner. Ganun na ba katagal siyang hindi nakapaglinis? Nakikita niya rin ang makapal na alikabok. She tried to just blow it that made her coughs and sneezes. "Ugh! Leche nadumihan pa damit ko." Dali dali itong lumabas at pumunta ng kanyang silid upang magpalit. Biglang tumunog ang alarm. It's time for her to leave the house and drop all her resumes to all the news agencies that have been hiring for a while.
Isinuksok sa kanyang mga damitan ang nasabing libro. "Diyan ka muna. Saka na kita aalamin." Sabay ngiti nito. Lalabas na sana ito ng silid ng may maalala. "How are you beautiful. Don't worry Michelle mylove, aalamin ko ang katotohanan bakit hindi mo ako maalala? Parang ang hirap paniwalaan na basta mo na lang kinalimutan ang samahan nating dalawa. Hindi naman ako ganun ka panget di ba? Ikaw na nga lang ang itinuturing kong kaibigan tapos ito pa bigla kang nawala at pati sa alaala mo inalis mo din ako. Sana lang andiyan pa din ako sa puso mo at itinuturing mong best friend mo." Malungkot nakatitig sa nasabing poster na nakadikit sa kanyang bedroom wall saka mabilis itong lumabas ng kwarto at pumunta sa kanilang front door.
BINABASA MO ANG
The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETED
Mystery / ThrillerMeet Chelsea a shy, loner and promdi girl who had a big crush to a famous journalist Michelle Garcia who works as a writer at Makati Sun Newspaper and with her striking looks and charismatic personality, she was noticed far and wide. Michelle was ex...