Seis

7.9K 236 54
                                    







Kinabukasan naging laman ng pahayagan ang karumal dumal na sinapit ng lalaki. Ito na ang panglimang biktima sa Queen Street. Takot at pangamba ang nararamdaman ng mamamayan sa nasabing bayan. Naging palaisipan na ngayon sa karamihan lalo na sa nasabing bayan kung sino ang nasa likod ng pagpatay at anong dahilan nito bakit siya pumapatay. Ito din ang naging katanungan ni Michelle sa kanyang sarili habang binabasa ang nasabing dyaryo. Kausap niya sa kanyang opisina ang pinsan.

"Stab wounds, then nawawala ang puso, anong koneksyon ng puso? At dati babae ang biktima at karamihan sa mga ito walang saplot? Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito siya kung pumatay?" nagtatakang tanong ng dalaga habang hawak hawak ang nasabing dyaryo.

"Ano ngayon ang plano mo? tanong ng lalaki sa pinsan.

"Gusto ko mag imbestiga insan.  Malaking news ito Kyle. Pwede mo akong samahan if you want. Or baka takot ka makaharap si Black Lady. Hahaha! Ay before I forgot na check ko na ang resume ng iyong future girlfriend uyyyyy..." panunukso ng dalaga sa lalaki na nakasimangot. "Tell her na she's welcome to join and work at Makati Sun she can start tomorrow or kung kilan siya available to start. And for her first day, isasama ko siya sa pag iimbestiga. Yan ang kanyang first job site. Hanapin namin si Black Lady." Seryosong wika ng dalaga. Napanganga naman ang lalaki sa narinig.

"Are you insane? Pupunta kayo sa lugar na may pumapatay at hindi nga natin alam kung sino? What if andun lang yun nagmamasid huh? Kaya niyo bang protektahan ang mga sarili niyo? Knowing na puro kayo babae. Think about your safety insan. It's too dangerous to be there when it gets dark. Ano kaba naman." Pananabon ng lalaki sa dalagang nakairap lamang. Parang wala sa sarili dahil panay lang ito sa pag ngiti.

"Look, kapag nakakuha tayo ng lead di ba tayo ang mas nauna. Dala dala natin ang pangalan ng ating kompanya. Kuya pumayag ka na kasi. Wala nga akong kapatid pero kung makapag sermon ka talo mo pa ang parents ko." naka pout na turan ng dalaga sa kanyang pinsan.

"That's my point. Wala kang kapatid kaya as your older cousin ako ang mananabon sayo every day."

"Ughh!!" reklamo ng dalaga sabay takip ngkanyang mga taenga. "Hey don't forget your so... ugh whatever. Si Miss Gray. Please remind her na Kailangan maaga siyang pumasok bukas."turan nito. "Oh sha, gora, hanapin mo na yung weird mong future girlfriend hahaha. Oh baka gusto mo tatlo tayo ang pupunta ng Queen Street. Pleaseeeeeeeee cousin.. muahhhh i love you!"naka puppy eyes niyang tanong.



"You can't convince me with your sweetness Mitch. My answer will always be a big NO! I'll ask Papa about your plan too." saka tumayo. Nagmamadali namang humabol ang dalaga sabay yakap sa bewang nito.

"Kyle noooooo! Okay pag isipan ko na lang yung about diyan. Kainis ka talaga. I'll send some of our writers na matatapang na lang. Ako nga pinadala sa gyera para mag cover ng news doon. Dito serial killer lang eh.Since ayaw mong pumayag hanapin mo na lang si Future mo okay. Byeeeee!" after she close the door, matamlay itong bumalik sa kanyang upuan. She grabbed the newspaper at pinagmamasdan ang tungkol sa nagaganap na patayan. Kinuha pa niya ang iba pang newspaper na pinaggugupit at nilatag lahat sa kanyang desk at isa isang pinagmamasdan.

THE FOLLOWING DAY

CHELSEA

Maaga pa lang nakaligo na ako. Masayang masaya ako ng malaman kong sa wakas i'll be working at Makati Sun Ads. Natupad na ang isa sa mga pangarap ko ang muling makita at makasama si Michelle my super adorable dreamgirl. Nakatayo ako Sa harap ng aking may kaliitang lagayan ng damit at halos lahat ng laman ng cabinet ko nasa labas na pero wala akong makitang pwedeng maisuot sa office. Kasi nga bilang na bilang lang ang mga damit ko. Kaya siguro ayaw nila sa akin dahil sa kasuotan ko, out of style ba talaga?? Napabuntong hininga na lamang ako.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon