Renzo's Pov
FRANCE INTERNATIONAL AIRPORT
pag labas namin ng airport may isang sasakyan ang sumundo samin pauwi sa bahay nila Loraine.
"Sweetheart san yung sinasabi mo na pwede tayo humanap ng gulo" tanong ko kay Loraine kami lang kasi sakay nitong service car nila.
" Sa tabi tabi lang yun wag ka mag alala sweetheart dadalin din kita dun" sabi naman niya tas yumakap na siya sakin.
Pagdating namin sa bahay nila este mansyon agad na sumalubong samin ang madami nilang katulong.
"Welcome back young lady" sabay sabay nasabi ng mga katulong nila as in wow talaga ang ganda din ng bahay nila mas maganda pa sa bahay nila sa pilipinas.
"Sweetheart tara hatid na kita sa kwarto mo" sabi ni Loraine na basta basta na lang ako hinihila.
"Fine" sagot ko naman sa kanya. Habang umaakyat kami sa stairs ni Loraine di ko na iwasan na ilibot tong mga mata ko. Nakaka mangha talaga ang bahay nila simple pero ang ganda.
"Sweetheart eto magiging room mo" sabi niya.
"Ikaw san ang kwarto mo" tanong niya sakin.
"Katabi lang nitong room mo sige maiwan na muna kita sweetheart" sabi niya tumango naman ako sa kanya. Kinuha ko naman yung phone ko sa bag at tatawagan ko lang si Clay.
Loraine's Pov
Lumabas na muna ko ng kwarto ni Renzo para maka pag pahinga siya ako naman nandito na muna sa kwarto ko at inayos ko lang ang gamit ko.
****
Kinabukasn
Maaga ako nagising kaya eto mang gugulo ako sa kwarto ni Renzo. Pag pasok ko nakita ko siya na tulog na tulog pa. Na upo ako sa gilid ng kama niya at pinag mamasdan ko siya. Ang tangos ng ilong niya mapupulang labi at ang rosy cheek niya. Ngayon ko lang din na realize na ang gwapo gwapo niya.
Oo nga pala bago ko makalimutan kailangan ko nasiyang gisingin at mamasyal kaming dalawa at moment namin to hihi.
"Sweetheart wake up sleepy head" sabi ko habang niyuyugyog ko ang balikat niya.
"Hmmm Sweetheart I want to sleep" sabi niya.
"Oh come on mamasyal pa tayo" sabi ko siya naman tinalikuran ako ah ayaw mo gumising ha kiniliti ko naman siya.
"What the hell Sweetheart" inis na sabi niya.
"Dali na kasi" pangungulet ko.
"Kiss ko muna" sabi niya at ang haba ng nguso haha ang cute niya tingnana.
"Ayoko bad breath ka pa" sabay belat ko sa kanya siya naman tiningnan ako ng pagkalamig lamig oh no kasing lakas pa ng aircon ang pagka cold ng lalaki na to. Matutunaw ata ako sa mga tingin niya eh. Hay naku Loraine ang landi mo.
"Sweetheart" tawag niya sakin.
"Bakit" tanong ko naman sa kanya. Tumayo siya sa kama at tiningnan niya ko ng seryoso tatayo na sana ko nung hinila niya ko pahiga ng kama.
"Wahhhhh Renzo ano gagawin mo sakin" tanong ko sa kanya.
"Bat ang ganda mo sweetheart" sabi niya tas dahan dahan niya nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ang gwapo niya talaga sa malapitan. Wahhh ano ba binabalak nitong lalaki na to.