Renzo's Pov
Kinabukasan
Nag lalakad ako sa campus na parang ewan. Paano naman kasi madaling araw na kami na uwi nila Clay syempre naki pag basagan nanaman kami ng ulo. Speaking of my girlfriend wala pa siya dito ngayon.
Malamang late nanaman siya.
"Renzo bat di mo kasama si Loraine" tanong sakin ni Reema.
"Hindi ko nga alam kung nasaan siya ehh sabi niya kasi wag ko na daw siya sunduin" naka poker face ko na sabi sa kanya.
"Ay may photo shoot siya ngayon" sabi naman ni Trish.
"What"
"Yeah di ba niya sinabi sayo" umiling naman ako sa kanya.
Yung babae na yun talaga tumayo ako sa kinaka uupuan ko at pupuntahan ko siya sa studio minsan na niya kasi ako na isama dun eh. .
Loraine's Pov
"Oh ayan girl ang ganda ganda mo na" sabi nung make up artist na nag aayos sakin and yes he's gay in short malanding bakla.
"Miss Loraine cancel po ang photo shoot" sabi ni Pam.
"What" inis na sabi ko di na nga ako pumasok sa school para sa lintek na photo shoot na to tas ngayon cancel damn. Nakaka init lang talaga ng ulo ehh.
"Hindi kasi dumating yung makaka partner niyo" mag sasalita sana ko nung dumating si Renzo at take note ang cold niya maka tingin sakin.
"What are you doing here" tanong ko sa kanya nung naka lapit na siya sakin.
"Sinusundan ka bat di mo sakin sinabi na may photo shoot ka pala" naka poker face na sabi niya. Napa simangot naman ako sa kanya.
"Stop pouting " sabi niya at sabay piail sa pisngi.
"Loraine pakilala mo naman ako sa kanya" malandi na sabi ni Franz yung make up artist na barkada ko.
"Sweetheart si Franz nga pala " pakilala ko kay Renzo.
"Hi" malandi na sabi niya kay Renzo pero tiningnan siya nito nang pagka lamig lamig.
"Distansya o ambulansya" sabi niya kay Franz naka dikit na kasi sa kanya.
"Ang sungit mo naman papa jan ka na nga" sabi ni Franz.
"Sweetheart" tawag ko kay Renzo.
"Kala ko may photo shoot ka bat di pa nag sisimula" tanong naman niya.
"Di nga tuloy ehh di dumating yung ka partner"
"Sinong partner" galit na tanong niya haha cute niya pala mag selos
"Miss Loraine since wala naman po yung partner niyo pwede kayo na lang kailangan na kasi yung photo niyo" sabi ni Pam.
Renzo's Pov
"Sweetheart dali na papicture na tayo" pangungulet sakin ni Loraine.
"Still no" sagot ko naman di naman ako model para mag post mas lalo lang ako pag kakaguluhan ng mga babae. Mayabang ba di yan kayo nag kaka mali ayoko lang mag selos ang babaeng mahal ko.
"Sweetheart"
"Haysss fine" sagot ko naman minsan lang naman pag bibigyan ko na iya kahit labag na labag sakin to.