Ang Boyfriend Kong Cold
Chapter 13
Renzo'sPov
Tapos na kami mag dinner ni Loraine kaya eto naka tambay lang kaming dalawa sa veranda ng kwarto niya at naka tingin sa mga magagandang view dito.
"Sweetheart bukas may photo shoot ako sama ka " sabi niya habang nag dradrawing madami din pala talaga tong talent.Madami pa talagang hindi alam tungkol sa kanya.
"Oo sasamahan kita alangan naman iwan mo ko dito maagaw ka pa'' sabi ko siya naman tumawa lang tamo tong babae na to tinatawanan lang ako tsss.....
"Why" tanong niya.
"Tawa ka ng tawa" cold na sabi ko sa kanya.
"Ang gwapo gwapo mo tas ang cold cold mo sweetheart" sabi niya.
"Parang hindi ka sanay sakin" sabi ko.
"Sweetheart akala mo naman maagaw ako sayo ikaw lang ang lalaking mamahalin ko kahit ang cold mo"
"Bilisan mo na jan patingin ako ng drawing mo'' sabi ko sa kanya paano kaya ayaw niya pakita . pakikita niya daw pag tapos na nakaka inip kasi eh.
"Bukas ko pa siya matatapos eh tara nuod muna tayo ng t.v." sabi niya at sabay hila niya sakin.
Loraine's Pov
Hinila ko dito si Renzo sa kama ko at magka tabi kami ngayon. wag kayo masyadong green wala kaming gagawin na masama.
"Ang boring ng palabas" sabi ko.
"Late na din naman bakit ayaw mo pa matulog sweetheart maaga pa ata ang photo shoot mo ah" sabi sakin ni Renzo.
"Can you stay here " sabi ko sa kanya .
"Hindi pwede baka ano isipin ng Mommy at Daddy mo" sabi niya.
"Please wala naman tayo gagawin na masama eh " naka puot na sabi ko.
"Still no hindi ako aalis unless maka tulog ka" sabi niya.
"Fine" sagot ko naman sa kanya. Katahimikan naman ang na balot saming dalawa. Naka higa ako sa braso niya siya naman hinihimas himas ang buhok ko.
"Sweetheart can you sing for me" sabi ko sa kanya.
"Alam mo ikaw ang dami mong demand sa buhay'' cold na sabi niya haysss kung buhusan ko kaya to ng kumukulong tubig baka sakaling mabawasan ang pagka cold niya.
"Sige na please" pangungulit ko sa kanya pero ayaw niya pa din pumayag.
Renzo's Pov
Ang dami talagang hiling nitong babae na to eh. Hindi daw talaga siya matutulog hanggat di ko siya kinakantahan.
"Sweetheart sige na kasi kantahan mo lang naman ako eh" she said while pouting.
"Hindi kasi libre ang pag kanta ko pero para sayo sige" sabi ko.
"Kyaahhhh talaga kakantahan mo na ko" tili naman niya.
"Alam mo ikaw ang ingay ingay mo kay mahal na mahal kita eh" sabi ko sa kanya.
"Ayan ka nanaman sa pang bobola mo eh" sabi niya at na pansin ko din na namula siya.
"Totoo naman kasi sinasabi ko"
"Oo na kumanta ka na para maka tulog na ko" natawa naman ako sa kanya.