SIMULA

621 13 0
                                    


A/N: I changed this story's part btw. Enjoy reading!

SIMULA

Sa batang edad ay naulila na ako ng aking mga magulang. Kwento pa saakin nila Abuela ay namatay daw silang magkasama at magkasama rin silang nasa langin na kasama ang poong may kapal.

Hindi nagkulang sila abuela sa pagmamahal para saakin dagdagan pa ng pagmamahal at atensyon na nakuha ko mula sa mga tiya at pinsan ko. Ngunit, nakakabagot. Nakakabagot na panuorin kung paano mabuhay ng masaya at malaya ang mga pinsan ko habang ako naman ay naiiwan lang sa probinsya.

Ang pinaka gusto kong panahon sa isang taon ay ang pagsapit ng tag-araw. Palagi kasing bumibisita ang mga pinsan ko sa bahay nila abuela kung kaya't may mga makakausap ako. Isa sa mga pinsan kong iyon ay si ate Michaela. Siya ang pinakamatanda saaming lahat at ang pinaka paborito kong pinsan.

"Ate, bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakanya 'nung nakita ko siyang nagmumukmok at namumula ang mga mata sa veranda ng bahay. Kadalasan kasi ay magkasama kaming nagbabasa at nagkwekwentuhan sa library.

Mabilis naman na pinahiran ni Ate Micha ang kaniyang mga luha at bumaling saakin ng may ngiti ang kaniyang labi, "Wala ito, ano ka ba naman..." Natatawa pang sabi nito. Pero hindi katulad nga mga tawa niya, wala itong laman. Ni hindi kumislap ang mga mata niya, ni hindi ko naramdaman ang saya at galak nito.

"Hindi ka naman masaya ate 'eh..."

Napanguso ito, "Ano ka ba! Nakangiti na nga ang ate 'eh..."

"Ang mga mata mo po, mukhang umiiyak 'eh at ang lungkot niyo pong tingnan..."

Sa sinabi kong 'yun ay mas bumuhos pa ang mga pinipigilang luha mula sa mga mata nito, "Ang talino mo talaga..."

Napakunot ang noo ko dahil 'dun, "Ba't po kayo umiiyak? Dahil po matalino ako?"

"Ang cute mo, alam mob a yun?" Natatawang wika pa nito, "Wala ito. Napaka-feeling kasi ng ate mo 'eh..."

"Ano pong feeling, ate?"

Tiningnan niya lang ako, "Pwedi ba ang ate humingi ng pabor?"

"Oo naman po! Ano po 'yun?"

"Pwedi bang makinig ka sa mga sasabihin ng ate pero sikreto lang natin ang mga sasabihin ko?"

"Sige po ba. Sikretong malupit!"

Napatawa nalang ito, "Sikretong malupit nga natin to..."

Ilang sandali pa bago nagsalita si ate Sheena, "My kaibigan akong lalaki---"

"Kaibigan po? Gaya nina Che-che saakin?"

Sinenyasan lang ako ni ate na tumahimik, "Nakilala ko siya sa Love Dance 'nung nakaraan. Gaya ko pumunta siya 'dun kasama ang mga classmates niya. Naging magkasundo kami kasi nga pareho ang halos lahat ng mga gusto namin. Hindi ko alam na sa mga sandaling nagkasama kami, nahulog na pala ang loob ko sakanya..."

"Nahulog?" Wika ko habang nanlaki ang mga mata, "Yun po baa ng dahilan ng pag-iyak niyo? Nabalian po ba kayo ng buto?"

Natatawang napailing si Ate Sheena, "Hindi ko talaga alam kung ano ang itinuturo ng tutor mo sayo 'eh!"

Napanguso ako habang nakatingin sakanya, "Ano na pong nangyari?"

"Well, dahil gusto ko talaga ang kaibigan kong 'yun, inamin ko sakanya ang mga nararamdaman ko. I thought were on the same page pero mali ako, eh. I tried so much to gain his affection pero hanggang pagkakaibigan lang ang maiibibigay niya and that made me cry today, Maria..."

Nanatili lang akong nakatingin kay ate Sheena, hindi ko kasi maintindihan ang lahat ng sinasabi niya pero may naintindihan naman ako, "Masakit po ba ang heart niyo?"

"Oo, ang sakit sakit. I thought he was inlove with me! Akala ko mahal naming ang isa't isa but I was wrong. I was blinded with the illusion of us that broke my heart..." Napatingin si Ate Sheena saakin habang lumuluha pa ang mga mata, "Don't be like me, alright? Don't be blinded by the illusion, the feeling, love him but not too much..."

Paper Hearts Where stories live. Discover now