KABANATA 3

152 7 0
                                    


[A/N: This chapter is dedicated to @JFstories :) Naalala ko po kasi si Ruby at Rosenda kapag nagtatype ako ng convo ni Maria kay Lyre. HAHA. Ang loko loko talaga kasi nila :D Hope you'd like this po!]


KABANATA 3

Maria


NGUMISI muna si Lyre bago bumaling saakin at sagutin ang tanong ko, "Bakit kukunin ni Damon ang number mo at kung bakit niya pa sinugo ang isa sa mga alagad niya para dito?"

Napanguso na lang ako sa patanong na sagot ni Lyre, "Ano nga, Lyre? Inulit mo lang ang tanong ko 'eh!"

Tinawanan muna ni Lyre ako bago sumagot, "Bakit ba ang dense mo, bhe? Its obvious naman na like ka ni Damon the snob guy of the year at natorpe ang gago kaya sinugo niya ang isa sa mga aso nito na si Apollo na unfortunately, mukhang aso talaga! Bakit ko ba naging EX yun? Ew lang!"

Marami pang sinabi si Lyre pero medyo na-hang ako sa part na sinabi niyang gusto ako ni Damon. Posible ba yun? Na magustuhan mo ang isang tao sa unang pagkikita pa lang? Yung tipong hindi mo pa masyadong kilala ang ugali't lahat lahat gusto na agad? Ang babaw naman masyado...

"Hey! Are you with me? Kung ayaw mo akong kausap, bhe pweding sumali kana lang sa Clan namin? Kailangan ng provider ng mga healer and such 'eh don't worry may isa akong account na kumpleto na!"

Nasapo ko na lang ang noo ko sa naging pahayag ni Lyre. Ang adik talaga ng babaeng 'to pagdating sa COC at sa iba pang Online Games. Mag aalas otso na pero heto parin siya nakatunganga sa iPad niya. Open kasi ang Internet Access ng Dormitory dito at sobrang bilis pa talaga ng Internet!

"Tulog na ako, ah?" Saad ko sakanya at humilata na sa kama kong nasa kilid lang din kama niya. Pero hindi talaga ako maka tulog! Ilang ulit akong nagpapalit palit ng pwesto sa higaan ko pero bwisit lang! Hindi parin ako makatulog!

"Find a hard time sleeping? Samahan mo nalang akong mag-internet, bhe..."

At dahil hindi naman talaga ako makatulog, sinamahan ko nalang siya. Una-una kong binuksan ang Facebook sa iPad ko at kaagad tumambad ang mga notifications, messenges at friend requests.

"Gosh, ang Popular mo talaga, bhe!" saad ni Lyre ng minsang dinungaw niya ako.

Napailing iling na lang ako dahil 'dun, inuna kong buksan ang Friend request at tumambad saakin ang medyo nakakaasiwang profile picture ni Chancellor Damon Esquivel. Topless kasi ito at ayon sa background mukhang nasa loob ito ng isang Gym.

Napaawang nalang ang bibig ko habang pinagmamasdan ito, halata ngang nageehersisyo si Damon kasi nga sobrang perpekto ang katawan niya. Sa tikas palang ng dibdib nito pati na ang tila perpektong pagkaukit ng abs niya.

"Gosh, matutunaw si Damon niyan, bhe! Accept mo na lang! Hihihi..."

Napasimangot nalang ako kay Lyre, ang kulit talaga kung kaya't pinag-aacept ko na din ang friend request ng mga taong pinang sasaad niya.

"Nu palang course mo bhe?" tanong ni Lyre habang patuloy sakaka scroll sa Instagram account niya.

Humihikab na sumagot ako, "Business Administration."

Nagtitili naman si Lyre dahil dun, "Magkaklase tayo, bhe! Omayghad! This is a dream come true~! Forever na tayong magkakasama! Yipe~!"

Napailing iling nalang ako sa naging asta niya parang bata talaga, "Lyre? Matulog na ako ah? Good night!" saad ko habang inaayos ang kutson at mga unan ko.

Paper Hearts Where stories live. Discover now