KABANATA 44

30 2 0
                                    

Enjoy Reading!
-Struckbytragedy ❤

KABANATA 44
Maria

“I’m sorry for your loss,” Panimula ni Damon na tumapos sa nakakabinging katahimikan na namayani saaming dalawa.

Wala sa sariling napatango nalang ako sinabi niya at pinilit ang sariling ngumito dito, “Gusto mo ba ng makakain?” Alok ko sakanya na sinang-ayunan naman nito.

Mabilis akong tumawag ng katulong para maghatid ng pagkain habang inaayos ko ang lugar kung saan ko siya pauupuin.

“Kailan ang libing ng lola mo?” Aniya pagkatapos umupo sa iginiya kong upuan.

“Sa darating na Sabado na,” Sagot ko naman sakanya habang tinutulungan si manang sa paglagay ng mga pagkain.

Medyo naaasiwa kasi akong makipagtitigan sakanya habang nagsasalita. May kakaibang kaba akong nararamdaman kapag nandito ang presensya niya.

Napangiwi nalang ako ng matapos si manang sa paglagay ng mga pagkain, wala na akong rason para hindi kausapin siya.

Umupo ako sa harapan niya at pasimpleng kumuha ng kaunting pagkain para saluhan ito.

“Are you staying for good?” Tanong nito matapos kumain, mabilis na uminom ako ng tubig at tinanguan niya.

Narinig ko ang marahas na paghugot nito ng paghinga matapos ang ilang sandali na hindi ako nagsalita.

“Are still mad at me?”

Napaawang ang aking labi at mabilis na umiling, “H-hindi na. Matagal naman ‘yun, Damon,” Anas ko sakanya sabay pilit na ngiti dito.

Hindi maalis ang tingin ni Damon saakin matapos ang gabing ‘yon.

Halos araw-araw kasi siyang pumupunta sa lamay ni abuela.

Matalik na magkaibigan pala ang angkan naming dalawa. Sa hindi mabilang na paglagi niya sa bahay ay ang ilang ulit na pag-pilit ni Tiya Isadora saakin na samahan siya kumain.

“Namimihasa ang lalaking ‘yan ha.” Utas pa ni Bree habang nakatingin kay Damon mula sa kusina, “Alam ba ng boyfriend mo na palaging nandito ang ex mo, Maria?”

Naguguluhang napatingin ako sakanya, “Kailangan niya pa bang malaman?”

Eksyaradang napamura ang pinsan ko, “Of course girl! Kailangan malaman ng boyfriend mo! Hello? Ex mo kaya ‘yan si Damon pero kung makaasta sayo parang kalaguyo mo lang.”

“Magkaibigan lang naman kami ni Damon. Wala naman sigurong masama sa pag-sama sakanya dahil wala naman kaming ginagawang masama.”

Napailing nalang ang pinsan ko, “Bahala kana nga diyan. Basta sinabihan kita ha?” Sabi ni Bree bago umakyat sa taas upang kunin ang cellphone niya.

Halos hindi ko na namalayan ang pag-dating ng huling araw ng lamay sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

Hindi tulad ng mga nakaraang araw masyadong marami ang mga tao ngayon sa bahay.

Marahil dahil ito na ang huling araw upang makapiling ng mga kakilala, malapit na kaibigan at mga kapamilya si abuela.

“Okay ka lang, Maria?” Nakangusong tanong ni Bree habang sinamahan ako sa pag-asikaso ng mga pinamimigay na pag-kain.

Napabuntong hininga nalang ako, “Sasagot ba ako sayo ng oo para mapanatag ang kalooban mo? Pasensya na, Bree. Ang hirap lang kasing umaktong ayos lang sa gitna ng pagluluksa.” Tanging sagot ko sakanya habang pinipigilan ang sariling mapahikbi.

Mabilis naman nito akong inaluhan at pasimpleng niyakap.

“Kung nasaan man si abuela ngayon, Maria. Sigurado akong mas gugustuhin niyang alalahanin nalang natin ang mga masasayang alaala kasama siya.” Sabi ni Bree habang patuloy na pinapagaan ang damdamin ko. Hindi ko na namalayaan ang pag-landas ng luha saaking mga mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paper Hearts Where stories live. Discover now