KABANATA 32

29 2 0
                                    


A/N: Enjoy reading!

-struckbytragedy


KABANATA 32

Maria


"Mukha kang masaya dahil ba yan kay Archer?" Tanong saakin ni Abuela na kinabigla ko.

It took me awhile before I could utter a word, "Opo." I answered my abuela truthfully. For the past couple of weeks that I've been staying here, I have Archer. Kung wala siguro siya malamang iiyak nanaman ako. Palala kasi ng palala ang kalagayan ni abuela. Her chemotherapy sessions weren't helping her anymore at imbis na gumaling ay mas lumalala pa nga ang sakit niya.

Abuela smiled, "Mukhang masaya ka nga apo..." Wika pa nito habang hinahaplos ang aking kamay. Abuela has this weird habit of touching my hair since I was young. She would comb my hair and braid them nicely na kinaiinggitan ng mga pinsan ko, saakin niya lang kasi ginagawa 'yun.

Ni hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko, I was crying sa simpleng gesture na ginagawa ni abuela. Alam ko kasing may posibilidad na huli na ito, na hindi na mauulit pa.

"Alam mo naman siguro na tangi ko lang na hiling para sa iyo ay ang maging masaya ka, apo, hindi ba?" Abuela told me habang sinusuklay niya ang buhok ko, "Alam mo bang ang ama mo ay napaka hiyain nung bata pa? Naku, hindi ko nga inakalang magkakaasawa ang batang 'yun!"

Napangiti nalang ako dahil 'dun at nakinig lang sakanya habang kinikwento niya ang mga kwentong memoryado ko na mula noong kabataan ko pa. Mahilig kasi si abuelang kwentuhan ako at kahit paulit ulit koi tong naririnig, pinipili ko nalang na pakinggan ito.

Nahinto ang kwentuhan namin ni abuela ng pumasok si Tiya Isabel, Tiya Isadora at ang doctor nito.

"Maria?" Wika saakin ni Tiya Isadora kung kaya't napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Bumaling ako kay abuela at binigyan siya ng yakap bago umalis sa kwarto niya.

Mabigat ang loob na pumasok nalang ako sa kwarto ko para makapagpahinga pero nahuli ng mga notifications sa Messenger ang atensyon ko. My messenger was filled with messages from Archer, Lyre, C and even him.

I choose to open Archer's message at napangiti nalang ako ng nakita ang panghuling mensahe nito. He wants to see me tonight!

Napatingin ako sa orasan at napangiti nalang, a few hours more and I got to see him again! Archer told me to dressed casually kung kaya't pinili ko ang isang simpleng black dress. Sa tulong ni Bree ay naging mas maganda ako tignan ngayon. She curled my hair and put a small amount of make-up on my face. Bigla ko namang naalala sila Lyre at C dahil dito, sila kasi ang madalas gumawa saakin nito.

"Perfect!" Puri pa nito saakin habang nakangiting pinagmamasdan ako, she even manage to take snap photos of me na hindi ko nalalaman. Napanguso nalang ako ng makita ang pinost niya sa Instagram.


@Breemazing Someone's going on a date, right cousin? @MariaDCruz


Her post caught Lyre and Cosmo's attention kung kaya't hindi nagtagal ay nag notify nanaman ang group chat naming sa Facebook. They are asking for a videocall!

I tap the green button, answering it at tumambad saakin ang nakasimangot na mukha nilang dalawa. They we're together, mukhang nagbabonding silang dalawa.

"Maria! May hindi ka talaga sinasabi saamin, eh no?" Lyre said while looking at me fiercely, mukhang manghahablot nga ito ng buhok kapag magkasama kami 'eh.

"Maria? You know what to do," Segunda pa ni Cosmo.

Napahinga nalang ako ng malalim bago sumagot sakanila, "I'm currently dating Archer."

"Archer? Archer Who?!"

"Archer Spike Britton."

Sa sobrang pagkagulat ni Lyre ay nabitawan nito ang cellphone niya na kinatawa ko nalang, maririnig ko ang mga murang pinakawalan nito mula sa kabilang linya.

"Paano?" Wika ni Lyre na para bang mahirap paniwalaang nagdi-date kami ni Archer.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Duh? Archer is the complete opposite of his twin! Kung si Asher napaka out-going at pabibo, si Archer naman naku! Napaka snob!" Lyre said habang nakangiwi.

"But he's really smart!" Dagdag naman ni Cosmo na nakangiti, "He has the highest GPA in the Engineering department and consistent honor student since kindergarten!" Sa ngiti palang ni C ay mukhang botong boto siya kay Archer para saakin.

Napanguso nalang ako 'dun, mas marami pa kasi silang alam kay Archer kumpara saakin.

"Pero paano mo ba talaga siya nakilala?" Tanong ni Lyre kung kaya't kinuentuhan ko rin sila ng nangyari noong gabing 'yun. Katulad ng mga pinsan ko, hindi rin sila makapaniwala.

"Maria, si Archer nandito na!" Sigaw pa ni ate Sheena sa baba kung kaya't pinatay ko na ang tawag. The both of them pouted, mukhang gusto pa sana nilang makipag kwentuhan.

"Promise, tatawag ulit ako bukas!" Nakangiti kong wika sakanilang dalawa. The both of them said their good byes bago ko ibinaba ang tawag. Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin bago bumaba. My heart flutter inside my chest habang nakangiting bumaba sa hagdan. Mas dumagundong pa ito ng nakita kong nakatayo sa dulo si Archer habang ang kamay ay nakalahad saakin, he was grinning widely at me.

"You're really beautiful, Ana." He said while holding my hand. We're on our way to his car at salamat sa madilim na garden ni abuela ay hindi nito nakikita ang mapula kong mukha. Mahilig din kasi siyang tumukso saakin, he would make fun of me at times.

"Thank you," I told him nung pagbuksan niya ako ng pintuan. Nakasanayan ko na kasing ginagawa niya ito saakin pag magkasama kami. He would open the door, pull out a chair, put some food on my plate, comfort me and most especially being there when I need someone to talk.

We stopped in a restaurant by the beach. Kahit alas otso na sa gabi ay marami paring mga tao ang nakatambay sa gilid ng dagat. I spot some teens skinny dipping, napangiwi nalang ako dahil 'dun.

"Sorry sir but we're packed," Wika ng lalaki kay Archer.

"I made a reservation under Archer Spike Britton's name."

Tumango lamang ang waiter at iginiya kami sa loob, we we're greeted by the smell of mouth-watering seafood dishes. Umagaw rin ng atensyon ko ang magandang interior design ng restaurant na sinabayan pa ng magandang awitin ng singer na nakatayo sa gitna.

"Ang ganda naman dito." Hindi ko napigilang hindi sabihin yun ng maupo na kami ni Archer. The waiter told us to wait for several minutes bago umalis sabay ang order naming dalawa. Since Archer already dined at this place, siya nalang ang umorder para saaming dalawa.

"Only the best for my queen," He said while looking directly at my eyes. His perfectly dark brown orbs reflection his feelings for me. He looked at me like I was the most precious thing in the world and the thought alone can send voltages of electricity in my body.

I was still daze from what he said na hindi ko namalayan ang pag-dampi ng labi niya saakin. Akala ko dampi lang ang gagawin niya ngunit mas pinalalim pa niya ang halik, ni hindi ko rin namalayan ang pag responde ng labi ko. I was kissing him like he was kissing me.

Huminto kami ng hindi na kami makahinga pa, nahihiyang napayuko nalang ako. Narinig ko ang pagtawa ni Archer dahil 'dun.

"Come on, don't be shy. You already tasted my lips, ngayon ka pa ba mahihiya?" Natatawa pang wika nito saakin.

Napanguso nalang ako dahil 'dun, "Archer naman 'eh."

He stared at me before saying anything, "You're responding to my kisses now, Ana..." He trailed off, he was looking at me intently, "Are you finally mine, now?"

Paper Hearts Where stories live. Discover now