KABANATA 27

32 1 0
                                    

KABANATA 27
Maria

"Maria! Open muna ang portal bilis!" Wika ni Lyre at excited na binuksan ang official website ng school. Ngayon kasi ang posting ng grades kung kaya't ganun nalang siya maka-react. Tinabihan ko lang siya at tumingin tingin rin sa iPad niya.

"Omg, wala akong tres!!!"
Masayang wika niya saakin habang nagtatalon talon sa kama, napailing nalang ako, "Sandali ah, ikaw naman," Wika niya at hinanap ang pangalan ko, "O to the M to the G!!! Ang O.A ng sakit ng ulo mo ha?! Wala ka namang grades dito na mas mababa pa sa 1.5! Jusmiyo marimar!"

Napangiti nalang din ako 'dun at nagpasalamat nalang sa diyos. Hindi ko kasi inaakala na makakakuha pa ako ng mataas na grado sa lagay kung 'yun.

Kinagabihan, nagdesisyon si Lyre at C na mag-bar kami. Sa tulong ng convincing powers ni C at pangungulit ni Lyre ay napapayag nila akong dalawa.

"Mag babar tayo! Hindi a-attend ng misa, Maria!" WIka pa ni C ng nakita ang suot kong dress na long sleeve. Pinabalik niya ako sa loob ng dorm at siya na mismo ang pumili ng suot ko. She settled for a black sleeveless dress na sobrang iksi, it also has a plunging v-line.
Abuela would be enraged kapag nakita niya akong suot suot ito!

"You looked hot!" Puri pa saakin ni C habang nilalagyan ako ng kung anong kolorete sa mukha. She was busy fixing my face while Lyre was busy curling my hair.

Napagdesisyunan kasi ni Lyre na ikulot ang ends ng buhok ko.
"Everything done! Dali, picture muna!" Wika pa ni Lyre at bago pa ako makangiti o ano nabati na kaagad ako ng flash ng camera.

"Lyre!" Reklamo naman sakanya na tinawanan lang nilang dalawa ni C, nagpaghahalataan silang dalawa na bully talaga 'eh. Hindi lang nila ako pinansin at dumiretso nalang kaming tatlo sa sasakyan ni C.

"Anong bar tayo?"
Napaisip si Lyre bago sumagot, "Oblivion nalang, gusto kong makita ng mga gwapo 'eh."

Biglang sumabat si C, "Sagot mo ang ticket namin ni Maria?"

Napairap si Lyre, "Sige na nga, ang kuripot niyo talaga." Pagdadabog pa nito. Napailing nalang ako dahil 'dun at napatingin sa mga dinaraanan naming mga lugar.

Hindi kasi ako pamilyar sa mga building na narito. Masyadong marami din dito ang nag sulputang KTV, Bar at motel.

Huminto kami sa isa sa mga bar na naroon. Sobrang maraming tao kung kaya't medyo nahirapan sa pag-hanap ng parking space si C.

"Finally!" Wika pa nito ng naka-alis na kami sa carpark at tinatahak ang daanan papunta sa bar ma sinasabi ni Lyre. I was walking beside her while Lyre was struggling to keep up with us because of her high heels.

"Ano ba, hintayin niyo naman ako!" Wika pa niya habang padabog na sinusundan kami.

"Bakit ka ba kasi sumuot ng ganyan kataas?" Naiirita pang sabat sakanya ni C. Lyre's high heels were around 7 inches' kung kaya't ganun nalang siya magreklamo, "Hindi ka naman rarampa, gigimik lang."

"Easy for you to say, no need mo na kasing mag heels!" Parang bata na sabat pa nito kay C. Napailing nalang ako sa kakulitan ng dalawa. Cosmo is basically towering over us. Sabagay, She's half brit kung kaya't nabiyayaan nalang siya ng ganiyang kataas na height at magandang kurbada ng katawan.

Pagkatapos na kausapin ni Lyre ang bouncer at binigyan ng ticket ang lalaking nasa labas, mabilis kaming nakapasok sa loob.

Sumalubong saamin ang mga naghihiyawang tao, dumadagundong na musika at ang mausok na lugar.

"Yes!" Wika pa ni Lyre ng nakakita siya ng bakanteng sofa sa gilid. Mabilis din na tumawag si C ng waiter para umorder ng inomin.

"3 shots of tequilla," Wika pa nito.

"Hala? Ice tea nalang 'yung sakin."

Umirap si C, "Strawberry cranberries for her."

"Ano 'yun, C?"

Paper Hearts Where stories live. Discover now