KABANATA 21

33 1 0
                                    


A/N: Weeks will pass at Hello Tag-araw nanaman! Asahan ang maraming updates. Will focus on this story muna. Happy reading. 


KABANATA 21

Maria

"Abuela?" Tawag ko kay Abuela noong naiwan kaming dalawa sa Cafeteria. Nag request kasi si Tiya kay Damon na i-tour daw ito sa Academy.

"Ano iyon apo?" Tanong naman saakin ni Abuela ng may magandang ngiti.

"Kamusta na po ang kalusugan ninyo?" Tanong ko sakanya. Napansin ko kasi ang ang kabilisan niya sa pagiging pagod at ang maputlang kutis nito.

Napabuntong hininga lang ito, "Tama talaga ang Abuelo mo ng sabihin niyang mahahalata mo agad kong may mali saakin..." Wika nito ng may tipid na ngiti. Mukhang inaalala pa nito ang mga panahon na buhay pa si Abuelo at kapiling pa namin.

Namatay ang Abuelo noong ika-pitong taon gulang ko palang dahil sa taas ng presyon ng dugo at diabetes. Mahilig kasi 'yun sa mga matatamis at coffee drinker din!

"Lumalala ang sakit ko sa puso, Maria..." Wika ni Abuela.

Napalunok ako dahil 'dun, "Nagpatingin na po ba kayo?"

Ngumiti lang ulit ito, "Maalagain ka talagang bata ka. Oo naman apo. Kaya nga napaaga ang pagbisita ko sayo at sa inyong irog dahil 'dito." Turo niya sa puso niya, "Hindi na kaya nito, apo. Kailangang ma-operahan ng aking puso. The doctor said I need to have the full medication abroad dahil wala dito sa Pilipinas kaya ganun."

"Iiwan niyo po ako?" Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal at maging isip bata sa panahon na 'yun. Si Abuela ang tumayong magulang ko mula ng ako'y magkaroon ng isip. Siya na naging nanay at tatay ko. Siya na palaging nandiyan upang suportahan at mahalin ako.

Alam ko naman na hindi na tatagal si Abuela dahil na rin sa katandaan nito at sa sakit sa puso pero ang malaman ito mula sa kaniya ay nakakasakit lang sa puso. I'm not prepared for her to die just yet and I will never be prepared for it. She was mom, my dad, my best friend, my abuela, my everything...

"Ano ka ba namang bata ka! Pupunta lang ako doon para magpagamot, iha! Babalik pa naman ako!" Wika ni Abuela at pinatahan ako habang ako naman ay umiiyak parin.

"Babalik ka ha?" Parang batang wika ko sakanya. Batang nagmamakaawa sa kaniyang ina na umuwi ito kaagad matapos ang trabaho. Batang ayaw maagawan ng iba at maiwan na nag-iisa.

"Babalik ako, Maria..."

---

"I wish I'm with her every step of her operation," Wika ko habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan nila Abuela.

"You can be with her if you please..." Sagot naman ni Damon saakin.

Napabuntong hininga nalang ako, "Mas gusto niya daw na dito nalang ako at focus sa pag-aaral..."

"Iyon naman pala ang gusto ng Abuela mo 'eh. You should follow her and just focus on your studies and me..."

Napakunot ang noo ko dahil 'dun, "Ano?

Ngumisi lang ito, "Wala!" Saad niya at ginulo ang buhok ko. Napanguso nalang ako dun at napairap, ginugulo nanaman niya ang buhok ko!

Napakunot ang noo ko ng nakita kong may kasigawan si Lyre.

"Hala? Nakita mo ba yun?" Saad ko kay Damon sabay turo sa direksyon ni Lyre at nong lalaki. The guy was towering over Lyre, mukhang magkasing tangkad silang dalawa ni Damon. Other than that, the guy was decorated with tattoos on his right arm. He looked just like the dangerous bad boy I'm reading last night!

Paper Hearts Where stories live. Discover now