KABANATA 23

30 1 0
                                    


A/N: Currently working with my Research Paper. I'll give you guys more updates afterwards. Enjoy Reading! 

-Struckbytragedy 


KABANATA 23

Maria

Hindi na kami nagkaroon ng maayos na kwentuhan ni Damon pabalik ng mansyon. Ni hindi nga niya magawang tumingin saakin o sumagot ng maayos sa mga tanong ko. Aaminin kong nasasaktan ako pero hindi naman 'yun basehan na hindi ko na siya tratuhin na normal. Nakakapagtaka lang na siya pa itong parang nasasaktan at naapektuhan habang ako naman itong pinagkaitan niya ng katotohanan tungkol sa nakaraan niya.

"Ate!" Nakangising wika ni Thalia saakin habang nakatambay ako sa veranda ng bahay nila. Alas dies palang kasi sa gabi at hindi ako makatulog kung kaya't napagpasyahan ko nalang na tumambay dito kahit saglit lang.

"Ano 'yun?"

Umiling lang ito, "Wala lang." Ngumiti pa nito saakin ng nakakaloko, "Um, ate? Curious kaba kung sino si Ate Chloe?"

Natigilan ako dahil 'dun, "Oo naman," I honestly answered her question. "Hindi kasi siya naikwento saakin ni Damon,"

Napangiti si Thalia sa naging sagot ko, "Ang bait mo talaga ate. Sige na nga since ang bait bait mo, ikwekwento ko na."

Sinimulan na nga ni Thalia ang pagkwento saakin tungkol kay Chloe. Si Chloe ang first love ni Damon, nakakatawa nga na magkaparehong magkapareho daw kami sabi ni Thalia. Magkapareho ng ugali, pananamit, pananalita at galaw. 'Yun nga lang, iniwan daw ni Chloe si Damon at doon na nag-aral sa ibang bansa.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pamilyar na sakit saaking dibdib. Halos hindi na ako makahinga ng normal pagkatpos ng kwento ni Thalia. Nagpasalamat nalang ako ng nakadating na ako sa kwartong tutuluyan ko ng hindi nakakagwa ng ingay na umiiyak. Parang sasabog na ang puso ko habang tinitiis ang sakit na nararamdaman ko. Habang iniisip ko ang mga dahilan, ang mga possibleng dahilan kung bakit niya ako minahal...

Hindi kaya minahal niya lang ako dahil naaalala niya si Chloe sakin?

Totoo kaya ang lahat ng mga ipinakita niya saakin sa loob ng ilang buwan na naging kami. We're his feelings and emotions, real?

---

"Damon?" Tawag ko sakanya habang busyng busy ito sa pagmamaneho. Pabalik na kasi kami ngayon sa Maynila.

"Hmmm?" Sagot niya habang ang mga mata ay nakadirekta parin sa daanan.

Mahal mo ba talaga ako? "M-malapit na ba tayo?" Napipiyok kung wika sakanya. Sa ilang oras na magkasama kami sa biyahe, ni isang bagay wala siyang may nahalata saakin. Isang bagay na hindi ko alam pero napakasakit sa kalooban. Napakasakit lang na damhin na parang wala siyang pakialam na saakin.

"Yes, just sleep." Bagot na wika nito pabalik saakin. Tumango nalang ako sakanya at bumalik sa pagkakahilata sa upuan ko. Hindi ako makatulog buong biyahe pabalik sa Maynila habang si Damon naman ay nanatili walang imik tanging ang tugtog lang mula sa mp3 player ng kotse nito ang maririnig.

Nakikita ko na mula sa kinauupuan ko ang signage ng University ng biglang binasag ni Damon ang katahimikan na namamayani saamin, "Maria?"

Napalunok ako, "A-ano 'yun?"

"Sorry," Wika nito sa mababang boses pero sakto lang para marinig ko. Bahagyang nakayuko na ngayon ang kanyang ulo habang diresto paring nakatingin sa daanan.

"Bakit?" Nanginginig na tanong ko sakanya. Sa sobrang raming mga bagay na bumabagabak at tumatakbo sa aking isipan at sa sobrang daming konklusyong pilit na nabubuo. Ni hindi na ako makaisip ng kung ano. Parang nakalutang lang ako sa ere.

Biglang umiwas ito ng tingin sa daanan at napatingin saakin, "Sa mga maling bagay na nagawa ko..."

Napatigalgal ako dahil 'dun, "B-bat ka nagsosorry? Wala ka namang dapat na ipagumanhin, Damon..."

Ngumiti lang ito saakin. Ngiting hindi nakaabot sa mga mata nito, ngiting may halong lungkot, "Basta..."

Akmang magsasalita pa sana ako ng itinigil na niya ang pagpapatakbo ng kotse at lumabas na dito. Napatingin naman ako sa bintana at nabigla ng nakitang nandito na pala kami sa Girls Dormitory ng University. Nandito na pala kami.

Pinagbuksan ako ni Damon ng pinto, gaya ng palagi niyang ginagawa, "Thank you..."

Ngumiti lang ito saakin at bilang ganti, ginulo lang ang buhok ko, "Wala 'yun..."

Ngumiti nalang din ako sakanya, "Salamat ah?"

"San?"

"Sa pagsama sakin sa lugar ng tito mo. Unang experience ko 'yun sa pangangabayo tapos ang ganda pa ng lugar." Nakangiting wika ko pa habang nilalarawan ang pinuntahan namin. Kung may award lang siguro ang acting ko, Best actress na ako!

Nasundan iyon ng tawanan at asaran naming dalawa hanggang sa nakaabot na kami sa tapat ng Dorm namin ni Lyre.

"Damon?" Tawag ko sakanya ng pumanhik na itong aalis.

"Yes, Maria?"

Lumabi ako, "Wala ka bang sasabihin saakin?" Sa kaibuturan ng puso ko, gustong gusto kong marinig mula sa mga labi niya ang tatlong salita na iyon. Marinig ko lang ang mga salitang 'yun ay mapapanatag na ang kalooban ko at makakalimutan ko na ang mga sinabi ni Thalia kagabi. Kahit marinig ko lang...

Ngumiti ito, "Good night, Maria..."

Napaawang ang labi ko, "G-good night..."

Nanlumong pumasok ako sa loob at kasabay sa pagpasok ko sa kwarto naming ni Lyre ay ang pagbuhos ng mga luha na pilit kong tinitiis kagabi pa.

Hindi ko nga alam kung anong mali 'eh pero may kung anong nagpapabigat ng pakiramdam ko. Hindi naman sa inamin na ni Damon na may nararamdaman pa siya kay Chloe at hindi naman sa inamin at ipinamukha na niyang ginawa niya lang akong rebound. Pero may kung anong bumabagabag parin sa isipan ko. May kung anong nagsasabi, nag uudyok na tama lahat ng mga hilala ko.

Napangiti nalang ako ng mapait, Si Damon ang isa sa mga taong bumuo ng pangarap ko. Pangarap kong makapag aral ng normal, makaranas ng mga bagong bagay na hindi ko pa nararanasan, makagawa ng mga bagay na sa isip ko hindi ko kayang gawin, makapagmahal, makaramdam ng selos, inis...

Si Damon na nagpakita at nagparandam saakin ng ibang klase ng pagmamahal. Malayong malayo sa "affection" na natatanggap ko mula kila Abuela. Malayong malayo sa mga pagmamahal na naramdaman ko noon.

Sana totoo ang lahat, sana hindi ito ilusyon lang. 

Paper Hearts Where stories live. Discover now