KABANATA 8

124 3 2
                                    


KABANATA 8

Maria

Nanlalaking mga mata na napaiwas ako ng tingin kay Damon dahil sa pagkasabi niya 'nun. "A-ah, hindi ko alam..." Sagot ko sakanya. Sunod na narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa sinabi ko.

"You are really the cutest and the sweetest, Maria..." Saad niya sabay landas ng kamay nito sa pisngi ko, "And its pretty annoying na hindi lang ako ang nakakakita 'nun. Halos lahat nalang ata ng mga lalaki dito sa University, ikaw at ikaw lang ang bukambibig..." Napapikit nalang ako sa sensyayon na dala ng kanyang banayad na haplos.

"I can wait for you but then, damn, god knows na baka kapag hindi kita mamarkahan ngayon baka maunahan na nila ako..." Wika ni Damon bago itinaas ang mukha ko paharap sakanya, "So, I'm kissing you, I'm kissing you for them to know and see na akin ka..."

Napapikit ulit ako ng naramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko, naamoy ko rin ito, amoy alak na medyo mint. Inilapit niya pa ang katawan saakin. I can feel his body pinning my back into the cold wall. Naramdaman ko rin ang pagbaba niya ng mukha nito para maabot ang labi ko...

Malambot, iyon ang una kong naisip ng inilapat niya ang mamula mulang labi niya saakin. Nanatili lang ang labi niya sa labi ko ng ilang segundo bago niya ginalaw 'yon sa mahinang paraan habang ako naman ay parang tuod na nakasandal lang sa malamig na semento, hinahayaan siyang gawin 'yun.

Nanlaki ang mga mata ko ng naramdaman ko ang pagpasok ng dila niya sa loob ng bibig ko. Itutulak ko na sana siya ng kamay ko ngunit nahuli naman niya ang pulupulsuhan ko at nailagay lang niya iyon sa dibdib niya. Napapikit nalang ako sa sensyasyong dulot 'nun. Sa hindi ko malamang paraan bigla nalang uminit ang pakiramdam ko. Ginawaran ulit ako ni Damon ng isang halik bago ihinto ang paglapat ng labi niya saakin.

Isinandal niya ang noo nito saakin bago magsalita, "That was not really an awesome kiss but then that coming from you was enough to ignite the fire in me, Maria..."

Namula naman ako dahil 'dun. Halata namang marami ng karanasan si Damon tungkol 'dun. Sigurado akong marami ng labi ng iba't ibang babae ang kanyang natikman. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sinabi niya pa talaga 'yun sa mukha ko.

Iniwas ko ang aking mukha mula sa pagtingin sakanya. Mukhang nahalata naman niya ang pag-iwas ko kung kaya't ibinalik naman niya ang mukha ko sa pagtingin sakanya. "Come on, don't be shy. Hindi ka man kasing galing o kasing experyensyado nila sa pag halik pero ito, Maria..." Turo niya sa kaliwang bahagi ng dibdib niya, "Napatibok mo 'to. Napatibok mo ng sobrang bilis ang puso ko habang hinahalikan kita..." Wika ni Damon saakin habang nakatingin sa mga mata ko. As if, he was seeing through my soul, my whole being...

Hindi ako makapagsalita, nanatiling nakatitig lang ako sa kanya. Unang beses ko kasi na nasabihan ng ganito. Nasabihang kaya kong patibukin ang puso niya, nasabihang gusto niya ako...

Pinalaki ako ng lola ko ng maayos, malayo sa mga lalaki, sa bisyo, sa kahit ano. Naka-sentro lang sa pag-aaral, sa pamilya at sa diyos. Pinalaki rin ako ni Abuelo na opinyunado, may masasabi sa lahat ng bagay, may sariling desisyon at may paninindigan. Pero pagdating kay Damon parang nawala lahat ng iyon.

Huminga ako ng malalim bago magsalita, "Alam mo naman, Damon na wala akong experyensya tungkol sa dating na 'to, diba? Hindi ko lang talaga kasi alam kong anong sasabihin o irereact ko 'eh. Na-aawkwardan kasi ako sa hindi ko malamang dahiyan, yung parang naiilang na ewan. Hindi ko lang talaga kasi alam..." Nakayukong wika ko sakanya. There, I finally said 'eh. Hindi ko lang alam kong pagtatawanan ako ni Damon o ano dahil sa sinabi ko. Weird na ba ako dahil 'dun? Na naiilang ako sakanya? Na nahihiya ako kapag nandyan siya? Na namumula ako kapag nandyan rin siya?

Tumawa lang ito, bahagyang napailing iling pa, "Its pretty normal, Maria atsaka nandito naman ako para tulungan ka tungkol dyan, I can teach you how a girl acts when her crush or boyfriend is in there. Don't worry, I'll be there every step of the way assisting you until you finally learn how to act around pretty normal..." Sagot niya sabay higit saakin papunta sakanya para sa isang yakap.


NARARAMDAMAN ko parin kong paano ka lambot ang labi niya saakin, kung paano niya itagilid ang ulo nito para mahalikan ako at kung paano niya igalaw ang dila sa loob ng bibig ko.

Parang nawalan ako ng hininga at parang hindi makaproseso ng mabuti ang aking utak. Kanina niya pa ako iniwan dito sa Dormitory namin ni Lyre pero hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Hinalikan niya ako...hinalikan niya ako at nagpahalik naman ako sakanya!

"Maria, matutulog kana talagang may make-up lahat lahat? Sige ka, magkakapimples ka niyan..." Wika ni Lyre mula sa gilid ko. Napatayo naman ako dahil 'dun at tumungo nalang sa Comfort Room namin ni Lyre sa loob ng Dorm.

Agad kong binasa ng mukha ko, pilit binubura ang make-up gamit ang tubig at ang kamay ko. Napahinto ako sa pagpunas ng nahawakan ko ang ibabaw na parte ng bibig ko. Parang namumula parin ito kahit na nabura na ang lipstick na linagay ni Lyre kanina. Mamula mula pa at medyo may kaunting violet sa gilid.

Nakita ko na 'to 'eh! Sa mga magazines na nabasa ko sa restricted part ng Library ni Abuela! Nakabasa rin ako tungkol dito. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ng mabuti ang bibig ko mula sa salamin ng C.R.

Napasapo nalang ako sa realisasyon na 'iyon.

Yes, he did mark me. He marked me by putting a hickey right at my lips.


#UNEDITED

Paper Hearts Where stories live. Discover now