KABANATA 24

31 1 0
                                    


A/N: LOL- League of Legends, an online game.

For more clarifications:

Ang Card na imemention dito ay ang card na ginagamit ng mga students sa vicinity lang ng St. Dmitri University para bumili ng snacks, books and other school related stuff.

Please voice out your feels and don't forget to hit that star button bellow. Enjoy reading!

-Struckbytragedy

KABANATA 24

Maria

"Hala? Ikaw lang mag-isa? Where's your dog?" Nakataas ang kilay na wika ni C pagkaupong pagkaupo ko palang sa isang upuan sa Canteen na kasama sa circular table na nakuha ni C.

Pinukulan ko lang ito ng isang masamang tingin, "Hindi aso si Damon ah, ang sama mo talaga,"

Tumawa lang ito sabay taas pa ng dalawang kamay na animo'y sumusuko na, "Yes po, ma'am hindi na mauulit. Nakakairita lang kasi ang lalaking iyon. I mean lahat naman ng lalaki nakakairita. Lahat naman kasi sila mga manloloko at walang kwenta."

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Si C na talaga siguro ang pinaka manhater at bitter na babaeng narito sa University. Parang may germs kasi ang mga lalaki sakanya at sa sobrang pagkairita at pagkainis sa mga ito palagi niya nalang minumura at pinagsasalitaan ng masama.

"You should break up with him,"

Nabigla ako sa sinabi ni C, "Ano?!"

Mataray na inikot niya ang mga mata nito, "Seriously. I mean, he is a good for nothing boyfriend! Sinong boyfriend ang pababayaan kang mag-isang kumain ng lunch dahil lang sa "MAY GAME KAMI SA LOL!"

Napatawa nalang ako ng mahina dahil 'dun, "Sira ka talaga! Gagawa sila ngayon ng mga props sa presentation nila bukas!"

Natigilan si C dahil 'dun, "Ay? Yun pala! Sorry nabasa ko kasi sa isang confession page ang storya ng isang girlfriend na walang pake ang boyfriend niya dito dahil sa LOL."

Tumawa nalang ako sakanya, "Tigilan mo na nga ang pagbabasa sa ma confessions na yan!"

"NO! Reading confessions helps me to understand the way millennial people think. Like duh? Through their very own experiences maproprotektahan ko ang sarili ko sa additional na sakit na maaring madulot ng mga walang kwentang lalake! Gusto ka kuno, lolokohin ka, bubuntisin ka at iiwan ka!"

Napangiti nalang ako dahil sa sobrang "weird" ni C na mag-isip, "Ba't pa kasi takot kang sumugal?"

Natigilan siya, "Siguro takot akong sumugal, Maria. Takot akong sumugal kasi ang lalaking pinaglaanan ko ng lahat, nagawa pa akong lokohin. Ang lalaking minahal kong lubos, pinagpalit pa ako!"

Napataas ang kilay ko, "Weh? Totoo nga? Nagkaboyfriend ka? Akala ko NBSB ka?"

Tumawa lang si C, "Sus! NBSB naman talaga ako! Bakit kailangan bang may label ang isang relasyon? Kailangan bang "boyfriend" ang tawag mo sakanya bago mo mahalin? Kailangan bang IN A RELATIONSHIP kayo para magmahalan kayo?"

Napakunot ang noo ko dahil 'dun, "Ano bang pinagsasabi mo, Cosmo! Ang gulo!"

"Magulo naman talaga ang pag-ibig. Hindi naman simple yan, sus!"

Napangiti nalang ako sa sinabi niyang 'yun. Tama siya, magulo nga ang pag-ibig. Hindi siya kasing simple tulad ng mga love story na nababasa ko. Hindi ito 'yung tipong magkakakilala kayo, mai-inlove sa isa't isa at magkakasama na habang buhay.

Paper Hearts Where stories live. Discover now