KABANATA 6

141 5 0
                                    

[A/N: This chapter is for you @ctxtrophrances :) Nakilig lang kasi ako 'nung nag vote ka sa "Royalty In Misery" Eh, ikaw lang kasi ang first ever voter 'dun! 

Anyways, feel free to check it out https://www.wattpad.com/myworks/71117434-royalty-in-misery :)]

KABANATA 6

Maria

"Bye, Maria, see you soon.." Saad ni Saito bago pumasok sa kotse nung Reiji at humarurot paalis. Ibinaba kasi niya kami nina Damon dito sa University pagkatapos ng bugbugan sa abandonadong warehouse na 'yun. Sa loob ng ilang minuto, nakipag usap rin naman ako kay Saito kahit sobrang liit lang 'nun.

"Wow. Didn't know you hug and kissed guy friends at all. Why not kiss me too, Maria.." Nagpanting ang dalawang tenga ko sa pagpuna ni Damon at napaiwas nalang ng tingin. Randam na randam ko ang pag akyat ng dugo papunta sa ulo ko at ang biglang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

"A-ah, family friends kasi kami at parang kuya ko na siya.." Nahihiyang wika ko sakanya habang nakatingala at nakatingin sa langit. Ikakamatay ko lang kong titingin ako sa mga mata niya. Nakakahiya lang kasi sa hindi ko malamang dahilan.

"Good to know atleast malinaw na hangang doon lang ang tingin mo sa lalaking yun...Come, hatid na kita sa loob ng dormitory mo..." Nakangiting saad ni Damon na kinataka ko naman. Bakit pabago bago nalang ang mood nito? Bipolar ba siya? Kani-kani lang halos magbibiyernes santo na ngayon naman parang nanalo sa loto.

"Damon, gangsters ba kayo?" Hindi ko napigilang mapatanong sakanya. Napakunot naman ang noo niya bago napakagat labi nalang at napatawa ng mahina. Yung tipong nagpipigil.

Yun na nga ba 'eh, ang bibig ko talaga ang magpapahamak saakin!

Ilang ulit pang napatawa ng mahina si Damon bago bumaling ulit saakin, "Nope, gansters are too fictional. More likely, nasa isang fraternity lang kami nina Pierre habang yung grupo naman nina Reiji ay nasa kabilang fraternity naman pero magka-alyansa naman kami..."

Napatango na lang ako sa paliwanag niya. Akalain mo yun? Totoo pala ang fraternity at meron pa ang University namin nun!

"Anymore questions, Maria?" Napailing nalang ako. Pinagbuksan ako ni Damon ng pintuan ng Dorm.

"Ah, dito na lang, Dame. Thank you sa pag hatid..." Nakangiting saad ko sakanya. He's always been such a great friend at napaka gentleman din niya.

One of his eyebrow rose up, "Hindi naman libre yun 'eh..."

"Huh?"

His right hand moved, pointing one of his cheeks, "Kiss me, Maria then wala kanang utang saakin..." Nakangising saad niya na nakapag panganga naman saakin.

"H-huh?"

"I said, kiss me, Maria..." Ulit niya, mas mariin nga lang ang pagkakabigkas ngayon. Nilakad niya ang distansya naming dalawa, napa atras nalang ako hanggang naramdaman ko na ang lamig ng semento sa likod ko. Nakorner na niya ako!

Nakangising nagsalita ulit si Damon, "Again, I want you to kiss me, Maria..." Saad niya sa mahina ngunit sensual na pagkakasalita. Napatingin ako sa mapula pulang bibig niya at hindi ko napigilan ang sarili kong mapakagat labi nalang at mapatingin sa kanyang mga mata.

"Kiss me..." Saad niya saakin na parang nang-uutos lang. Parang nawawala ako sa aking huwisyo. Nanatiling nakatingin lamang ako sa kanyang mga mata. Kulay tsokolateng mga mata...

"I'll do the first move then," Saad ni Damon bago ilapit pa ng konti ang kanyang mukha saakin. Randam na randam ko ang init ng kanyang hininga at halos maduling ako sa pagkalapit ng aking mukha sa kanya. Sobrang lapit, ilalapat na niya...

Paper Hearts Where stories live. Discover now