KABANATA 40

42 2 0
                                    



A/N: Hello, guys! I would like to take this opportunity to plug my dear friend's Wattpad account. If you're interested in reading one-shot stories check her WP account @fourmoreminutes ! Sorry for the interruption, enjoy reading!

KABANATA 40

Maria

"Maria?" Tawag saakin ni Tiya Isabel, gaya ng dati ay nasa labas kami ng kwarto ni abuela sa ospital. Kasama ko sa paghintay ng resulta ang mga pinsan ko at hindi gaya ng nakaraan ay kumpleto kami ngayon.

"Ano po yun?" Tanong ko kay Tiya Isabel pabalik habang pinapatay na ang laptop ko, ginagawa ko kasi ngayon ang term paper para sa isang major subject ko.

Nginitian niya lang ako, gaya ng dati ay namumugto ang mga mata nito at basa ang pisngi dala narin ng labis na pag-iyak, "Your abuela wants to talk to you," Wika lang niya saakin bago ako ipinapasok sa loob ng kwarto ni abuela. Napalunok nalang ako bago pihitin pabukas ang pintuan ng kwarto niya, the usual white walls and the smell of alcohol welcomed me.

"Maria..." Abuela said in a strain voice, napakagat labi nalang ako dahil 'dun. I was fighting the urge to cry in front of her. I should be her source of strength not another reason to be weak.

Abuela was lying in her hospital bed with a gentle smile plastered on her lips as she motioned me to come closer, "Apo..."

Napahigit nalang ako ng aking hininga dahil 'dun at unti-unting naglakad papunta sa silyang malapit sa kinaroroonan niya, "Abuela, nandito na po ako..." Bati ko sakanya. Napatingin ako sa kabuuan niya at hindi ko mapigilan ang sarili sa paghagulgol. Malayong malayo na ang pangangatawan at mukha ni abuela mula sa dati. Masyadong pumayat siya at hindi na normal ang pagkaputla ng balat nito.

"Tahan na," Wika pa nito saakin habang pinipisil pisil ang kamay ko, "Tahan na apo," Paulit ulit nitong wika saakin.

Minutes passed before I could get a hold of myself, "Okay na po ako, abuela."

Ngumiti lang ito saakin bago inilandas ang kanang kamay sa mukha ko, "Naalala ko ang iyong ama at ina sayo." Wika pa nito habang humihinga ng malalim. Abuela is having trouble even in talking right now, kahit ang pagbigkas ng mga salita ay nakakapagod para sakanya.

"Abuela, magpahinga nalang po kayo," Wika ko nalang sakanya ng makita ang paghihirap niya sa pagkwekwento saakin.

Umiling ito, "Hindi natin alam apo na baka ito na ang panghuling beses na maari tayong magkausap, kaya dapat nating sulitin ang mga pagkakataon."

"Abuela naman 'eh! Hindi ka mamatay! Gagaling ka pa!"

She only smiled at my protest, "Matalino ka, Maria. Alam mo naman siguro na hindi na ako mag-tatagal pa. And not all kinds of disease can heal anymore especially when you're old."

"Abuela..." I whimpered at her, the tears in my eyes were starting to fall again and cloud my sight.

"Unti-unti ko na itong natatanggap. Matanda na rin naman ako at pagkakataon na upang maghinga na ako, hindi ba?" Wika pa nito saakin habang may mga luha naring tumutulo mula sa mga mata nito, "Pero hindi ko kayang iwanan nalang lahat kayo, apo. Hindi ko kasi alam kong kaya mo nabang mabuhay mag-isa, kaya na bang hawakan nila Tiya Isadora mo ang kompanya, handa na ba ang mga pinsan mo sa buhay pagkatapos ng kolehiyo at higit sa lahat, handa ka na bang mawala ako sa buhay mo?"

Mas tumindi pa ang nagging pagbuhos ng luha ko sa sinabi ni abuela, "Abuela..."

"Pagod na pagod na ako, Maria pero hindi ko magawang magpahinga sa mga bagay na bumabagabag saakin." Wika pa nito habang umiiyak na rin.

Napalabi nalang ako dahil dun at paunti unting pinapakalma ang sarili. Halos ilang minuto rin ang lumipas bago ako nakapagsalita.

"Abuela?" Tawag ko sakanya.

"Ano yun?"

Napalunok ako, "Wag po kayong mag-alala sakin abuela, kakayanin ko po."

Napatingin ako kay abuela at nakita ko ang paglitaw ng ngiti niya, "Napakabuti mo talagang bata." Wika pa nito bago niya ako pinalibot sa mainit na yakap niya, "Palagi mong tatandaan na nandito lang ako," Turo pa nito sa kaliwang bahagi ng dibdib ko, "Palaging nandyan lang."

Lumipas ang mga araw at naging mas mahirap ang lahat para kay abuela. Hindi rin kami makatulog sa pagbabantay sakanya, palagi lang kasi siyang inaatake ng seizures kung kaya't kailangan siyang bantayan segundo segundo.

"Maria? Bumili nga muna kayo ng mga gamot ni abuela mo." Utos saakin ni Tiya Isadora sabay abot ng credit card nito, nakakunot ang noo ito.

"Ang suplada talaga ni Tiya," wika pa ni Bree habang naglalakad kami papunta sa pharmacy sa loob ng ospital, nung isang araw kasi ay pinagalitan niya kami dahil masyado kaming maingay *daw* at masyadong magulo. May pagka-OC kasi si Tiya, kung titingnan mo ang closet niya ay mapapabilib ka sakanya. Naka-arrange kasi ang mga damit niya sa kulay at kung para saan ang mga ito.

"Uy, bibili lang ako ng Coffee dun!" Turo pa niya sa vending machine sa kabila, "Anong gusto mo?"

"Kahit ano basta iced coffee lang." Sagot ko nalang sakanya bago pumunta sa sa pharmacy.

"What can I do for you, Miss?" Tanong saakin ng isa sa mga pharmacist dun, hindi nalang ako ng salita at mabilis na inabot ang resita ni abuela. Mukhang hindi siya pamilyar sa mga gamot kung kaya't may tinawag pa siya sa intercom, dumating ang isang babae at siya nalang ang nag-assist saakin.

"Gosh, napaka pangit ng lasa!" Wika ni Bree bago itinapon sa basurahan ang binilang kape sa vending machine, hindi niya kasi stinir ng mabuti kung kaya't naipon ang kape sa ilalim mismo ng cup.

"Ang tagal niyo," Bati saamin ni Tiya Isadora pagbalik naming sa kwarto ni abuela, gaya ng dati ay nakakunot nanaman ang mga noo nito at nakataas ang isang kilay niya.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Tiya Isadora at ibinigay nalang ang binili naming gamot para kay abuela. Mabilis naman na iniabot niya sa nurse ito.

"Your abuela is getting worse," Wika pa ni Tiya Isadora bago kami pinalabas ng kwarto ni abuela. Kung may ituturok at ipapainom na gamot ay pinapalabas kami nila Tiya ng kwarto ni abuela.

"I just can't stand her! Mabuti nalang si mommy ang mommy ko not her!" Wika pa nito habang patuloy na umiirap at nakabusangot ang mukha.

Napailing nalang ako at napaupo sa bench na kalapit lang ng kwarto ni abuela. Hindi tumagal ay narinig na namin ang mga iyak ni abuela, mukhang sumasakit nanaman ang tiyan na. Nabigla kaming ng lumbas ng kwarto ni Tiya Isadora.

"Call your Tiya Isabel now!" Wika pa nito saamin habang paulit ulit na naglalakad papunta at pabalik ng doctor's office. Inaatake nanaman daw si abuela at mas malala ito.

"Mom?" Narinig kong tawag ni Bree kay tiya Isabel.

Pinili ko nalang umalis dun at tinungo ang rooftop ng ospital, inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Archer, ilang minuto rin ang lumipas at ilang missed calls rin ang nagawa ko bago niya sinagot ang tawag, "Hello, love sorry for waking you up." Wika ko sakanya, finals na kasi nila sa mga susunod na araw.

"It's alright; I rather have you wake me up than my alarm." Natatawang wika pa nito saakin, "How's your abuela, hmm?"

"She's getting weaker and I'm afraid, it's the night." Wika ko sakanya.

I heard him cleared his throat before saying anything in return, "Just remember that the lord God has plans for her and face everything with your heads up!"

Napailing ako, "Your quoting almost everything na binabasa mo sa pinterest!" I taught Archer how to used Pinterest para sa pag-post ng mga photographic masterpieces niya pero ang nangyari ay naadict ito sa mga quotations na nababasa niya dun.

"I'm not!" Wika pa niya habang natatawa, "Just pray for it, love and god will find a way to comfort you."

Paper Hearts Where stories live. Discover now