KABANATA 18

57 1 0
                                    


A/N: Hello! It's been a while since I last updated Paper Hearts! Medyo naging busy kasi sa school #BuhayEstudyante nga naman. I'm just 16 but so stressed out! Anyways, enough of my drama, here's an update.

-Frncs

KABANATA 18

Maria

Damon

I can't meet-up with you today, Maria. I've got to go somewhere.

Nanatiling nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko habang paulit ulit na binabasa ang huling mensahe saakin ni Damon kaninang umaga. He texted me at 8:00 A.M and I can't still believe na halos mag lilimang oras na kahit reply manlang sa mga texts ko hindi niya magawa. I could tell that he is busy but can't he just spare me a second or two?

Isa, dalawa, tatlo. Hingang malalim, Maria. Ikaw ang girlfriend niya at bilang girlfriend nito, kailangan mo siyang intindihin. Masyado na yata akong clingy. Napahinga nalang ako ng malalim bago binura ang text message na i-sesend ko sana sakanya.

"Maria!"

Napalingon ako sa pintuan pagkarinig na pagkarinig ko palang ng boses ni Lyre. Nakangiti itong naglakad palapit saakin habang dala-dala sa magkabilang braso ang mga paper bags ng iba't ibang brand ng mga sapatos, damit at ilang accessories.

"Ibinalik na ni Daddy ang credit card ko!" Wika pa nito saakin sabay taas ng isang card na may kulay ng ginto. Napangiti nalang ako dun at tiningnan nalang ang mga pinamili niya. Napangiwi ako ng nakakita ako ng iilang damit na sobrang revealing doon.

"Party tayo mamaya!" Anunsiyo bigla ni Lyre habang pinanghahalungkat niya ang closet nito para ilagay ang mga damit na pinamili niya kanina. Mabilis na napailing ako sakanya kung kaya't napanguso nalang ito saakin. Masyadong mahilig sa party kasi itong si Lyre, sa sobrang hilig kahit may pre-lims kami nung nakaraan nagawa pang mag bar a day before the exams.

"Maria naman 'eh! Ang last na party na pinuntahan mo nung Fraternity party pa nila Damon 'eh halos two months ago na yun!" Nakanguso pa niyang sabi, nagawa pa niyang magpajak pajak sa harapan ko, parang bata lang kapag nag-tratranstrums.

"May quiz tayo bukas sa General Math, sige ka..." Panananakot ko ditto pero mukhang hindi naman natinag si Lyre at mas lalo pa akong kinulit!

"Maria, sige na...Samahan mo na ako! Promise maganda ang club na pupuntahan natin! Mausok pero okay naman siya! Sige na, Maria!"

Napailing nalang ako dun at mas ipinukos nalang ang atensyon sa pagbabasa ng libro ni John Green, ipinahiram kasi saakin ni Cosmo ang librong niyang "The Fault in The Stars" kahapon 'eh. Nasa 'must read' niya daw kasi ito sa reading list niya at 'must watch' din sa movie list nito.

"Magbabasa kana naman!" Parang bata paring wika ni Lyre, pairap irap pa itong napapatingin saakin habang nag-aayos ng mga damit niya.

"Mas mabuti na yun kaysa pumunta dun sa club na sinasabi mo..."

Inirapan lang ako ni Lyre at ibinaling nalang din ang atensyon sa pag-aayos ng closet nito.

Much better. Mas makakapagbasa ako ng mabuti ngayon. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro ni John Green ng biglang kumalabog ang pintuan naming ni Lyre. Napatingin ako ng bigla sakanya pero nagulat ako ng nakatingin din pala siya saakin.

"Buksan mo, Maria..."

Napakagat labi nalang ako dahil 'dun, kinakabahang nilakad ko ang distansya papunta sa harapan ng pintuan ng dorm.

Paper Hearts Where stories live. Discover now