KABANATA 16

76 3 1
                                    


Got a loooow score in Math :( An outlet of my drama. >:(

More on conversations muna.

#PaperHeartsInAREALationship


KABANATA 16

Maria

Napakagat labi nalang ako ng nakita ko ang ika huling part ng test sa Calculus, plotting. Hindi ako matalino o bobo sa Math, sadyang hindi lang talaga ako sanay sa pag-plot, nakakapanibago 'eh.

"Here..." Saad ni Damon mula sa gilid ko, napaawang nalang ang bibig ko ng nakita ko ang graphing paper na nasa harapan ko, sobrang ganda ng pagkakagawa ng graph, napaka ensakto rin ng pag-plot ng mga points nito at ang ganda rin ng pagkakasulat.

"Last 10 minutes!"

Napakagat labi nalang ako at napatingin ulit sa graphing paper na inalok niya at sa blankong graphing paper na nasa harapan ko.

"You don't want it?" Naguguluhang tanong ni Damon ng nakita niya ang graphing paper nito sa mesa niya.

"Bad kasi ang mag cheat..." Ang tanging nasabi ko sakanya at inumpisahan na ang pag-graph at pag-plot. Mahirap siya, oo pero ginagawa ko rin naman ito para sa pangarap kong makatapos.

"Late papers will not be recorded! In 10, 9..."

"Maria, just accept this..." Mahinang bulong ni Damon sa gilid ko pero okay na para marinig ko. Tiningnan ko lang siya ng masama at bumalik ulit sa pag-sosolve. Nanginginig na ang kamay ko at sobrang pangit na rin ng handwriting ko dahil sa adrenaline na nararamdaman ko.

"5, 4, 3!"

"Damon!" Saad ko ng nakita kong ipanasa na nito ang papel ko kahit walang graph na kasama. Naiinis na ibinalik ko ang mga gamit ko sa loob ng handbag at folder ko. Nakakahinayang kasi ang effort na naibuhos ko 'dun tapos hindi naman siguro tamang umasa ako sa iba.

Bumalik na si Damon sa tabi ko, "Maria, I hope you understand na para rin---"

"Alam ko," Sabat ko sakanya at mabalis na lumabas ng kwarto sabay sa Prof. Wala ako sa mood na makipag usap sakanya o ano! Huling narinig ko ang iilang kantyaw nina Apollo sakanya bago ako tuluyang makalayo sa kwartong 'yun.

Nadala ako ng mga paa ko sa malapad na soccer field ng St. Dmitri, hindi tulad ng nakagawian, walang masyadong tao at wala ring nagprapratice dito ngayon. Exams week kasi gaya ganun.

Napaupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan 'dun at napangiti nalang sa comportableng katahimikan na dala-dala ng paligid.

"Maria..." Napatingin ako sa gilid ko at napasimangot nalang ng nakita kong si Damon pala 'yun.

"Maria, I'm sorry..." Sabi niya sabay hawak ng mukha ko patingin sakanyang gawi pero umiwas lang ako ng tingin.

He let out a sigh, "I'm just doing it for your sake...."

Mas napasimangot ako dahil sa narinig ko sakanya, "Kaya ko naman 'yun 'eh, ang pangit lang kasi talaga ng ginawa mo..."

"And why?"

"Kasi, una masamang mag-cheat tapos sobrang nasayang lang ang effort ko." I told him truthfully, kahit babae ako, mayroon rin naman akong pride at yun nga, parang natapakan.

"Sorry, Maria..." Napatingin ako sa gawi niya at napangiti nalang, sobrang sincere kasi dxdtalaga ng paghingi ng paunmanhin nito 'eh.

"So I'm forgiven?" Tanong niya saakin, parang bata lang na humihingi ng permisyo sakanyang magulang.

"Oo naman, hali ka nga dito!" Saad ko at pinihit siya papunta sa tabi ko, kanina pa kasi siya nakatayo sa harapan ko.

"This is your favorite spot?" Basag niya sa katahimikan naming dalawa.

"Oo sobrang tahimik kasi dito," Sagot ko naman sakanya.

"You don't like to be helped in Math, you don't like noisy places, I'll take note of it," Saad ni Damon bago tumawa ng mahina na nakapag pataas ng kilay ko.

"Anong nakakatawa 'dun?" Hindi ko mapigilang hindi tanungin sakanya 'yun.

"And you don't like to be laugh at, noted..."

"Damon!"

Napangisi nalang siya sa naging reaksyon ko, "And you easily blushed when your being teased..."

Napasimangot nalang ako 'dun, "Ang bully mo talaga pero bakit tine-take note mo pa?"

Ngumiti lang siya saakin, "So that alam ko na ang mga bagay na gagawin at hindi gagawin sa susunod, I don't want to upset you with things na hindi ko alam na ayaw mo pala..."

Unti unting tumibok ng mabilis ang puso ko, napangiti nalang ako ng tuluyan dahil 'dun.

"Say, hindi pa ako ang pinaka sweet at thoughtful na boyfriend sa lahat?"

Napailing nalang ako dahil 'dun, here comes the arrogant and conceited Damon!

"Say it, Maria..."

Natawa nalang ako dahil 'dun, hindi talaga siya titigil kapag hindi niya nakuha ang gusto niya, "Oo na nga..."

"Really?"

Napairap nalang ako sa panguulit niya 'dun at tumayo na mula sa pagkakaupo ko. Nilingon ko siya, "Recess tayo?"

"Really? So mag-eextend pa ang halos one hour na date natin?"

"Hala, hindi ah, gutom na kaya ako!" Saad ko sabay takip ng mukha ko, nakakahiya lang talaga tapos itong si Damon mukhang sinasadya naman ata!

Ngumisi lang si Damon saakin, "There's no need for you to be shy about it, Maria. I'm your boyfriend at okay lang talaga saakin kung gusto mo akong makadate..." Natatawang wika nito saakin.

Napairap nalang ako 'dun sa sinabi at ginawa niyang pagtawa bago pumihit patakbo, palayo kay Damon na panay ang tukso saakin. Nakakahiya, nakakahiya talaga! Date na ba ang tawag 'dun sa ginawa namin? Ah, teka, ano nga ba ang date? 

Paper Hearts Where stories live. Discover now