KABANATA 5

125 5 0
                                    

[A/N: This chapter is for you MaevelAnne :) I suddenly remembered JD while writing this po kasi, hehe :D Hope you'd like this po!]

KABANATA 5

Maria

"Maria, in college hindi na tayo nagraraise ng hands kapag sasagot sa professors! High school students lang ang gumagawa 'nun! Anu kaba? Yan tuloy..."

Napatakip nalang ako sa mukha ko sa sobrang kahihiyan. Tinanong kasi ng Professor kanina kung ano ang Communication at ang importance nito sa Course namin at dahil gusto kong kunin ang points na yun, ayun nag raise ako ng hands para ako ang sasagot sa tanong niya kung kaya't pinagtawanan ako.

"Maria, okay ka lang ba?" saad ni Apollo habang nanatiling nakahalumbaba parin ako sa upuan ko.

"Obvious naman ang sagot, Apollo..." nangiinis na wika ni Lyre sakanya kung kaya't nagsagutan nalang ang dalawa sa harapan ko.

"Nakakahiya talaga..." saad ko habang tinatakpan ang mukha ko ng kulay puting panyong dala-dala ko.

"Don't be..." hinawi ni Damon ang kamay at panyo kong nakatakip sa mukha ko.

Napanguso nalang ako sakanya dahil dun, itinayo niya ako at magkasama kaming nilakbay ang daan papasok ng Cafeteria. Hindi na sumunod sina Lyre, tinatamad daw kung kaya't kaming dalawa lang ni Damon ang magkasamang lumalakad. Ramdam na ramdam ko kaagad ang tingin na ipinupukol nila saakin. Hindi naman bago iyon kasi sa unang araw palang ng pagtungtong ko dito ganun nalang pero mas ramdam ko ang intensidad ngayon ng mga tingin nila. Nang aakusa, naiitriga at iba pa...

Iginiya ako ni Damon sa isa sa mga tables doon sa unahan, "What do you want to eat?" saad niya habang sinusuri ang mga paninda sa harapan namin.

"Slice nung Pizza, Lasagna at diet coke..."

Ilang minuto rin akong naghintay sakanya at sa mga pagkain namin, "Here."

"What? May fiesta ba?" hindi makapaniwalang saad ko sakanya. Halos hindi na kasi magkasya ang table namin sa sobrang daming order niya.

Sinimangutan niya lang ako dahil dun, "I'm a guy, Maria and I eat a lot..."

"Oh..." tila napahiyang saad ko na ikinatahimik naman niya. Inusog niya ang upuan palapit saakin at halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Parang huminto ang oras at ang tanging nasa isipan ko lang ay ang kulay tsokolate at misteryoso niyang mga mata.

"Maria, hey, Maria!" saad ni Damon sakin bahagyan niyugyog ang balikat ko na nakapag pabalik saakin mula sa pagkakawala sa kanyang mga mata.

"A-ano?"

"Kumain kana, lalamig na oh..." Turo niya sa slice ng pizza na nasa harapan ko. Napaiwas nalang ako ng tingin at nagsimula ng kumain.

"Ah, Damon?" Usisa ko sa kaniya habang kumakain, napakatahimik kasi namin at sobrang awkward lang na hindi kami umiimik at tinitingnan pa ng iba kumain.

"Yes?" Sagot niya bago uminom ng tubig at ibinaling saakin ang buong atensyon niya. He was staring at me intently, one of this eyebrows were raised. Gosh, nakakalilo ang binibigay niyang atensyon saakin.

Napaawang na lamang ang bibig ko, "Ah..kasi..." Napakagat labi nalang ako bago bumaling ulit sakanya, "B-bakit mo...hiningi ang number ko?" Nahihiyang saad ko sakanya at nanatiling nakahalukipkip at nakatitig sakanya, humihintay ng isasagot nito.

Paper Hearts Where stories live. Discover now