KABANATA 43

48 1 1
                                    


A/N: Hello, guys! Its been so long since I updated any of my stories here in Wattpad. Changing schools is just stressful for me. Without further ado, I hope you'll enjoy this update! Love lots

KABANATA 43
Maria

“Can’t you extend your stay?” Nakahalukipkip na tanong saakin ni Archer habang nilalaro nito ang buhok ko.

Umiling ako sakanya, “Hindi eh. Marami kasing aasikasuhin para sa lamay at burol ni abuela.”

Tumango tango lang ito, “Can I visit?”

Nginusuan ko lang ito, “May pasok ka kaya,”

Napasimangot nalang ito, “I rather miss my class than miss you.” Wika pa niya sabay ngisi saakin.

Inirapan ko lang si Archer at natatawang ngumuso sakanya, “Sa desperas ka nalang ng burol pumunta.”

“That’s like a week from now!” Utas pa niya bago hinampas ang manibela ng sasakyan nito na ikinagulat ko. Ito ang naunang pagkakataon na umasta si Archer ng ganun sa harapan ko.

“Shit, I’m sorry.” Sabi pa niya ng makita ang pagkabigla sa reaksyon ko, “It’s just that, I can’t wait that long, love…”

Tinampal ko ang labi niyang palapit saakin, “Ang pilyo mo talaga! May pahalik halik ka pang nalalaman.”

Pasimpleng hinalikan niya ako sa labi na ikingulat ko ulit, “Archer naman ‘eh!” Utas ko sakanya ng hindi ito matigil tigil sa pag halik sa labi at pisngi ko.

“I’m really gonna miss you, love.” Wika niya habang paulit ulit na pinaglalaruan ang ilang tangkas ng buhok ko, “We should go somewhere after you abuela’s funeral.” Suhesyon pa niya saakin na inilingan ko lang.

“Start na kaya ng second semester.” Sabi ko na ikinakunot ng noo niya, “Dito na kasi ako mag-aaral.”

Nakakuha iyon ng ngiti sa mga labi niya, “That’s what I’m talking about…”

Nakasimangot na pinakawalan ako ni Archer habang iginigiya niya ako papasok sa loob ng van, “Magkikita naman tayo sa susunod na linggo.”

Pang-aalo ko pa sakanya ngunit hindi pa rin maalis ang simangot mula sa labi nito.

“Days feel like years without you, love.” Madramang wika pa nito na tinawanan ko nalang. Parang bata talaga si Archer kapag inayawan ng mga bagay na gusto nitong makuha o mangyari.

Ilang beses ko pang pinilit siyang umuwi at awa naman ng diyos ay nakuha kong pauwiin si Archer ng hindi naabutan ng siyam siyam.

Aabot ng tatlong oras ang biyahe papunta sa probinsya nila abuela na siyang hihimlayan ng kanyang katawan pero alas kwatro na sa hapon ng matanaw ko ang sinage ng probinsya dahil na rin sa sobrang traffic na dulot ng road widening!

“Maria!” Nakangiting bati saakin ni Tiya Isabel. Nakangiting binati ko rin ito sabay halik sa pisngi niya. Hindi gaya ng mga nakaraang araw ay hindi na masyadong matamlay ito. Nakakangiti at nakakatawa na rin siya.

“Nasa lanai lang ang mga pinsan mo at kung gusto mo namang makita si mama ay nasa sala ito.” Tinanguan ko lang ito at pumanhik papunta sa sala.

Napasinghap ako ng makita ang kulay ginto na kabao sa pwesto ng television set noon. Napapalibutan ito ng synthetic gold flowers na ginaya sa konsepto ng ancient Greece.

Mistulang kama iyon ng isang dyosang nakahimlay habang nagpapahinga.

Gusto kasi ni abuela ang bansang Greece at ang mga kwento ng diyos at diyosa mula dito kung kaya’t ang buong mansyon na ipinatayo ni abuelo para sakanya ay may malalaking white pillars at spacious na lugar na hango sa paborito niyang bansa.

Paper Hearts Where stories live. Discover now