KABANATA 4

140 6 3
                                    


[A/N: This chapter is dedicated to teensupreme :) Idol ko rin po kayo sa pagsusulat lalong lalo na sa ROMANCE. HAHA :D Sobrang saya ko po sa pag appreciate niyo po dito! Good day!]


KABANATA 4

Maria

KINAKABAHANG tinahak ko kasama si Lyre ang daanan papuntang unang klase namin ngayong araw. Pahirapan pa ngang gisingin siya pero ayun nagising ko naman. She even thanked me for cooking breakfast for the both of us kasi hindi daw siya marunong mag luto.

"Kalma lang, Ady! Hindi ito ang type na nangbubully sila ng mga new kids since College nanaman tayo at pang High School naman yun!"

Napabuntong hininga na lang ako ng nakita ang pintuan ng kwarto namin sa di-kalayuan, "Its just that... Its my first time in a real school!" And I couldn't help myself from feeling embarassed about it...

"Naku! Keri mo to, bhe! Just be yourself!" She then winked at me. Napatawa naman ako dahil dun at kahit papaano ay nabawasan ang kaba at takot na nadarama ko.

"Here is it, beybi~"

Binuksan ni Lyre ang pintuan at napaawang ang bibig ko ng nakita kong WALANG TAO.

"Huh? Where are you people! Nasan na? Yuhooo~!"

Grabi ang kaba ko 'nun ah. Tiningnan ko ang whiteboard na nasa unahan at napaawang ang bibig ko ng nakita ko ang note na nakadikit doon.

"Lyre, punta daw sa Auditorium!"

"What? Ih ang layo! Hintay nalang tayo dito bhe tapos COC ako then mag facebook ka---" hindi ko na pinatapos si Lyre at hinila na ito palabas ng room.

"Ano ba naman, Ady! Ayaw ko ngang pumunta ng Audi 'eh!" parang batang ngumuso ito sa harapan ko at nag papadyak pa.

"For me, please?"

Bumuntong hininga si Lyre at pinakasamahan nalang akong pumunta sa Auditorium nasa gilid pala ng Administration Building na mahigit limang building pa ang pagitan sa Building ng Business Ad kung saan kami ngayon. But then baka may sasabihin sila na kung anong importante at kailangan kami dun!

"If I were the both of you, hindi ako pupunta sa Audi..."

Nilingon namin ang nagsalita na si Apollo pala. Mag-isa siya at mukhang kakagaling lang din sa Classroom na pinasukan namin ni Lyre kanina.

"At bakit naman hindi?" Nakapameywang na saad ni Lyre habang tinitingnan ng mariin si Apollo na ngayon mukhang nandidiri na sa presensya ni Lyre.

"Kasi nga Seniors Day ngayon at for sure, initiation lang ang gagawin nila sa mga Freshmen."

Napatakip naman si Lyre ng bibig dahil dito, "Omy! Dali balik tayong Dorm!"

"May mga nagbabantay ng Dormitory. Kung gusto niyo sa territoryo nalang namin kayo, Maria..."

"Huh?" Saad ko kay Apollo na kung saan napasapo lamang siya ng noo niya. Ano ba yung Seniors day? Initiation chuchu at kailangan pang iguard ang Dormitory?

"Mamaya kana nga magpaliwanag Apollo. Trust us on this, Ady, alright?"

"Ano bang nangyayari?"

"Just run!" sigaw ni Lyre ng may nakita kaming lalaking kasing tangkad ni Apollo sa unahan namin na may dala-dalang handcuffs. Handcuffs? Anong gagawin nila dyan!

"Run, Ady kung ayaw mong maging malagkit at mabaho! Run!" Nagpatianod nalang ako sa kanilang dalawa ni Pierre at sumunod nalang sa kanilang tumatakbo papunta sa kung saan.

"LIKE akala ko end of the whole wide world na at matatapunan na ako ng super slimy at mabahong liquid but then super fast kong mag run kung kaya't Here I go! Hindi ako nahuli, kuya Ange! Like OMY! HAHAHAHAHA!" Napatawa ako ng mahina sa kaconyohan ni Lyre gaya ng iba na rin pero sina Damon at yung Rogue naman ay nanatiling nakahalukipkip at nakatiting lamang kay Lyre na ngayon ay sinasalaysay ang nangyari kanina.

"Tapos kana, Angela? Nakaka badtip ang boses mo. Tangina lang." Naiiritang saad ni Apollo kung kaya't nakatanggap siya ng isang malutong na mura galing kay Lyre at sabunot.

"Pero ano ba talaga ang Seniors day?" tanong ko kay Damon na nasa gilid ko lang at nakatingin kina Apollo at Lyre na mukhang magpapatayan na ngayon.

"Its a freedom day for them. They can pick up fights with the freshmen and the transferees as well." Kibit balikat na saad ni Damon saakin.

Napatango nalang ako sa sinabi ni Damon. May mga ganun palang gimick ang University na 'to? Hindi kasi ito normal na first day of school saad ni Damon 'eh. Bukas pa daw yung time na magpakilala at magmeet kami sa mga professors namin. Akalain mo yun, magblockmates pala kaming lahat? Lahat kasi ng mga kaibigan ni Damon ay anak ng mga negosyante kung kaya't Business Administration din ang kurso nila.

"Ang boring naman!" Saad ni Pierre Angelo, ang kambal ni Lyre. Nakahalukipkip lang kasi siya at nilalarolaro ang hawakhawak na cellphone nito.

"Tell us about yourself, Maria..." saad ni Rogue kung kaya't halos lahat ng atensyon ay bilang ibinaling saakin.

"Huh?"

"Anything just about yourself..." rinig kong bulong ni Damon sa gilid ko. Napatango nalang ako dun at sinimulan ng magsalita.

"Well, I'm part of the dela Cruz clan. The only grandchild in my father's side kung kaya't halos lahat ng mga nakakasalamuha kung pinsan ay sa side lang nila mommy galing. Pero kahit ganun, hindi naman kami masyadong close nina Sheena since magkaibang magkaiba kami...."

"Magkaiba? In what particular sort of thing, Maria?" Mukhang interisadong saad ni Apollo habang sinusuri ako.

"Napaka repulsive kasi nila Sheena 'eh. Gaya ko rin kasi, mahigpit ang mga magulang nila kung kaya't halos lahat nalang ng bawal ginagawa. They deal with alcohol, boys....drugs."

Napanganga naman dahil dun sina Pierre, "Woah! Totoo? Sino-sino ba ang mga cousins mo Maria?"

"Well...there's Sheena Maristela, Bree Joanne Maristela-Choi, Angela Mae Maristela and the only guy, Lionel Marist---"

"Wait! Lionel? As in Lionel the fcking Lopez-Maristela?" saad ni Apollo na ngayon ay medyo badtrip na. Hala? Anong ginawa ni kuya Zeus sakanya 'eh ang bait bait nun?

"Huh? Ba't galit ka Apollo?"

"That fcking cousin of yours is the one who fractured my leg in the tournament last year!"

Napailing nalang dahil dun sina Damon, "You forgot to mention that Bree Joanne Choi denied you as her boyfriend..." parang nanunuksong paandar pa ni Rogue sakanya.

"Shut up, you dimwit..."

"Come on, mga pinsan mo pala sila? Bakit naman sobrang bait mo, Maria?" Pierre asked me still shocked.

"Ewan. Basta pinsan ko sila. Si Ate sheena yung nagdrudrugs. Grabe kasi yung pressure na dapat ipass niya yung Bar Exams kaya ganun... Pero ngayon okay na siya."

"Why didn't you stay with them? Sa St. Tropez Academy?" Usisa ni Rogue saakin.

"Kasi nandito si Lyre?"

"I love you na, besh!" Saad ni Lyre bago ako dinamba ng yakap. "Hashtag friendship goals! Waah, ang sweet mo ubebe ko~!"

"Eww..." in unison pa na saad nung mga lalaki kung kaya't isa-isa silang pinangbabatukan ni Lyre. Tawang tawa nalang ako dahil 'dun.

First day in a real school isn't so bad at all. I've got to meet new friends and tell stories about myself aswell. 

Paper Hearts Where stories live. Discover now