KABANATA 9 (Part 1)

90 4 0
                                    


[A/N: Someone asked me to put "some action" daw. So, I tried to and here's the result. Hi, @QnofQns :) Hope you'd like this. :D

P.S: This is PART 1 of Kabanata 9. Medyo may temang sexual at karahasan ito! Enjoy reading ;)]


KABANATA 9 (Part 1)

Maria

"Wow, improving ka bhe! Gumagamit kana ng concealer at lip balm! Mabuti yan ng mas humanga pa sayo ang mga lalaki dito!" Nakangising wika saakin ni Lyre habang nilalagyan ko ng concealer ang gilid ng labi kong may marka ni Damon. Napailing nalang ako 'dun sa sinabi niya at naglagay nalang ng lip balm sa labi ko.

"Maria, since vacant naman natin ngayong umaga, mag mall naman tayo please!" Nakangusong wika ni Lyre saakin habang inaayos niya ang buhok niya sa high ponytail sa gilid ko.

"Ano bang bibilhin mo?"

"Wala, hindi ba uso sa inyo ang window shopping?" Tanong niya saakin pero umiling ako, "Ah, sige tingnan lang natin kung may maganda then shopping yun yun!"

Napatango nalang ako sakanya, "Ah, sige..."



"LYRE, parang hindi naman ito mall?" Tanong ko kay Lyre pagkababa namin ng Taxi. Nasa harapan kasi kami ngayon ng isang building na parang mall na hindi naman. Hindi kasi airconditioned ang lugar at may mga mabahong eskinita pa sa gilid.

"Ah, eh, hindi nga pero parang ganun din naman at naku wag ka, mas cheaper dito! Hali kana!" Sagot naman niya saakin sabay hila papasok sa loob ng building na 'yun. Hindi pa kami nakakapasok, randam na randam ko na ang init at amoy na amoy ko na ang baho ng ilang plastic na gamit.

Mas napangiwi pa ako ng nakipagsiksikan kami ni Lyre sa kumpulan ng tao. Mabuti nalang at nakarating narin kami ng hindi nayuyupi sa linyada o sector ng mga damit, sapatos, bags, at accessories.

"Sige, pili kana ng kahit anong gusto mo! Bibili lang ako ng cheap na damit dito..." Wika ni Lyre at nagsimula na siyang tumingin tingin at mangilatis ng ilang damit na nakalagay sa tumpok.

Napasinghap nalang ako at napatingin sa kabilang stall. Doon kasi nakalagay ang mga OTAKU Merchandises. Since nandito lang naman ako, I might aswell enjoy it. Gaya ng ginawa ni Lyre, nakipagsiksikan rin ako 'dun at nangilatis ng ilang mga gusto kong bilhin. Pero ng gusto ko ng bayaran ang mga kinuha ko, naguluhan naman ko kung nasan pumila para bumayad. So, yun nga ang pinili kong pilahan ay yung pinaka malapit.

"Miss, 'dun ang pila para sa OTAKU Merchandises..." Turo saakin ng babaeng may makapal na make up sa kabilang Cash Register na nakapila sa likod ko. Napatango nalang ako 'dun at pumunta sa kabila pero nabigla nalang ako ng nakita kong puro Sapatos naman 'doon. Binalikan ko ulit ng tingin ang babaeng may makapal na make-up at nakita kong nasa unahan na siya ngayon at nakangisi pa. Aba't, naloko ako!

Napabuntong hininga nalang ako at bumalik ulit sa pinakadulo para luminya doon. Ilang minuto rin akong naghintay bago ko nabayaran ang mga pinamili ko. Nakakastress naman palang bumili dito!

"Lyre!" Tawag ko kay Lyre na ngayo'y tumatakbo palabas ng building. Akala ko bibili siya? Ba't wala siyang dala na kahit ano? Hala, iiwan niya ako? Hindi ko pa naman memoryada ang rota na dinaanan naman kanina.

"Lyre!" Tawag ko ulit kay Lyre pero hindi manlang ito lumilingon saakin. Sinundan ko siya palabas ng building pero biglang nawala naman siya sa paningin ko. Napatingin ako sa palibot ko, patay! Nasan na ako?

Wala na kasi masyadong katao-tao ang lugar. Mukhang abandonado na kasi ang iilang pwesto ng mga tindahan dito. Pero may ilang grupo naman ng mga kalalakihan ang nasa unahan ko. Pero sa mukha palang nila ay halatang hindi na mapagkakatiwalaan.

"Miss, okay kalang?" Rinig kong wika ng isang lalaki sa gilid ko. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at napaiwas nalang ng tingin. Nakakatakot kasi ang mukha ng lalaki 'eh. Namumula ang mga mata, gulong gulo ang buhok at may mga piercings pa sa bibig at tenga.

Aalis na sana ako palayo sa lalaking 'yun ng hinablot niya ang kamay ko, "Miss, dito ka muna..." Wika niya saakin sabay ngisi. Nakita ko ang ilang kalalakihang pumapalapit na rin saakin. Gaya ng lalaki, may mga namumulang mata sila, piercings sa tenga at mga tattoo sa iba't ibang bahagi ng braso...

"Aalis na po ako, kuya, ano ba!" Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak ng lalaki sa saakin pero mas diniinan niya pa ang pagkahawak saakin. Sa sobrang mariin, randam na randam ko ang pagdaloy ng hapdi at sakit sa braso ko. Naiiyak na ako pero pilit parin akong nagpupumiglas.

"Dito kana lang kasi, Miss 'eh!" Bulyaw ng lalaking may hawak sa braso ko pero nagpatuloy lang ako sa kakapumiglas. Nung nakita kong bahagyang natigilan siya ay kaagad na tinapakan ko ang paa niya. Umayaw sa sakit ang lalaki bahagyang hinalugan niya ang pagkakahawak saakin at bago pa niya higpitan ang pagkakahawak sa pulupulsuhan ko ay nakalayo na ako sakanya. Tinakbo ko ang daanan pabalik ng building na 'yun pero napasigaw nalang ako ng hinablot ng isa sa mga kasamahan niya ang buhok ko.

"Aray! Tama na po, kuya..." Napahagulgol nalang ako ng hinila ako ng lalaking 'yun pabalik sa lalaking inapakan ko ang paa. Nanlilisik ang kanyang mga mata na animo'y galit na galit at sagad na sagad na ang pasensya.

"Sinabing dito kana lang 'eh!" Napahiyaw ako ng hinablot niya ulit ang buhok ko gamit ng isang kamay niya at marahas na inabot ang mukha ko paharap dito. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko, ang pagbilis ng tibok ng puso ko, ang panlalamig ng kamay ko...natatakot ako.

"A-alis na po ako..." Napapahikbi kong wika sa lalaking nasa harapan ko. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi nito at ang paglitaw ng isang nakakapanindig balahibong ngisi mula dito.

Pinakawalan niya ang paghawak sa buhok ko pero ang kamay niya sa mukha ko ay nanatili lang 'dun. Gamit ang kanyang isang kamay inilandas niya ito sa pisngi ko pababa sa leeg ko. Napapaluha nalang ako dahil 'dun. Pakiramdam ko binabastos ako, yung tipong binababa nila ang estado ng pagkababae ko...

"Sandali lang naman ito..." Bulong ng lalaki malapit sa tenga ko. Narinig ko ang paghalakhak ng iilang kasamahan niya sa likuran ko na tila nanunuod lang sa isang pelikula saaming dalawa ng bastos na ito.

"Whooo! Tiba-tiba kana naman dyan, boss! Patikim din ako mamaya! Mukhang birhen 'eh!" Rinig kong hiyaw ng isang lalaki mula sa hindi kalayuan.

"W-wag po..." Wika ko ng ibinaba ng lalaki ang kamay niya papunta sa ibabaw ng dibdib ko. Ilang ulit akong nagpupumiglas pero hindi parin ako nakawala sa kanila. Pinagtutulungan nila akong bastusin. Ramdam na ramdam ko kung paano nila sapilitang pinunit ang damit ko, kung paano nila hinipuan ang iilang parte ng katawan ko.

"T-tulong! Tulungan niyo po ako! Tulong...tulong..." Paulit ulit na sumigaw ako 'nun hanggang sa namaos at nawala na mismo ang boses ko. Sirang sira narin ang damit ko sa pang-itaas at medyo nakausli na ang lacey bra ko. Napaiyak nalang ako ng naramdaman ko ang kamay nila sa mismong dibdib ko. Akmang dudungkutin na ng lalaki ang dibdib ko ng bigla itong natumba sa mismong harapan ko.

Napaangat ang tingin ko sa bagong dating na lalaki at naiiyak nalang ako sa tuwa ng makilala ko ang nasa harapan ko, "D-damon..."


Paper Hearts Where stories live. Discover now