KABANATA 25

37 1 0
                                    

A/N: Will be focusing on this story. Enjoy reading!
-Struckbytragedy

KABANATA 25
Maria

“Maria, okay kalang?” Nag-aalalang tanong ni Lyre saakin habang inaayos ang mga gamit nito. Tapos na kasi ang dalawang oras na discussion namin sa Integral Calculus. Napatingin nalang ako sa bakanteng upuan ni Damon, sa loob ng dalawang oras na ‘yun, ni anino niya hindi ko nakita. Mukhang napasarap ang kwentuhan nilang dalawa ni Chloe sa Cafeteria na nakalimutan niyang Calculus naming ngayon at ang girlfriend niyang naghihintay sakanya.
“Okay ka lang ba talaga?” Wika pa ni Lyre habang naglalakad kami pababa ng Math and Engineering Building 1. She even volunteered to carry all my belongings, hindi ko daw makakayang dalhin ang lahat ng ‘yun sa sobrang lungkot ko.
“Oo nga sabi,” Wika ko sakanya na sinagutan lang nito ng pag-nguso.
“Makikita lang ng Chloe na ‘yun! Makikita lang niya!” Parang batang wika ni Lyre habang naglalakad kami papunta sa Dormitory namin. Ngunit bigla siyang naestatwa at natigilan, “Why don’t we check on your boyfriend, first?”
Napakunot naman ang noo ko dahil ‘dun, “Bakit naman?”
Sa ilang buwan na naging kami ni Damon, hindi pa umabot sa puntong pupuntahan ko pa siya sa dormitory nila para kamustahin ito. Palagi kasi niyang sinasabihan ako kung anong gagawin niya at halos sa lahat naman ng sandal ay magkasama kami noon…
Napabuntong hininga nalang ako dahil ‘dun, “Ang tanda na niya pa i-check natin, Lyre…”
“Ano ka ba! I-checheck lang ‘eh!” Pagmamaktol na sabi pa nito habang dire-diresto ang paglalakad papunta sa dormitory ng mga boys. Napakamot nalang ako sa ulo ko at napasunod nalang ‘din sakanya.
Malayo layo ang dormitory ng boys kung kaya’t medyo natagalan kami ni Lyre papunta ‘dun. May nakasalubong pa nga kaming mga guard na puma-patrol sa school.
“Ah, kailangan ko po kasing puntahan ang kuya ko…” Sabi pa ni Lyre sa isang guard na nagtanong kung bakit kami papunta sa boy’s dormitory.
“Ah, sige, ma’am…” Napahinga nalang ako ng maluwag ng umalis na nga ang guard at ang kasama pa nito. Tuloy tuloy lang ang paglalakad naming ni Lyre papasok sa building ng boys.
“Shit, ang daming hagdan!” Reklamo pa ni Lyre habang umaakyat kami sa Dorm ni Damon. Ilang mura ang pinakawalan pa nito bago kami makarating. Walang sabi sabing nag-door bell si Lyre ng paulit ulit, halos masira na nga niya ang dorm bell pero hindi parin bumubukas ang unit ni Damon.
“Ano ba naman!”
“Lyre, tama na nga ‘yan…” Nahihiyang wika ko pa kay Lyre ngunit hindi siya matigil tigil at pinanghahampas pa ang pintuan, “Lyre, tama na!”
Bigla kaming natigilan ng biglang bumukas ang isang unit, “Ano ba! Kung ayaw niyong matulog, magpatulog kayo!!!” Badtrip na sigaw saamin ni Apollo habang kamot kamot ang ulo nito. Wala pa nga itong suot na damit tanging pang-ibabaw lang at ang buhok nito ay magulo pa, halatang bagong gising.
“Wala akong pake kung natutulog ka!” Sabat pa ni Lyre sakanya kung kaya’t mas lalong nabadtrip si Apollo.
“Tngina lang! Wala ako sa mood para sa mga kapiratso mo, Lyra!”
“Lyre!”
“Tama na ang away! Ano ba kayo?” Wika ko sakanilang dalawa kung kaya’t natigilan ang mga ito, napatingin ako sa direksyon ni Apollo, “Pol, nakita mo ba si Damon? Hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag at texts ko ‘eh…”
Napakamot lang ito sa ulo niya, “Si Damon? Pasensya na, Maria. Hindi kasi ‘eh. Wag kang mag-alala, uuwi rin ang gagong ‘yun…”
“Masamang mag-mura,” Paalala ko sakanya na sinagot lang nito ng ngisi.
“Oo na, Ma’am…” Nagpasalamat nalang ako kay Apollo at kasamang umalis sa building nina Damon si Lyre. Walang ginawa si Lyre kung hindi ang pagsalitaan ng masama si Apollo sa buong sandaling naglalakad kami pabalik ng dormitory namin.
“I just hate everything about him! Mukha siyang asong ulol! Nakakarin-“ Biglang natigilan si Lyre sa pagmamaktol kung kaya’t napalingon ako sakanya.
“Lyre?”
May kung anong nginuso siya sa gilid ng Administration Building. Kung kaya’t napako naman ‘dun ang tingin ko. Napakagat labi nalang ako habang pinagmamasdan ang masayang kwentuhan nina Damon at Chloe. May kung anong bigat akong nararamdaman sa dibdib ko.
“Lyre, tara na…” Sabi ko kay Lyre at nauna ng umalis sa lugar na ‘yun. Lumipas ang ilang linggo na ganun nalang ‘din ang nangyari. Madalas hindi ko na magawang makausap o makita manlang si Damon dahil sa rasong busy daw ito sa mga ipinapagawa ng daddy niya. Kung makita ko naman siya ay palaging nandyan rin si Chloe.
“You should break up with that, shit…” Seryosong wika ni Cosmo saakin habang tinutulungan ko siyang arrange ang mga libro sa library.
“Ano?”
Inilahad niya saakin ang isang libro upang itangkas sa itaas, “I mean, wala na siyang panahon para sayo, Maria! He doesn’t even care about you anymore! Ni hindi na nga niya magawang mag-reply sa texts mo! He never even bothered to show up on your lunch date for numerous times! Tangina, boyfriend mo pa siya sa lagay na ‘yun?”
“C, naman ‘eh. Busy---“
“Don’t use that excuse on me! Sa sobrang pagiging martir mo, Maria hindi na siya nakakatuwa!” Wika nito saakin habang padabog na inilalagay ang mga libro, huminto ito at tumingin saakin, “You’re my bestfriend, Maria and you deserve a guy who would love you and give every effort he could muster!”
Napangiti nalang ako dahil ‘dun habang nakikinig sa mga sinasabi ni Cosmo. Si Cosmo ang pinaka responsible at prangkang babae na kilala ko pero siya rin ang pinakamasakit magsalita.
“Hindi ko na talagang kayang pagmasdan ang pagiging martir mo!” Wika nito saakin ng tinanong ko kung sasamahan ba niya ako papunta sa Mall kung saan kami magkikita ni Damon.
“Sige na, C…” Pamimilit ko pa dito habang sinusundan siya sa paglalakad nito pababalik balik sa dorm. Busying busy kasi ito sa pagligpit ng mga gamit niya kasi nga mag-sesembreak na sa mga susunod na araw.
“Mas pipiliin ko pang manuod nalang ng anime no…” Wika pa nito saakin habang nililigpit ang mga damit at inilalagay sa hand carry nito.
Nanatili lang akong nakatingin sakanya ‘nung bigla itong nagpakawala ng hinga at umayon na sa plano ko, napangiti nalang ako dahil ‘dun.
“Ano? Sa Mall nga kayo magkikita pero ‘dun lang sa car park dapit? Ang cheap naman…” Maarte pang wika niya saakin papasok sa kotse niya. Napatawa nalang ako dahil ‘dun, ang bitter talaga ni Cosmo sa mga lalaki. Marami pa siyang inireklamo habang papunta kami ‘dun.
“Maria, pumunta kana ‘dun, sasagutin ko lang ‘to…” Wika niya pa habang sinenyas ang cellphone niyang tumutunog, tinanguan ko lang siya at lumabas na sa kotse nito. Sa isang coffee shop daw kami ni Damon magkikita, isa lang ang coffee shop dito kung kaya’t dumiretso nalang ako ‘dun.
Binati ako ng aroma ng kape pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob. Napatingin ako sa paligid at napangiti nalang ng nakita ko si Damon ‘dun.
“Damon!” Masiglang bati ko sakanya ng nakaupo na ako. Napunta saakin ang atensyon nito mula sa cellphone nya, napawi naman ang ngiti ko ng makitang nakakunot ang noo nito na tila iritang irita na makita ako, “A-anong problema?”
Tumikhim ito, “Nothing, ano gusto mong i-order?”
“Expresso nalang…” Tinanguan niya lang ako at tumawag na ng waiter upang mag-order. Nanatili lng akong nakatingin sakanya habang nagsasalita siya ‘dun.
Mukhang napaghalataan naman niyang tinitingnan ko siya kung kaya’t umiwas ito saakin. Napalabi nalang ako ‘dun, noon kong titingnan ko siya ay itinitigil niya ang ginagawa upang tanungin lang ako kung bakit, he would even joke how I’m too focused on him.
“May gusto ka pa ba?” Wika niya pa saakin, mabilis akong umiling, “That’s all…” Wika naman niya sa batang waiter, tumango lang ang waiter at umalis na. Halos mag-iilang minuto rin bago dumating ang order naming dalawa. The whole time, I was busy watching him text in front of me. Kung nandito lang siguro si Lyre bago na sapak na niya ako dahil sa kabobohan ko kay Damon.
“Wow,” Wika ko ‘nung natikman na ang expresso, “Damon, ang sarap pala ng mga sini-serve nila dito no?” Wika ko sakanya habang nakatingin rin sa paligid.
“Of course, Chloe and I used to date here…” Wika naman niya na nakapatahimik saakin. Napalabi nalang ako at natigilan dahil ‘dun.
“Maria?” Wika pa niya saakin ‘nung naubos na niya ang inumin niyang frappe.
“Ano?”
“I hate to say it but I’m breaking up with you…”
Minabuti kong pigilan ang sarili sa kakaiyak, ngumiti ako sakanya, “Alam mo, Damon, masarap siguro ang ibang pag----“
“Ano ba naman, Maria!” Wika nito sa galit na boses, “Bakit ba ang tanga tanga mo! Nakikipag break na nga kasi ako sayo ‘eh!”
Naiiyak na napatahimik nalang ako dahil ‘dun habang nakatingin sakanya.
“Look, hindi ko talaga gustong saktan ka pero mahal ko parin si Chloe.” He said, regret was laced in his voice, “The whole time I was with you, nakikita ko si Chloe sayo. I don’t want to be unfair to you, kaya makikipagbreak na ako sayo…”
Parang nadurog ang buong pagkatao ko dahil ‘dun. Tila tumigil sa kakatibok ang puso ko pati ang paghinga ko habang nakadungaw sakanya. Uminit ang mga mata ko at ang sunod nalang na alam ko ay ang pagtulo ng mga luha ko.
“A-akala ko ba, mahal mo ako?” Umiiyak na wika ko sakanya, “Akala ko masaya tayo, Damon.”
“Maria, sorry talaga, it wasn’t my intention to break you like t----“
May kung anong namuo sa dibdib ko, “It wasn’t your intention? Sana sa unang beses palang na nakilala mo ako, hindi mo na ako pinaasa! The whole time I was with you I thought something was going on between us! We we’re in a relationship! I thought we we’re in love and the feelings we have for each other was real!”
It was the first time, I cried so much. I weep for the love I thought I have. I weep for his heart that I thought was once mine. I cried for our memories. I cried for my broken heart and my lost soul.
Nanatili lang itong nakatingin saakin, “I’m sorry…”
The memories we had flashed between my eyes, kung paano kami nagsimula at kung paano nga ito nagwakas ngayon. The say, a person usually experiences two types of love in a lifetime. His/her first and true love. And maybe, Damon is just my first love and my first heartbreak… 
Muli ko siyang tiningnan sa huling pagkakataon. His expressive brown eyes that hunted me for days, his well-defined jaw that made him look foreign and distinct from other guys here in the university, his lips who made me feel how loved I was when we we’re kissing, his broad shoulders and chest that supported me when I was in pain, his hands that we’re calloused and rough and everything about him. All of his flaws that I learned to accept, his quirks that I find amusing, his jokes that weren’t really funny yet made my lips curve into a smile, his weirdness that made him different from the rest and his presence alone that will surely haunt me as I’ll move forward without his presence but with his absence.
“I wish you all the best and I hope we won’t see each other again…”


Paper Hearts Where stories live. Discover now