KABANATA 22

33 2 0
                                    

KABANATA 22

Maria

"Sasakay tayo diyan?" Nakakunot ang noong wika ko kay Damon habang tinuturo ang papadating na kabayong hinihila ng care taker ng mga stallion kung tawagin pa ni Damon. May iba't ibang uri kasi ng kabayo na inaalagaan daw ang tiyo niya ngunit mas marami ang kanilang alagang stallions o mga lalaking kabayo.

"Yes."

"Is it safe?" Kinakabahang wika ko habang nakatingin kay Damon. Lumingon rin naman siya saakin at masuyo akong nginitian.

"Oo naman. Hindi naman kita papasakayin diyan kung hindi." Nakangiting wika pa nito at bahagyang pinisil ang aking kamay.

"Ser, si Midnight lang po ba talaga ang kailangan niyo?" Wika ng isang lalakeng may katabaan kay Damon sa matigas na tagalog.

"Yes, we'll take it from here." Walang paggalang na sabat naman ni Damon sa lalaking iyon. Nginitian ko lang ang caretaker at nagpasalamat nalang para kay Damon.

"You go first," Wika ni Damon at akmang hahawakan na ang beywang ko ng umiwas ako sakanya, kumunot ang noo nito at bumaling saakin, "What's wrong?"

"Hindi pa kasi ako nakakasakay ng kabayo 'eh." Saad ko habang nakatingin pababa sa sapatos ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Damon, "You are really cute. Come on, I'll lift you up." Wika nito habang banayad na hinaplos ang beywang ko. Nakaramdam ako ng init mula sa pagdampi ng kaniyang kamay kung kaya't umiwas ako ulit sakanya at binalingan nalang si Midnight sa harap.

"Baka mahulog kasi ako 'eh."

"No, you won't and besides I'm here to catch you whenever you fall." Sabi pa nito sakaakin habang pinipisil ang kanang kamay ko na hinahawakan niya.

Huminga ako ng malalim at napapikit nalang habang iniangat na niya ako paatas at paupo kay Midnight. Naramdaman ko ang pagtapik niya saakin kung kaya't napadilat ako ng mga mata ko.

"Kumapit ka diyan," Turo niya sa tali na konektado sa kabayo. Ginawa ko naman 'yun at ilang segundo pagkatapos, umakyat rin si Damon at sumampa, nasa likuran ko na siya ngayon.

"Okay kana?" Tumango lang ako bilang sagot. Kinuha naman ni Damon ang taling hinahawakan ko kanina at iginiya na niya ang kabayo upang lumakad. Medyo nabigla ako kung kaya't kaagad na ipinatigil nya 'yun.

Naramdaman ko ang paglapit ni Damon saakin, ang kanyang malapad na dibdib ay naramdaman ko na ngayon sa likuran ko. Nanigas ako ng mas inilapit pa nito ang sarili saakin at binulungan ako, "Kumapit ka dito," Bulong niya pa saakin sabay hawag ng kamay ko papunta sa medyo uluhan ng kabayo, may mga tali kasi 'dun. Kasabay 'nun ang pagpapatakbo niya uli kay Midnight.

Ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako dito kung kaya't hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng takot at pagka nerbyos habang tumatakbo si Midnight. Medyo lubak lubak ang kalsadang dinaraanan naming kung kaya't napapahawak nalang ako ng mariin sa tali habang patalon talon itong si Midnight.

"Kalma lang, Maria..." Natatawa pang wika ni Damon saakin. Mukhang tuwang tuwa talaga siya saakin. Nakakainis nga 'eh. Humanda lang talaga siya saakin pagkababa ko dito!

"A-ano ba, Damon!" Nag-hihisteriang wika ko sakanya habang mas pinabilis pa nito ang pagpapatakbo kay Midnight. Tumawa lang siya bilang sagot at imbis na tugunin ang hinihiling ko, mas pinabilisan pa niya ang pagpapatakbo. Hindi ko nalang pinansin ang kaba at takot na nararamdaman ko. Mas binigyang pansin ko nalang ang mga tanawin sa paligid. Imbis sa mga kahoy ng manga na nakakalat sa paligid ay makikitang isa ang mga palay at tubo sa mga tinatanim ng mga tagadito. Biglang humina ang pagpapatakbo ni Damon, napatingin ako sa unahan, nasa entrance kami ng isang Waterfalls.

El Sienna Waterfalls

Kahit sabihin pang pinaayos at naging commercialized ito, malimit parin ang mga taong nasa paligid ng lugar. Napaka tahimik kasi na ang tanging maririnig mo lang ay ang tunog ng tubig na lumalagaslas mula sa Waterfalls. Biglang nahinto ako sa pagtingin at paghanga sa paligid ng biglang narinig naming ni Damon ang mga tawanan ng isang grupo ng babae at lalaki.

"Turista ba sila?" Nguso ko sa grupong paparating.

Umiling si Damon, "This place is still under construction. No tourists are allowed nor costumers. They are Thalia's classmates."

Napakunot ang noo ko, "Sino si Thalia?"

"My cousin, her father owns this place."

Napatango nalang ako dahil 'dun at manghang napatingin ulit sa lugar. Maganda kasi ang pagkakapreserba nito at mararamdaman mo talaga ang pagkakalapit mo sa kalikasan.

"Kuyaaaaaa!" A girl of my age squealed and hugged Damon. Nakatirintas ang buhok ito at naka jumper pa. magkasing height kaming dalawa ngunit dahil sa pagnguso at pag-ayos niya sa sarili nagmumukha siyang bata.

"Ano ba, Thalia." Naiiritang wika ni Damon sa batang pinsan nito na sinagot lang ni Thalia ng nguso. Narinig ko ang iilang tawanan at tuksuhan ng mga kaibigan ni Thalia. Karamihan sa kanila ay mga babae at may mga lalaki naman ngunit mukhang mga binabae rin.

"Sino siya kuya?" Wika pa ni Thalia habang nginunguso ako.

Tumikhim si Damon, nakakuha naman 'yun ng interest ng mga kaibigan ni Thalia kung kaya't binalingan nila ako ng tingin, "She's Maria Adelina dela Cruz, my girlfriend."

Hindi makapaniwalang umalma sina Thalia at mga kaibigan nito, "What? Akala ko ba kuya si ate Chl---"

Nahinto si Thalia sa pagbanggit ng pangalan ng kung sino ng biglang hinila ako ni Damon papalayo.

"Come on, kuya! Hindi pa nga tayo tapos mag-usap!" Parang batang wika ni Thalia ngunit patuloy parin akong hinihigit papalayo ni Damon 'dun.

"Damon?" Wika ko pa sakaniya ngunit parang wala siyang naririnig at mas binilisan pa ang paglalakad. Bigla akong nakatapak sa kung ano kung kaya't natalisod ako.

"Ano ba!" Singhal ko sakanya nung natalisod na ako't lahat lahat ngunit hindi parin siya humihinto sa paglalakad.

"Shit, I'm so sorry, baby." Wika nito saakin habang lumuhod upang tingnan ang magkabilang paa ko kung may sugat o ano.

"Bakit ka ba kasi nanghihila?" Naiinis na wika ko sakanya habang pinapagpag ang itim kung pants. Medyo nadumihan kasi.

"I just don't want you to hear Thalia's stupid remarks."

Napakunot naman ang nook o dahil 'dun, "Wala naman siyang sinabing masama ah. Sino ba kasi 'yung pangalan na winika niya at nagka ganyan ka?"

Biglang natigilan si Damon dahil 'dun, "She's nothing. You are all I cared about now."

Napalabi nalang ako dahil 'dun, "Totoo? Ba't ganun? Hindi mo manlang nakwekwento saakin na may naging ex-girlfriend kana pala..."

Dumilim ang ekspresyon sa mukha ni Damon, "She's nothing and I don't want us to talk about Chloe or anything to do with her."

Napatango nalang ako 'dun at pinilit na ngumiti, "Okay..."

ke Ge׮g

Paper Hearts Where stories live. Discover now