KABANATA 7

118 5 0
                                    


KABANATA 7

Maria

"Huh?" Naguguluhang wika ko sakanila. Ano bang nangyayari at anong pinagsasabi ni Damon na girlfriend na niya daw ako? Diba dapat nililigawan pa ang babae?

Humalakhak naman si kuya Leo sa naging reaksyon ko, "Your really the cutest, Adie. I bet the girls especially Bree would love to see and talk to you once in a while now..." He then faced, Damon, "Just remember that I've got my eyes on you, Esquievel." Saad ni kuya Leo bago umalis kasama ng ilang kalalakihan.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Damon. Ba't naman biglang aalis si kuya Leo at pinagbantaan pa si Damon?

"Nevermind. Wanna grab some drinks?" Tumango nalang ako sa sinabi niya at sinundan ito papasok sa parang bar counter na na may mga drinks. Mayroon ring nagseserve dun kung kaya't hindi nahirapan si Damon sa pakgkuha.

"Ano 'to?" Turo ko sa inilagay niya sa harapan ko. Kulay red ito habang ang inumin na nilalagok naman ni Damon ay may pagka kulay orange.

"Cocktail. Don't worry maliit lang ang alcohol content niyan kumpara sa iniinom ko. Bottoms up, Maria!" Saad niya bago inubos ng tuluyan ang drink niya. Napanganga nalang ako dahil 'dun sakanya.

"Diba sabi nila mapait? Pano mo nilagok ng diretso ang lahat ng 'yun?" Hindi makapaniwalang saad ko sakanya.

Tumawa siya ng mahina bago sumagot saakin, "If nakasanayan mo na siya, medyo hindi na. Come on, drink that up..." Saad niya ng nakangiti saakin.

"Okay..." Saad ko naman at unti-unting tinungga na nga ang basong may lamang "cocktail" daw na 'yun. Napangiwi ako ng tumama ang likidong 'yun sa dila ko halos masuka na ako pero mabuti nalang ay nalunok ko kaagad iyon.

"Ang pait! Ayaw ko na nito!" Saad ko sakanya na ikinatawa naman ni Damon. Yung tawang parang naiiyak na siya, sobrang lakas pa nga ng pagtawa niya na pati ang babaeng nagseserve ng drinks ay napapatingin na rin sakanya.

"Ang sama mo!" Sabi ko sakanya sabay hampas dito pero imbis na mahampas ko nga ang balikat niya ay nahawakan niya pa ang pulupulsuhan na kamay ko. Mas lalong namula ang mukha ko ng hinalikan niya ang kamay ko at mariing tinitigan pa ako habang ginagawa niya 'yun.

"A-ano ba, Damon..." Saad ko sabay hawi ng kamy niya sa pulupulsuhan ko. Nahihiyang tinakpan ko ang namumula mukha ko sakanya.

"Come on, don't be shy...Ako lang naman 'to 'eh and besides, boyfriend mo na ako, diba?"

"Huh? Friends palang kaya tayo!" Sabi ko naman sakanya.

"I like you, you like me, diba dapat tayo na 'nun?" Naguguluhang saad naman niya saakin.

"Huh? Gusto naman talaga kita 'eh pero parang friends lang..." Saad ko sakanya na napaglaglag ng panga niya.

"What? Friendzone na talaga ako ganun?" Hindi makapaniwalang saad niya saakin sabay landas ng kamay sa buhok niya bahagyang sinisira ang pagkakaayos ng buhok nito.

"Ganun ba tawag 'dun?' Tanong ko sakanya. Palagi ko kasing nababasa 'yun sa Facebook at Twitter 'eh lalo na 'nung nanalo si Pia Wurtzbach sa Ms Universe. Gaya 'nung mga Columbiazone o yung Piazone.

Tiningnan niya ako ng mariin bahagyang nanlalaki pa ang mga mata, "You seriously don't know? Damn, ang inosente niya talaga..."

"Huh? Ano 'yun?" Tanong ko ulit sakanya, pano ba kasi bigla bigla nalang tumugtog ang isang remix ng kanta mula sa gitna ng kwarto na kinalalagyan namin ngayon.

"Tss. Nevermind..." Sagot naman niya saakin sabay alis sa kinauupuan niya kanina papunta sa kung saan.

"Damon!" Tawag ko sa pangalan niya pero hindi niya manlang ako nilingon. Bakit naman niya ako iniwan ng basta basta lang? Grabi naman ang mood swings ni Damon kanina lang ang bait bait niya ngayon naman ang suplado at snobber na.

Paper Hearts Where stories live. Discover now