KABANATA 28

25 1 0
                                    


KABANATA 28

Maria


"Maria, hindi ka talaga sasama saakin?" Wika ni Lyre habang tinutulungan ko siya sa pagdala ng mga gamit nito. Pupunta kasi siya sa iba't ibang lugar sa Pilipinas para sa kaniyang backpacking travel. Mahilig kasi siyang gumawa ng V-blogs na pino-post niya sa Youtube kung saan umaani ito ng libo libong views, likes, comments at shares sa iba't iba pang website.

"Oo, Lyre. Pupuntahan ko kasi si Abuela 'eh." Wika ko sakanya. My aunt called last week tungkol sa pagbisita ko kay abuela kung kaya't ganun nalang ang reaksyon ni Lyre. Akala niya kasi magkasama kaming pupuntahan ang ilang pulo at natatagong isla sa Pilipinas.

"Nakakalungkot naman," Nakangiwi pang wika nito. Mag-isa kasi nitong pupuntahan ang mga lugar nanaka-lista sa maliit na notebook niya. Hindi rin naman siya masasamahan ni Cosmo kasi nasa London na ito ngayon kasama ang pamilya niya.

"Ano ka ba? Pwedi naman tayong mag-Skype!" Wika ko pa sakaniya na nginusuan lang nito. Sinamahan ko siyang maghintay sa kaniyang sundo bago pumanhik sa loob ng dorm namin at mag-impake na rin. Napatingin ako sa suot suot na relong pambisig, alas dose na at ang one-way fight ko papuntang California ay alas tres. Napailing nalang ako 'dun at tumungo na sa comfort room upang makaayos at makabihis. Ni hindi ko na naisip na kumain, may mga bistro naman sa loob ng airport at ilang coffee shop.

Naging matagal ang paghintay ko ng Taxi, kung hindi naman kasi akupado sadyang minamalas lang ako siguro. Napahinga ako ng maluwag ng nakasakay na ako. Halos umabot ng kalahating oras ang byahe papunta sa airport. Mukha ngang minamalas rin ako pagdating ko sa airport kasi nadelay pa ng halos tatlong oras ang flight ko.

Napangiti nalang ako ng napaupo ako sa assigned seat ko sa eroplano, my aunt was the one who booked the flight for me kung kaya't nasa first class ako ngayon.

"What do you want to have, Ma'am?" Magiliw pa na tanong ng stewardess saakin. Tinuro ko ang sandwich at juice na dala-dala nito. The rest of the tray was filled with different kinds of wine, meals and bread.

"Enjoy your food, Ma'am." Tinaguan ko lang siya at sinimulan ko na ang paglasap ng mga pagkain. Meals we're served by the crew when dinner came, the staff was very accommodating kung kaya't hindi ako nabagot sa buong flight ko.

"Fasten your seatbelts, we're about to land." Narinig kong wika ng pilot mula sa speakers' ng eroplano kung kaya't napaayos ako sa pag-upo. Ilang minuto pa ang lumipas at nakalanding kami. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang manhid ng mga binti ko sa halos isang araw na pagkakaupo. Napangiwi ako ng halos hindi ko na mabuhat ang trolley at handcarry ko.

"Let me help you with that, Ana."

"Archer?"

Napangiti ito, "That's nice mukhang kilala mo na ako."

Napailing nalang ako, "Ikaw lang naman kasi ang tumatawag saakin na 'Ana'"

Ngumiti lang ito bilang sagot, "So, do you have a ride?"

Napailing nalang ako, "Wala, sasakay nalang ako ng Taxi, bakit?"

"Well, I can give you a ride susunduin ko rin kasi ang pinsan ko dito..."

Mabilis na napailing ako, "Hala! Wag na, makaabala pa ako."

Mabilis na tumawa ito, "You're not bothering me and besides, we're pretty familiar with each other, it's not a biggie."

"Wag na nga sabi 'eh."

"What? You don't want to? You decline my offer last last week and now?"

"Oo na, oo na. Nasan na ba ang pinsan mo?"

Paper Hearts Where stories live. Discover now