KABANATA 10

109 3 0
                                    


KABANATA 10

Maria

"Maria, sorry...sorry talaga! I didn't even know na sumama ka pala sakin sa labas ng building na 'yun. Akala ko kasi busying busy ka pa sa pamimili...Sorry, Maria...Maria,sorry..." Humahagulgol na wika ni Lyre saakin sabay yakap ng napakahigpit saakin. Kitang kita at rinig na rinig ko kung paano ka-sincere ang pagkakawika ni Lyre saakin 'nun. Gusto kong patawarin siya, sabihin na "ok lang" o "walang problema" pero nanatiling nakatitig at nakaestatwa lang ako sakanya. Sobrang lala lang kasi ng nangyari saakin, muntikan na akong marape dahil sa pagsunod kay Lyre sa pagshopping 'dun sa lugar na 'yun at aaminin ko na kasalanan ko naman since naging masyadong pabaya at padalusdalos ang kilos ko 'nun.

"Sorry, I know na siguro galit ka, sinisisi mo ako pero sana ha? Sana lang na mapatawad mo ako! I missed talking to you kasi! I missed my bestfriend!" Wika niya sabay tayo at yakap saakin.

"Lyre,wala ka namang kasalanan 'eh. Pero sadyang nakakatrauma lang siguro..." Wika ko sabay tayo mula sa kinauupuan ko upang pumunta sa hiding place ko dito sa University. Mahigit isang linggo narin matapos ng eksidenteng 'yun pero hindi parin maaalis sa sistema ko ang pagkabahala at pagkatakot sa tuwing na may nakakasama o nakakausap ako na lalaki maliban lang siguro sa kay Damon. There's just something in him na makes me feel safe, at ease, at home. Pernao kahit ganun ang nararamdaman ko kapag nandyan siya, hindi ko parin mapigilang hindi iwasan ito.

Napabuntong hininga nalang ako at tinanaw ang mga naglalarong players ng football sa field. Mukhang hindi seryoso ang practice nila ngayon dahil wala ang coach nila kung kaya't puro kalokohan lang ang ginagawa nila sa field.

Hindi naman sa hindi ko gusto ang basketball pero mas magandang tambayan lang kasi talaga ang bleachers malapit sa football field na pinag-prapraktisan nila.

"Maria?" Rinig kong wika ng isang napakapamilyar na baritong boses na 'yun. Napalingon ako at halos nanlalaki ang mga mata ng dinamba ako ni Asher ng yakap. Napangiwi nalang ako ng dumampi ang pawisan niyang braso sa kamay ko.

"A-no ba..." Naiinis na wika ko dito sabay kuha ng pagkapulupot ng kamay niya saakin na kinabigla niya.

"Woah, easy there. I was just giving a friend a hug..." Nakanguso niyang saad saakin sabay landas ng kamay sa medyo gulo-gulo nitong makulot na buhok. Napaka cute talaga niyang tinganan 'yung tipong sa sobrang cute hindi mo kayang humindi sa mga gusto niya. Dagdagan pa ito ng pagnguso niya....hay!

"May sasabihin ako sayo pero promise mo, hindi mo ipagsasabi ah?" Sabi ko sakanya sabay kuha ng kamay nito...

Napalunok si Asher dahil sa ginawa ko, "Ummm, yeah? You can count on me, Maria..." Sagot naman niya at inilagay sa ibabaw ng kamay ko ang isa pa niyang kamay, ang hindi ko hinahawakan...

"I-i almost got raped..." Sabi ko sakanya na ikinagulat niya, napalunok ulit ako ng laway ko bago tumuloy ng pagkwento sakanya tungkol sa nangyari nung isang linggo. Naluluhang ikinuento ko sakanya lahat lahat. Lahat ng takot, nerbyos, pagka-awa sa sarili...lahat lahat ng hindi ko ikinuento sa kay Damon o Lyre ay sinabi ko sakanya. Habang siya ay nakatingin lang saakin habang hawak hawak ang kamay ko, mariing nakikinig sa lahat ng kinukwento ko.

"How are you, now?" Basag niya sa katahimikan na namumuo sa aming dalawa. Nanatili paring nakahawak ang kamay niya saakin...

"Ayon medyo natrauma at na-depress. Kahit gustong gusto kong sabihin kay Abuela o kay Bree, hindi ko kasi magawa. Kasi alam ko kapag ginawa ko 'yun, ibabalik nanaman nila ako sa Mansyon tapos home schooled nanaman ang bagsak ko. So ganun nalang, for seven days, itinago ko lahat ng ito. Hindi ko naman magawang sabihin kay Lyre o kay Damon kasi medyo awkward. Pero masakit lang talaga sa dibdib 'eh, yung tipong kinikimkim mo lang ang sakit kasi wala kang may pagsasabihan pero..." Tiningnan ko siya bago magsalita ulit, "Thank you kasi nandyan ka at nailabas ko na lahat ng hinanakit...Salamat, Asher..." Wika ko sabay yakap sakanya. Biglang nanigas ang buong katawan niya na kinabahala ko, "Okay ka lang?" Tanong ko sakanya ng napansin kong natahimik siya at nanatiling nakatingin lang saakin.

"Huy, okay ka lang, Asher? May masakit?" Tanong ko ulit sakanya sabay lagay ng kamay ko sa noo niya, "Hindi ka naman mainit, 'eh..." Nakangusong wika ko dito na ikinatawa niya.

"I'm not sick, Its just...nevermind! Tara, punta tayo 'dun sa mga team mates ko pakilala kita!" Excited na wika niya sabay hila saakin papunta sa kumpulan ng mga lalaki sa gilid ng field. Napabitaw ako sa kamay niya, ganitong ganito rin kasi noon...

"W-wag..." Wika ko sabay talikod kay Asher. Nakakapanindig balahibo lang kasi ang mga tingin na ipinupukol nila...nakakadiri, nakakatakot.

"I see..." Wika ni Asher ng makabalik ulit siya sa harapan ko. Mukhang dismayado niya pero makikita ko parin ang concern sa kanyang mga mata, he gently carresed my hair...

"No need to stress yourself, I'll help you recover and besides, Damon is always there by your side, huh? Parang aso lang..." Natatawang wika ni Asher bago sumalampak sa kakaupo sa gilid ko.

"Huh? Anong sabi mo Asher?"

Napailing iling nalang siya, "Wala, nevermind nalang 'yun...Woah, speak of the devil's name and the devil shall appear..."

"Asher? Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sakanya. May pa-devil devil pa kasi siyang sinasabi 'eh.

"Wala, tingin ka 'dun..." Nguso niya sa kabilang parte ng football field, natanaw ko ang sobrang badtrip na si Damon kasama sina Pierre at papunta siya dito mismo sa direksyon namin ni Asher. Hala, ano na namang ginawa kong masama?

"See, what I mean, Maria? He's really possessive and clingy, 'eh hindi mo pa nga yan boyfriend. He's whipped...."

"Maria!" Sigaw ni Damon sa mukha ko mismo, galit na galit siya, halos mamutok na rin kasi ang mga ugat sa kanyang leeg...

"A-ano?" Natatakot na wika ko sakanya, nanginginig na ako...

His eyes softened a bit pagkakita niya sa reaksyon ko, "Sorry, I'm just worried sick kung nasan ka naman pumunta and here you are talking to Asher, the biggest shit I've seen..."

"Shit? Mukha ba akong tae sayo? I"m even hotter than you, Dame!" Sabat naman ni Asher sa kay Damon, mukhang badtrip na rin...

"Shut up, Britton..." Naiinis na sagot pabalik ni Damon bago hinila ako palapit sakanya at palayo kay Asher...

"Bye, Maria!" Wika ni Asher saakin sabay kaway. Akmang kakawayan ko na siya 'nung hinawakan ni Damon ang kamay ko ng mariin...

"No, no, no...You are not allowed to do that to other guys when I'm around, Maria...hindi ka nga pweding tingnan at kausapin nila, eh...Ba't ba kasi ang kulit? Akin ka kaya dapat saakin ka lang pweding ngumiti, kumausap, kumaway, lahat lahat...kasi nga akin ka diba?" 

Paper Hearts Where stories live. Discover now