KABANATA 39

43 2 1
                                    


A/N: ENJOY READING HAPPY 1.8K READS PAPER HEARTS!

-Struckbytragedy


KABANATA 39

Maria

Nagising ako sa ingay na narinig ko mula kay abuela. Napatayo ako at napahawak nalang sa dibdib ko ng makita ang kalagayan niya ngayon. Umiiyak na nakahawak ito ng mariin sa lalaking nurse nito, she was screaming in so much pain habang may ini-inject ang doctor sa kaniya.

Halos ilang oras lang ang intervals ng ganitong siswasyon ni abuela at kahit gaano kasakit para saakin ang masilayan siya sa ganitong sitwasyon, wala akong magagawa. Wala akong magawa kundi ang ipagdasal lang at umasa sa lunas na maibibigay ng mga doctor.

"Patayin niyo nalang ako!" Umiiyak na wika ni abuela, mukhang hindi pa umeepekto ang gamut dahil patuloy parin sa pagsakit ang balon balonan niya, "Ang sakit sakit! Patayin niyo nalang ako!" Wika ni abuela ng paulit ulit, hindi ko na nakayaan pa ang sitwasyon na iyon kung kaya't napalabas nalang ako muli ng kwarto niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa paghagulgol.

Abuela's condition never got better instead it become so much worse as days would pass. Ni hindi ko na nga siya magawang makausap ng maayos ilang araw na. Kung hindi siya tulog ay under naman ito sa bagong therapy or operation. My aunties never gave up, halos lahat nalang ata ng maisip nilang makakatulong sa kondisyon ni abuela ay ginagawa nila.

Nahinto ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko, isang notification mula sa Instagram ang kumuha ng pansin ko. I was tagged in a photo with Archer kung kaya't agad ko itong binuksan. I smiled when a familiar interior of a restaurant greeted me, Archer and I we're enjoying our dinner habang nakatingin kami sa mga mata ng isa't isa, it was taken on our first date! And of course, the picture wouldn't be complete without the teasing of Lyre and Cosmo na halos iflood na ng comments ang picture.

"Oh," Abot saakin ni Angela ng isang can ng soda bago tumabi saakin. Sa lahat ng mga pinsan ko siya ang pinaka tahimik at malayo saamin. Mas ibinubuhos niya kasi ang atensyon sa mga libro kaysa sa mga tao. Napangiti nalang din ako ng makita siyang kumuha ng libro sa dala-dalang handbag.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at lumabas dun ang umiiyak na si Bree kasama si ate Sheena. Si Bree ay parang bata na kinuhaan ng paborito nitong laruan, hindi ito matigil tigil sa pag-iyak kahit ilang ulit na namin siyang inaalo.

"Abuela is growing weaker..." Wika pa niya habang sumisinghot singkot, ilang pakete na ng tissue ang naubos nito mula pa kanina pero hindi parin mahinto hinto ang pag-buhos ng mga luha nito. Saaming lahat, siya siguro ang pinaka emosyonal pagkatapos ko. Halos hindi rin kasi mahinto hinto ang pag-iyak ko mula nang malaman ko ang kondisyon ni abuela.

"Let's just pray and hope for the best," Tanging wika ni Angela bago tumayo at umalis sa pwesto niya, mukhang babalik naman siya sa bahay. Unlike, most of us, Angela hates drama. All forms of it. Siya lang siguro ang hindi ko pa nakikitang umiyak sa kalagayan ni abuela. She would just stay silent and console us, she's the only person kung saan kami kumukuha pa ng lakas. I wish I could be like her.

Napatingin kaming tatlo kay tiya Isabel, kakalabas lang kasi nito mula sa kwarto ni abuela.

"How's abuela, mom?" Agad na tanong ni Bree sa mommy nito, Tiya Isabel sighed before showing us a smile.

"Your abuela is now stable," Wika lang nito, "I'm about to withdraw some cash and buy some supplies, gusto niyong sumama?" Tanong pa ni Tiya saamin, tumango nalang kaming tatlo bago sumunod sakanya. We found Angela kneeling outside the chapel, may kung anong gumuho sa loob ko ng makita siyang umiiyak ng ganun.

She was crying while praying.

Mabilis na kumilos si Tiya Isabel at pinatayo ang anak nito, the three of us couldn't stop ourselves from crying because of the scene. Angela cares for abuela. So much. Pero hindi lang nito pinapakita, nasasaktan rin siya pero pinipili niyang magpaka tatag kapag kasama niya kami.

"Tahan na, anak. Your abuela would be sad kapag nakita ka niyang ganito. Tumayo kana, Angela..." Banayad na wika ni Tiya Isabel kay Angela. Unti-unti namang napatayo si Angela habang humihikbi.

The whole ride going home was quiet. Tiya Isabel canceled our trip going to the supermarket dahil sa nangyari. Angela was mentally wrecked. Bigla daw kasi niyang naalala ang nangyari kay daddy nito, Tiyo Redmond died two years ago sa sakit na cancer, prostate cancer.

"Babalik po kayo sa ospital?" Tanong ko kay Tiya pagbaba namin sa bahay.

Tumango lang ito, "Your tiya Isadora needs someone to talk to, alam mo naman siguro ang tendencies 'nun," Tumango nalang ako sakanya, "Walk over your cousins especially Angela, okay?"

"Okay," I told her before walking inside the house. Wala silang tatlo sa mood gumawa ng kahit ano kung kaya't ako nalang ang nagpresintang magluto ng dinner namin. I talked to Archer via video call habang nagluluto ako, he kept on telling me stories the whole time. He even managed to make me laughed in doing so.

"Don't get your head think too much, love." Wika pa nito saakin bago magpaalam, may ipapasa pa kasi siyang requirements sa professor niya.

"Girls, kain na." Tawag ko sakanila ng nakaayos na ang mga plato sa lamesa. Ilang minuto pa ang nasayang bago lumabas ng kani-kanilang mga kwarto sila Angela, Bree at ate Sheena. Angela looked fine the moment she step into the kitchen, wala na ang namumula nitong mga mata. I smiled at the idea, mukhang hindi na siya masyadong malungkot.

"It's sinigang!" Wika pa ni Bree bago umupo sa upuan nito, hindi na ito humintay pa ng panalangin bago sumigop ng sabaw, "I miss this so much!" Wika pa nito habang tumitili.

"Gosh, ang takaw mo talaga." Saway pa ni ate Sheena kay Bree.

"Duh? Mas sexy naman ako sayo!" Sabat pa nito.

"Let's pray," Wika nalang ni Angela para matigil ang dalawa. The three of us joined as we prayed and thanked god for the blessing he showered us. Kahit wala si kuya Lionel ay ramdam na ramdam ko ang pagiging completo naming magpinsan. Si kuya kasi ang umaasekaso ng business matters sa Pinas, kailangan kasi ni Tiyo Leo ng tulong.

I was busy washing the dishes when Angela suddenly came to me, "Ano yun?"

Nagkibit balikat lang ito, "Nothing, I just really love your sinigang," Wika nito saakin bago umalis ng kusina. Napailing nalang ako dahil 'dun. It's really heartwarming to know na unti-unti na siyang nag-oopen up saamin.

Bigla ko namang naalala ang mga salitang sabi ni Archer kanina, when it rain, it pours but always remember that there's always the rainbow after the storm, Ana. God is always there for you when you need him, don't lose hope.


Paper Hearts Where stories live. Discover now