KABANATA 1

339 9 0
                                    


[A/N: This chapter is dedicated to beeyotch :) Isa po kasi kayo sa maraming authors dito sa Wattpad na nag inspire po sakin na gumawa rin ng aking sariling story! Hope you'd like this po! Good day! :)]


KABANATA 1

Maria


ISA. DALAWA. TATLO. APAT. LIMA.

LIMANG BESES akong paulit ulit na pinapangaralan ni Abuela tungkol sa mga dapat at hindi dapat kong gawin sa pagpasok sa isang Unibersidad.

"Mag ingat ka apo, ha?" saad ni Abuela bago ako halikan sa noo at yakapin ng napaka higpit. Mukha ngang hindi na niya akong papakawalan 'eh!

Simula magkaisip ako, si Abuela't Abuelo na ang nagpalaki saakin. Maaga kasing namatay ang ating magulang sa isang aksidente kung kaya't naiwan ako sa pangangalaga nila. Nag-iisang apo rin ako kung kaya't sobra sobra ang pagmamahal na natatanggap ko galing sakanila pero kaakibat nito ang pagiging sobrang protective nila saakin to the extent na halos hindi na nila ako pinapalabas ng bahay o pinapakausap sa hindi ko kakilala. Halos 18 years ding ang Mansyon nina Abuela ang naging buhay ko. Aaminin kong sobrang malungkot ako sa buong panahon na yun. Puro aral, textbooks at pag gamit ng teknolohiya lang ang ginagawa ko. Kung kaya't nung nag debut ako, hiniling ko sakanila ang pag-aral sa isang Unibersidad.

"Abuela naman!"

Pinakawalan ako ni Abuela at agad kung napansin ang mumunting luha na nabubuo sa kanyang mga mata, "Abuela babalik din naman ako sa mansyon tuwing wala akong pasok! Wag na po kayong umiyak! Abuela naman!"

Plano ko kasing tumira sa loob ng dorms ng Unibersidad na papasukan ko. Gusto ko kasing maka experience ng bagong environment at maging independent. Tutal 18 years old nanaman ako at 1st year college na.

Bumuntong hininga muna ito bago ako sagutin, "Basta mag-ingat ka ha? Tumawag ka kong may kailangan ka at gamitin mo lang ang credit cards at ATM mo kung may bibilhin ka!"

Hindi problema kina Abuela ang pera dahil malapad ang lupain namin, marami kaming ari-arian at mayroong iba't ibang negosyo si Abuelo. Kung tutuusin, sobrang yaman nina Abuela pero mas pinili lamang nila ang tahimik na buhay dito sa probinsya.

Nakangiting tumango ako kay Abuela bago pumasok sa loob ng isang SUV namin, "Manong sa Dmitri Academy po tayo..."

Nakangiting tinitingnan ko ang bintana ng SUV. Masyadong marami palang gusali sa labas ng lupain namin, "Manong ano po yun?" tanong ko kay Manong Dany ng napadaan kami sa eskinita kung saan may mga bahay na pinagtagpi tagpi gamit ang mga yero, kahoy at iba pang light materials.

"Mga bahay po yan Maam ng Iskwater..." sagot naman ni Manong Dany habang pinapaliko ang SUV sa kanang bahagi ng daanan.

"Iskwater?" ano yun? Bakit hindi ito nailagay sa mga textbooks ni Professor Mika?

"Sila ang mga taong tumitira sa ilalim ng mga tulay, malapit sa riles ng tren basta iha, ang mga taong hindi kayang bumili ng magandang tahanan kung kaya't dyan lamang sila tumitira..."

Tumango lamang ako sa sagot ni Manong Dany. Nakakaawa naman, may mga tao palang ganito. Ikwekwento ko kay Abuela to. Sigurado akong gagawan niya ito ng paraan. Kawawa talaga sila!

"Maam, bibili lang po ako ng softdrinks dyan!" turo ni Manong Dany sa isang Convenience Store sa gilid lang ng pinagpakingan niya ng sasakyan.

Paper Hearts Where stories live. Discover now