KABANATA 15

88 4 0
                                    


More on conversations.

My mind's quite hazy,

My fingers are too lazy,

Too shitty to called,

A poetry...


#PaperHeartsInAREALtionship :)


KABANATA 15

Maria

"Text me if nasa dormitory kana, ha?" Malambing na saad ni Damon. Gusto niya nga sana akong ihatid pero ang bastos naman 'nun kung wala siya sa mismong araw ng kaarawan ng ate niya wala siya kaya ayun, magpapahatid nalang ako sa driver nila.

"Oo na!" Sagot ko naman dito, bahagyang natatawa, hindi kasi kami makaalis dahil sa kakulitan ni Damon 'eh, paulit ulit lang na nagbibilin.

"See you tomorrow, princess..." Saad nito bago pinagsarhan ako ng pinto para makaalis na, ibinaba ko ulit ang bintana ng kotse para makakaway dito, "Bye!" Masayang wika ko na sinuklian din naman nito ng kaway.

Nakangiting lumabas ako sa sasakyan nila Damon, nagawa ko pa ngang ngitian at batiin ang mga estudyanteng nakita ko sa daanan, sadyang napakasaya ko lang talaga!

"Oh? Anong nakain mo?" Saad ni Lyre pagkakitang pagkakita niya saakin, gaya ng nakagawian, nakasalampak ito sa kama niya at sobrang busy sa kakalikot ng cellphone nito.

"Something sweet?" Pabirong saad ko na kinanguso lang niya. Maski nga ako nabigla, hindi kasi ako 'yung tipong palabiro o ano. Ganito ba ang nagagawa ng pag-ibig?

"Not funny, Maria Adelina. Ano ba talagang nangyari at parang baliw na ngumingiti ka dyan?"

"Basta," Ang tanging naging sagot ko sakanya. Napataas nalang ang kilay ko ng nakita ko ang sobrang badtrip at bangot na mukha nito habang nagbabasa ng kung ano sa iPad niya, "Ba't mukhang badtrip ka, Lyre?"

"Ba't ako badtrip? Eto oh!" Halos isubsob na ni Lyre saakin ang iPad niya, napakagat labi nalang ako ng nakita ko ang sariling nakatalikod habang kitang kita mula sa litrato ang paghawak ni Damon sa kamay ko. Galing sa IG ng isang QCImperial ang picture na may caption pang 'When love is new...'

"Ba't hindi mo sinabi, Maria?" Nakangusong wika ni Lyre 'nung ibinalik ko na sakanya ang iPad nito.

"H-hindi ka kasi nagtanong..." Nakayukong sagot ko, hindi ko alam pero naguguilty ako!

Nakarinig ako ng buntong hininga mula kay Lyre bago niya ako puntahan bago higitin sa isang yakap, "I'm happy for you!"

Niyakap ko rin siya pabalik, "Thank you, Lyre at sorry kung hindi ko agad sinabi..."

"Ano ka ba, wala lang 'yun, isa naman ako sa nag-set up 'nun kaya alam ko naman 'eh!"

Napatawa nalang ako dahil 'dun at pabirong tinampal ang magkabilang pisngi niya, "Baliw ka talaga!"

NAGISING ako sa mahalimuyak na amoy ng rosas sa loob ng dormitory namin ni Lyre, naririnig ko rin ang sobrang ingay nitong boses na mukhang may inaaway nanaman!

"Lyre, ano yan?" Tanong ko sakanya ng nakita kong nasa pintuan siya ng dormitory at mukhang may pinagsasabihan o inaaway.

Nakangusong sinagot nito ang tanong ko, "Etong boyfriend mo kasi 'eh, ginising ako, may ibibigay daw sayo!"

Napatawa nalang din ako ng mahina dahil 'dun, "Sige na nga, bumalik kana sa pagtulog ako ng bahala sakanya..."

"Okay!" Ang tanging sagot ni Lyre bago isubsob sa kama ang mukha niya at dali daling napahilik ng sobrang lakas, mukhang natutulog na nga...

"Pasensya na kay Lyre, ah?" Saad ko kay Damon ng nakangiti habang pinagmamasadan siya, naka sleeveless top ito na pinaresan niya ng isang jogger pants at sobrang laking Vans shoes, naka brush din ang buhok nito at mukhang freshly shaved pa!

Hala, ba't ang ayos ayos ng mukha nito? Natubuan naman ako ng hiya dahil 'dun, unlike him, ni hindi pa ako nakakapag suklay ng buhok ko! Ni hindi pa nga ako nakakapag mumog!

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito, "Silly, I'm just here to give you this..." Saad nito at kinuha mula sa gilid niya ang paper bag na dala.

"McDo?" Hindi makapaniwalang saad ko, naaamoy ko kasi ang pamilyar na amoy ng pancakes at kape 'eh.

"Yeah, you don't want it? I can have anoth---"

"Okay na 'to, ano ka ba!" Nahihiyang wika ko, baka kasi itapon niya pa 'to at umorder pa sa iba, eh sayang kaya! Maraming bata ang hindi kumakain, ni hindi nakakainom ng tubig tapos siya itatapon niya lang ang pancakes at kape na sobrang mahal?

"Fine, it thats what you want, here..." May kinuha ulit si Damon mula sa gilid niya at napangiti nalang ako ng malapad ng nakita ko ang puting rosas na hawak hawak niya, naka arrange ito ng mabuti at mukhang pinag gastusan talaga!

" May kinuha ulit si Damon mula sa gilid niya at napangiti nalang ako ng malapad ng nakita ko ang puting rosas na hawak hawak niya, naka arrange ito ng mabuti at mukhang pinag gastusan talaga!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang ganda naman nito..." Hindi ko napigilang hindi sabihin, napatakip nalang ako sa bibig ko 'nung sinabi ko 'yun, hala baka akala niya sobrang ignorante ko naman kahit sa mga bulaklak?

Napangiti nalang siya sa naging reaksyon ko, "Good to know na nagustuhan mo..." Sabi ni Damon bago ako tingnan ng mariin sa mga mata, sadyang nakakaakit lang talaga tingnan ang kulay tsokolateng mga mata niyang iyon...

"Ah, hindi ka pa aalis?" Tanong ko dito, napasimangot nalang siya sa naging tanong ko. He stepped closer to me, closer that I could even smell how intoxicating his scent is.

"D-damon ano ba..." Ang tanging naging wika ko ng mas inilapit niya pa ang katawan saakin, he spooned me, hugging me...

Tumawa pa ito at pabirong inilapit ulit ang katawan saakin bago ako tuluyang binitawan, "You're not really the type to do the cuddle..."

"Ang awkward kasi..."

Tumaas ang sulok ng labi niya dahil 'dun, "Awkward, how come? You don't like the warmth it brings? How close your body unto mine, how can you feel my heartbeat race? You don't like it?"

Nanatili lang akong nakatingin sakanya dahil 'dun, the way he said those words, it sounded so enticing, so sensual...

"You feel awkward, doing this?" At bago pa ako makapagsalita, hinigit niya ulit ako palapit sakanya, payakap sakanya.

Naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso nito, ang init na dala-dala ng katawan niya saakin, naaamoy ko rin ang napaka bangong perfume nito...

"Maria," Saad niya sa mababang boses, nakikiliti ako dahil sa marahang pagdampi ng hininga niya sa leeg ko, "Do you still feel awkward, doing this?"

Wala sa sariling umiling lang ako sakanya at mas idiniin pa ang pagkayakap niya saakin, niyakap ko rin siya pabalik...

Paper Hearts Where stories live. Discover now