KABANATA 2

202 6 0
                                    


[A/N: This chapter is dedicated to @purpleyhan :) Your also one of my fave's! Hope you'd like this po! Good day!]


KABANATA 2

Maria

"TALAGA? OMG, I feel so pretty!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Lyre habang nagkwekwentuhan kami. Nalaman niya kasing siya ang kauna unahan kong kaibigan kung kaya't grabi na lang ang reaksyon niya tungkol dito.

"But then, kung all your life nasa loob ka lang ng mansyon niya sa kaburikan hindi ka nakapuntang mall, amusement parks, resorts, bar, concerts, at marami pang fun places!"

Nanlaki ang mata ko dahil dun, "Grabi kanaman, Lyre! Nakapunta na akong mall at iba't ibang concerts ng mga musicians na gusto ko! Nakapunta na ako sa Rebel Heart concert ni Madonna kasama ang isa sa mga pinsan ko sa side ni Mommy, I've also been to the Otaku Convention, Kpoppers Fair, name it, I've been there! At hindi ko na kailangang pumunta ng mga Resorts since meron naman kaming Swimming pool at maski hot spring sa lupain namin. Ever heard of the dela Cruz Eco-park? Sina Abuela ang may-ari nun! My grandparents also own chain of hotels kaya grabi na lang ang pagdevelop ng lupa namin!"

Tumawa si Lyre sa naging sagot ko kung kaya't mas lalong nanlaki pa ang mga mata ko, "Lyre naman 'eh!" parang batang saad ko sakanya nung nakitang patuloy pa rin siyang tumatawa saakin.

"Sorry, Ady but then nakakatawa lang talaga nung expression mo 'eh! You looked pretty cute explaining about all of it! Nakahinga kapa sa lagay na yun?"

Napanguso ako sa kakulitan niya. She kept on teasing me about how I react! Halos mag-iilang oras na ring nasa loob kami ng Dorm ni Lyre at hindi na namin namalayan na halos mag aalas sais na pala!

"Lyre!" saad ko sakanya ng nakitang nakahilata parin siya ng kama at mukhang walang planong magluto.

"Ano ba, Ady! Nasa gitna ako ng Clan War ng clan ko! Ano bang kailangan mo?" sigaw niya habang patuloy parin sa pagtitipa sa iPad niya.

"Kailangan nating magluto. Its almost 6..."

"Order pizza..."

"Pizza? Hindi masustansya iyon!" saad ko sakanya pero inirapan lang ako. Ano ba naman itong si Lyre napaka hilig kumain ng hindi masustansya, kanina lang nag order rin kami ng fast food para sa Lunch tapos pagdating sa Dinner, pizza?

Napabuntong hininga lang ako sakanya, "I'll order pizza for you. Aalis lang ako bili ng pagkain ko." I could really hear her cheer for me. Lyre is almost the perfect girl na nakilala ko. She's smart, pretty, positive thinker but then, she's lazy...

No one's perfect nga siguro but then ang kulang lang naman ay ang kakaunting encouragement sa sarili 'eh. Sarili kasi nating isip ang nag iimpreso saatin sa mga bagay bagay. We set limits for ourselves na hindi natin kayang abutin ang mga bagay bagay at gumagawa rin tayo ng ating kinakatakutan sa ating mga isip.

"But then, baka may mga tao lang talagang pessimist..."

"Tama ka dyan, kuya! Na kahit hindi pa nila natatry gawin, sumusuko na aga-- Huh? Sino ka po?"

Nginitian ako ng lalaking short haired na nasa harapan ko, halos magningning na ang kanyang mga ngipin sa sobrang puti at linis nito. "Apollo Mercury Dmtri's the name..." medyo hambog na pagkakasaad nito saakin. His name screams money and fame. Pamilya siguro nila ang may-ari ng Academy nito judging from his surname pero bakit napaka hambog naman niya? Napaismid naman ako dahil dito pero itinago ko iyon sa ngiti.

"Ako nga pala si Maria Adelina dela Cruz..." sabay lahad ng kamay sa harapan niya. Agad naman niyang nakuha ang pinahihiwatig ko kung kaya't kinuha niya ito at nakipag shake hands saakin. Akala ko bibitawan niya na ang kamay ko pero nanatiling nakayapos parin ang kamay nito saakin, "Hindi mo bibitawan, Apollo?" kumurapkurap muna ito at agad agad na binitawan ang kamay ko.

"S-sorry... Its just that... Its my first time seeing you in person and damn...ang ganda mo talaga...." medyo nauutal na wika niya na kinatawa ko naman. Magkasamang kumain kami ni Apollo sa Cafeteria ng school. Gaya ko nagdodorm rin siya since isa siya sa mga Varsity sa Basketball. Hindi nga ako makapaniwalang nanunuod pala siya ng mga covers ko ng kanta sa Facebook at Youtube!

"How's your stay in the Academy so far?" saad niya habang hinihiwa ang isang parte ng beef steak niya.

Uminom muna ako ng tubig bago bumaling ng sagot sakanya, "Okay lang. Nakilala ko si Lyre na naging---"

"Lyre? As in Lyre Angela the weirdo Chua? Friends kayo nun? Hindi mo ba lama na sobrang pangit ng ugali 'nun? She even burned half of hard bound limited edition classics!" Hindi makapaniwalang saad niya at naglitanya na rin si Apollo tungkol sa mga bagay na sinira ni Lyre dahil lang sa trip niya lang daw. Mukhang ngang close silang dalawa.

"But then, if she's your friend siguro harmless naman iyon..." kibit balikat na saad ni Apollo habang ngumunguya.

"Then, bakit niya ginawa ang mga bagay na 'yun sayo?"

"She's my ex..." saad niya ng wala manlang bahid ng emosyon sa kanyang mga mata yung tipong para hindi siya apektado na EX niya si Lyre o kung anuman.

Hindi makapaniwalang napanganga na lang ako dahil dun. "Yun lang? Walang bitter remarks tungkol sakanya?"

"Naah... And besides, we're too young at that time. 15. We're just fifteen at that time."

Ganun pala ang love para sakanila. Ewan nga kung matatawag ko pang love yun since parang wala manlang ito sakanya. Maybe hindi lang talaga nila sineryoso ang isa't isa kaya ganun.

"Hindi kana nakikinig sakin. Nakakatampo ka naman..." Nakangusong saad ni Apollo saakin. He seemed very talkative for a guy. Yung tipong walang inhibitions at restrictions sa pagsasalita. Yung tipong pinapahayag niya talaga ang lahat ng nasa isip niya. Layong layo sa Damon na yun...

"Thank you sa pagsama, ah?" Nakangiting saad ko kay Apollo habang binabaybay namin ang daan pabalik sa mga dormitory. Magkalapit lang kasi ang Dorm area ng girls sa boys kung kaya't nagpresenta itong si Apollo na ihatid ako.

"No problem. Anything for my favorite girl." He then winked at me. Pero parang normal naman sakanyang gawin iyon kasi nga iyon din ang ginawa niya ng binati niya ako. Halatang halata talaga na chickboy ang lalaking 'to. Sa galaw palang at pangbobola niya halatang halata talaga!

Nasa harapan na ako ng Dorm namin ni Lyre ng naisipan kong kausapin siya ulit, "Salamat ulit sa paghatid. Good night!"

"Hindi ka pa aalis?" Saad ko ng nanatiling nakatayo lamang si Apollo sa harapan ko at nakahalukipkip na tumitingin saakin.

Ilang beses rin itong bumuntong hininga bago bumaling saakin ng nakakunot ang noo at tila naaasiwa, "Damon asked for your number... Can he have it?"

_

Paper Hearts Where stories live. Discover now