KABANATA 11

74 4 0
                                    



KABANATA 11

Maria

"MARIA, ayaw mo ba ng movie?" Nakangusong tanong saakin ni Lyre habang ngumunguya ng popcorn.

"Okay lang," Sagot ko sakanya bago kumuha rin ng popcorn sa bowl na hawak hawak niya. Wala kasi kaming pasok ngayon dahil halos vacant naman lahat ng classes namin kaya napagpasyahan nalang namin ni Lyre na mag-movie marathon.

"Ang cute cute talaga ni Baymax! I hope I get to have one too!" Sabi pa ni Lyre habang nanunuod kami ng pelikula. Sobrang cute lang kasi talaga at nakakagigil pa ni Baymax tingnan, para siyang giant Marsmallow.

"Maria, hindi ka ba talaga pupunta sa Harlow mamaya?" Tanong ulit saakin ni Lyre habang nanunuod. Pasinghot singhot pa nga siya, nasa unahan palang kami ng movie pero medyo nakakaiyak na. Namatay kasi bigla si Tadashi tapos para pa sa kapatid niya.

"Hindi 'eh." Saad ko at nanatili nalang ang mga mata sa harapan ng TV. Kung tititigan ko lang kasi si Lyre baka madala nanaman ako at baka umuo nalang ako dahil sa pagpapacute at charms niya.

"Hmp, nakakatampo naman!" Saad niya sabay nguso pa saakin. Napahinga nalang ako ng malalim. Hindi kasi pumayag si Seth na pumunta ako sa party mamaya sa isa sa mga kilalang bar malapit sa university na 'Harlow'. Baka kasi may mangyari nanaman daw na masama saakin gaya 'nung nag-mall ako kasama si Andrea. Alam kong tama siya pero ba't ganun? Parang nasasakal na ako? Nasasakal na ako sa sobrang higpit, sa sobrang paglilimita at pagbabawal niya sakin sa mga bagay bagay.

Hindi ba kaya ka nag-dorm at nag college dito para maranasan mo ang pagiging malaya?

But then, tama naman si Damon baka mabastos lang ako 'dun since bar nanaman ang pupuntahan namin ni Lyre.

"Sure kana ba na nandito kana lang?" Tinanguan ko lang si Lyre ng nakita kong nakabihis na siya at mukhang papaalis na ng dorm. Sinundan ko lang ng tingin siya palabas ng dorm bago sinara ang pinto at bumalik sa higaan ko. Tumingin ako sa wrist watch ko, 8:30 na pero hindi parin ako makatulog.

I let out a sigh at tiningnan ang mga pweding makain sa pantry. Napangiwi nalang ako ng nakita ko ang mga laman 'nun, may mga cereal kasi 'dun, chocolate bars at iilang chips ni Lyre.

*Beep*

Napatingin ako sa cellphone ko ng nag-beep ang Facebook ringtone nito. Mukhang may nag-message sa messenger ko o may notifications nanaman ako. Binuksan ko ito at tumambad ang napakaraming friends requests, notifications at messages galing sa iba't ibang tao partikular na sa mga taga-St. Dmitri. Napangiti nalang ako ng nakita ko ang pangalan ni Archer sa taong nag-add saakin, mabilis kong inaccept iyon bago pumunta sa halos sumabog sa daming notifications ko.

"Ano?" Hindi makapaniwang bulalas ko ng nakita ko pangalan ko na naka-mention sa isang page.

St. Dmitri's newest love triangle!

Maria Adelina dela Cruz, a freshie and a transferee was seen with two of the most hottest guys in the University! See attachment photo---->

Agad na tinap ko ang link na 'yun kung kaya't na-direct ako sa iisa pang site, ang underground website ng school. Nakalagay ang logo ng unibersidad sa pinaka-ibabaw pati na rin ang iilang kolorete at mga bagay na makikita sa official website nito ngunit ang kaibahan lang ay puro chismis at mga poll votes lang ang makikita dito.

"Hala! Ano nanaman 'to?"

May nakita kasi akong iilang larawan ng sarili ko kasama sina Damon at Archer. Sa fraternity party, sa soccer field, ang paghigit saakin ni Damon palayo kay Archer at maski ang iilang snapshots ng paghalik nito saakin.

Napakagat labi nalang ako dahil 'dun, paniguradong malalaman 'to ng mga pinsan ko at kapag nangyari 'yun, hala! Baka malaman 'din ito ni Abuela, balik mansyon ako panigurado at ang mas malala baka papupuntahin pa nila ako ng Amerika.

Kinakabahan na kinuha ko ulit ang cellphone ko upang makapagtipa ng text message kay Damon. I'm sure he'll figure something out knowing how he can easily settle things.

To: Damon

Damon, pwedi bang makahingi ng pabor?

Ilang minuto akong naghintay ng reply niya pero ba't ganun? Ba't hindi parin siya nagtetext back? Kadalasan kasi sobrang bilis niyang mag-reply pero ba't ganun? Ba't hindi pa siya nakakapag reply ngayon?

Hindi kaya! Napasapok ako sa ulo ko sa naisip kong iyon, hindi naman siguro napahamak si Damon, diba?

Napakagat labi nalang ako at binuksan ulit ang Facebook App sa cellphone ko, tumambad saakin ang iilang litratong purong naka-tag kina Lyre, Rogue, Pierre, Apollo at Damon. Mga snapshots iyon sa bar na pinuntahan nila. Halata sa mga mukha nila ang sobrang kasiyahan habang nagkwekwentuhan. Sobrang rami ng mga tao ang nakapalibot sa grupo nila. Karamihan sa mga ito ay mga babae, malimit lang ang lalaki siguro dahil nandoon si Lyre. Napangiti nalang ako dahil 'dun, hindi man aminin ni Pierre, sobrang protective at mahal niya talaga ang kapatid niya.

Iniswipe ko ang litratong 'yun at napalunok nalang ako ng nakita ko ang litrato ni Damon na nakangisi habang kasayaw ang isang babae sa gitna ng dancefloor. Malapit ang kanilang katawan sa isa't isa, ang kasunod na litrato ay ang nakadampi ang labi nila sa isa't isa. Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat at sa hindi malamang dahilan, sumakit bigla ang kaliwang parte ng dibdib ko.

Napasapo nalang ako sa labi ko, sa ilalim na parte nito, sa espasyo ng labi kong hinalikan niya noong nakaraan lang. Akalain mo yun? Hindi lang pala ako ang hinahalikan niya gamit 'yun?

Napatawa nalang ako ng pagak, may karapatan ba ako? May karapatan ba akong magalit sakanya o magselos sa paghalik niya sa babaeng 'yun? Hindi naman kami 'eh, wala kaming relasyon o kahit ano. Ni hindi manlang siya nanliligaw saakin o ano. Wala lang. Pero bakit ganun? Bakit ganito nalang ang nararamdaman ko?

I felt betrayed.

Hindi ko kasi inaasahan na gagawin niya pa talaga sakin 'yun. Like the person you thought would say loyal to you no matter what, betrayed you. Thats what I felt right know. Masakit, masakit sa kalooban, masakit sa puso.

Humagulgol ako sa pag-iyak pagkatapos 'nun. I cried and cried until I feel asleep. I suddenly feel foreign sa lahat ng bagay na nakapalibot saakin, I suddenly want to go back into my Abuela's comforting hugs and kisses, I felt homesick.


Paper Hearts Where stories live. Discover now