KABANATA 42

46 2 0
                                    

A/N: Let us remember our love ones who departed by praying and remembering them this all soul's day. Enjoy reading this update! All the love, struckbytragedy ^^

KABANATA 42

Maria

"I was expecting something or someone to welcome you here, lil cousin. Like a banner saying, "Welcome home, Maria! I miss you so much!" that sort of thing or simply a good looking guy offering you a bouquet of flowers uttering the three magic words but none." Natatawang wika ni Bree saakin habang palinga linga sa lugar.

"Better in movies," Dagdag pa ni ate Sheena sabay halakhak.

Napailing nalang ako dahil dun, my friends and Archer are not aware na ngayon na ang dating ko. For the few past days, I wasn't able to contact them since I was engrossed in mourning for my grandmother's death.

Napanguso lang sila ng makita ang nakangiwing mukha ko. Sa nakalipas na mga araw ay pilit nilang pinapagaan lang loob ko pero sa hindi malamang dahilan ay sadyang mabigat pa rin talaga sa pakiramdam ang nangyari kay abuela.

Kinabukasan ba daw darating ang bangkay ni abuela kung kaya't minabuti nalang namin na mauna sa mansyon nito para maasikaso. Si Tiya Ian naman kasama ang asawa nito ang nagpasyang mag-hintay dito.

"Mum, don't forget to buy me some jelly beans." Nakangising paalala ni Margery sa ina nito habang ngumunguya ng bubble gum, "Add some Nutella and also chocolate to the list."

Napailing nalang sila Tiya Isabel sa inasal niya. Sa edad na labing tatlo ay mukhang mas bata pa ang mentalidad ni Margery taliwas na pinapakitang maturity ng katawan nito.

"Maria? Are you sure na dito ka lang?" Tanong saakin ni Tiya Isabel ng huminto ang van sa harapan ng mataas na paaralan na pinapasukan ko 'nun. Ilang taon rin ang lumipas ngunit mukhang walang nagbago dito.

"Call me if you need something, alright?" Wika ni Tiya Isabel saakin bago isarado ang bintana ng kotse at pinaharurot ito.

Nakangiting binati ko ang guard at napanguso nalang ako ng nakakunot ang noo nitong nakatingin saakin. Mukha kasing hindi na nito ako natandaan kung kaya't pinakita ko nalang sakanya ang ID ko noon dito.

Napakamot nalang si manong at naka-peace sign pa na pinapasok ako sa loob pagkatapos kong pumirma sa visitor's list.

"Maria! Is it really you? Wow!" Nakangiting wika saakin ni Shaila habang palipat lipat ang tingin nito saakin mula sa mukha at katawan ko, "You're as gorgeous as ever!"

Nginitian ko lang ito pabalik, "Mas gumanda ka naman!" Puri ko rin sakanya habang nakangiti dito.

Inirapan niya lang ako, "Don't me nga! Mas lumobo ako, oo! Nabalitaan ko ang nangyari sa lola mo, Maria. Condolence ha?"

Napakagat labi nalang ako dahil dun, "Salamat, Shai." Mukhang mabilis kumalat ang balita na pati ang mga dati kong blockmates ay alam ang nangyari kay abuela.

Hindi ko namalayan na napaupo na kaming dalawa at nawili sa pagkwekwento ng tumunog ang bell, "Hala! May klase pa pala ako!" Wika nito sabay kamot ng ulo, "Pasensya na Maria ah? Major kasi eh."

Nginitian ko lang ito, "Okay lang." Bumeso muna siya saakin bago tumakbong tinahak ang building niya.

Napatingin ako sa cellphone ko ngunit nabigo ako ng makitang walang Archer, Lyre at Cosmo na nagreply sa text message ko. Nakangusong tumipa ako ng panibagong mensahe, "Sa cafeteria lang ako maghihintay. -Maria"

Tinungo ko ang cafeteria ng school at napangiti nalang sa mga binago nila dito. Mas lumawak ang lugar na kinaroonan nito kung kaya't mas dumami din ang mga kiosk sa paligid ng cafeteria.

Paper Hearts Where stories live. Discover now