KABANATA 37

38 1 0
                                    


A/N: Enjoy reading

-struckbytragedy

KABANATA 37

Maria

"Maria? You're going to lead tomorrow's review, alright?" Wika saakin ni Chloe habang nag-aayos na ako ng mga gamit ko, tinanguan ko lang ito habang ang mga mata ay nanatili sa mga notes ko.

Sa sobrang bilis ng panahon ay second semester na namin at mag-fifinal nanaman. Kung noonay halos iiyak ko nalang sa sobrang hirap ang leksyon namin dito, ngayon ay nangunguna na ako sa klase. Archer kept on insisting I should focus on my duties during weekdays kaysa ang magbabad sa internet at mag-chat sakanya kung kaya't ganito nalang ang naging bunga sa academics ko.

Since Bree gained some friends from the past months ay ako nalang mag-isa ang naglalakad papunta at pauwi ng bahay. Natutunan ko rin sa pagkalayo sakanya ang pag-commute papunta sa mga bilihan at pagiging independent. Napangiti nalang ako dahil 'dun, maganda talaga ang nagiging epekto ng pagiging mapag-isa, you'll learn how to fend for yourself na walang tulong mula sa mga taong nakapalibot saiyo.

"Maria? Wala si manang ngayon, alam mo naman sigurong magluto." Wika saakin ni Tiya Isadora habang inaayos ang gamit ni abuela sa sala. Ngayon kasi ang pangalawang chemotherapy session ni abuela sa bagong therapy na sinuggest ng doctor dito.

"Tiya?" Tawag ko sakanya ng paalis na siya kasama si Kuya Leo na magiging driver niya, nauna kasing umalis ng bahay sila Tiya Isabel, Abuela at ang personal nurse nito.

"What? Hindi ka marunong mag-luto?" Agad na sagot nito na ikinatawa ni kuya Leo. Tiningnan ko lang si kuya ng masama para matapos na ang pagtawa nito.

"Pwedi po ba akong pumunta mamaya?" Wika ko sakanya habang nakangiti, may bakas ng pag-asa ang bawat mata na payagan akong pumunta kay abuela sa hospital mamaya.

Suminghap si tiya, "Alam mo naman na hindi pwedi diba?"

Tinanguan ko lang ito at tiningnan ang pag-alis nilang dalawa ng may mabigat na dibdib. Mahigpit na ipinagbabawal ni abuela ang pag-punta naming magpinsan sa ospital kapag nag-chechemo therapy siya sa hindi malaman na dahilan.

Mukhang nahalata nila Bree ang pagiging malungkutin ko kung kaya't lumabas kaming tatlo ng bahay pagkatapos ng hapunan. Dinala kami ni Bree sa isang salon na medyo may kalayuan sa lugar namin. Ito daw kasi ang palagi nilang pinupuntahan ng mga kaibigan niya tuwing maaga ang dismissal.

"Good morning! What can I do for you ladies?" Nakangiting wika ng receptionist saamin, streaks of blonde hair was flowing freely from her messy bun as she smiled at us showing her perfect set of pearls.

"Hello Dione, I'm having the usual and I want Helga and her glam team to assist all of us," Nakangiting wika ni Bree sakanya, mukhang pamilyar na talaga sila sa isa't isa kasi tinanong pa ni Bree ito tungkol sa ginagamit niyang lipstick.

Ngumiti nalang si Dione ng natapos na ang usapan nilang dalawa na umabot ng halos kalahating oras, "Right away, Bree and I presume they are your sisters?"

Mabilis na umiling si Angela, "We're not sisters. We are her cousins," Wika pa nito habang nakangiwi. Napailing nalang ako dahil 'dun. Marami talaga ang nag-aakalang magkakapatid kaming tatlo kasama na si ate Sheena. Pare-pareho kasi ang mga features saaming mukha partikular na ang brown na mata at aristokratang ilong.

"I apologize for that," Sagot naman ni Dione saamin bago tinawag si Helga sa intercom. Ilang minuto pa ang inilagi namin sa lobby bago kami sinalubong ng isang black American na afro ang buhok kasama ang dalawa pang Caucasian.

"Hi, I'm Christie and I'm going to make you extra beautiful," Nakangiting bati saakin ng isa sa mga assistant ni Helga. Since it was Bree who requested her, Helga, the afro black American aided her.

Pinapili niya ako ng treatment para sa buhok ko pero wala talaga akong maisip kung kaya't lumabas pa siya para makakuha ng librong pagbabasehan ng gupit ko. Kinuha ko na ang oras na yun para icheck ang cellphone ko. Napatingin ako sa huling mensahe ni Archer halos mag-iisang araw na. Gaya ko ay sobrang busy pa siya sa kaka-review kung kaya't hindi kami masyadong nagkakausap.

I compose a simple text message for him, telling him that I'm going to cut my hair. Timing naman na dumating si Christie pagkatapos kong isend yun dala-dala ang pagpipilian ko ng hairstyle. Maraming siyang mga hairstyles na isinuggest na bagay sa mukha ko pero pinili ko nalang ang magpa pixie cut ng buhok dahil na rin sa nauuso ito ngayon.

"Your hair is really thick," Christie flatly noted habang dini-dry na niya ito. Tapos na niya kasi akong i-cut ng buhok at ito nalang ang huli niyang gawin bago ako bigyan ng manicure at pedicure. Ilang minuto rin ang lumipas nang natapos ang pagmaniobra niya sa buhok ko.

Halos hindi ako makapaniwala sa mukhang nakikita ko sa salamin, mas mukha na kasi akong mature dito at nahihighlight din ang cheekbones ko.

"That's extra beautiful for you!" Nakangiting wika ni Christie saakin habang nakatingin din sa repleksyon ko sa salamin. Aside from cutting my hair, she also suggested to put some highlights kung kaya't naging mas maganda ang epekto nito.

Naging mabilis ang manicure at pedicure dahil na rin sa modernong pamamaraan nila. May ginagamit kasi silang laser light para sa mas mabilis na pag-dadry ng cuticle na inilagay. Bago kami umalis doon ay humiling si Helga na magpapicture kami individually, ipupublish daw nila ito sa Facebook at Instagram account ng Salon para mas humakot pa ng mga customers.

Nag-suggest si Angela na dumaan muna kami sa malapit na mall para makabili ng kung ano mang gusto namin dahil pupuntahan pa niya ang malapit na book store para makabili ng bagong librong babasahin.

"So that cousin of ours ditch us here for a book, wow..." Wika ni Bree habang nakatingin sa pigura ni Angela na naglalakad saamin papalayo.

Hinila nalang ako ni Bree papalapit sa mga boutique ng mga damit mukhang magpapatulong nanaman siya sa pagshashopping, mahilig kasi siyang mamili. Halos dumaan ang dalawang oras na puro papunta at pabalik sa dressing room ng ilang boutique ang ginagawa ni Bree ng nakita naming ni Angela pabalik dala-dala ang ilang paper bag na may lamang mga libro. Ang huling lugar na pinuntahan naming sa loob ng shopping center ay ang isang stall ng pizza para kumain.

Umabot na ng alas dose ng gabi ng makauwi kami ng bahay. Kahit sabado bukas ay may review sessions naman kami nila Chloe sa isang room sa university kung kaya't hindi ako makakahabol ng ilang oras ng tulog.

Matutulog na sana ako pero ginambala pa ako ni Bree dahil sa napost na picture ko sa facebook account ng Extra beautiful, ang salon na pinuntahan naming kanina. Mas marami daw kasi ang nakuha kong likes, she even demanded na pusuan ko ang picture niya. Parang bata talaga ang asal.

Biglang tumunog ang cellphone ko mula sa isang notification, napangiti nalang ako ng mabasa ang message ni Archer, "Why are you making breathing a difficult task for me, love? You took my breath away with this picture of yours. Short hair suits you best. Take care of your health and sleep well, alright? I love you, so much. Forever and always.

Paper Hearts Where stories live. Discover now