KABANATA 17

55 5 0
                                    


A/N: Sorry for the long wait guys. Been busy sa school at ilang Org. activities, tapos this coming Thursday to Friday pa ang examination namin! Toxic na toxic lang ang month ng August. Anyways, here's an update! Enjoy Reading!

-Frncs

#PaperHeartsPhrase1


KABANATA 17

Maria

"YOU looked a lot happier now," Wika ni C ng nakita niya ako sa Library, vacant kasi namin ngayon at imbis na sumama kay Lyre na gumala ay mas pinili ko nalang na tumambay ditto.

Kibit balikat lang ang isinagot ko dito at bumalik nalang sa pagbabasa ng dala-dala kong libro.

"Your skin looks healthy," Puna niya saakin.

"Oh well, maybe you're just inlove..." Puna pa niya saakin, ibinaba ko ang librong nakaharang sa mukha ko at hinarap siya, "Ano ba, C!" Naiinis na wika ko dito, bahagyang namumula ang pisngi ko dahil narin sa paulit ulit na pagpuna niya saakin.

Tumawa lang ito sa nagging reaksyon ko at kibit balikat lang din ang isinagot bago pumanhik pabalik sa pagbabasa ng librong dala-dala din nito.

"Maria?" Tawag nito saakin, nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa 'nun.

"Hmmm?" Tanong ko ditto, hindi parin inaalis ang mata sa librong hawak hawak ko.

"Phrase 1,"

Napaangat ang kilay ko sa sinabi niya saakin, agad na ibinaba ko ang libro at iniharap siya, "Phrase 1? Ano bang pinagsasabi mo, C?"

She smiled at me, "Phrase 1: When love is new..."

Napasingkit nalang ang mga mata ko dahil 'dun, this is one of the reasons na kahit gusto ko ng makakausap siya ay hindi ko magawa dahil na rin sa sobrang lalim niyang magsalita. Sa sobrang lalim ay hindi ko na maintindihan, "Ano? Anong phrase 1 ang pinagsasabi mo diyan, C?"

Gaya ng kanina, ngumiti muna siya bago magsalita, "Phrase 1: When love is new. It is sweeter, it is..." Huminto siya sa pagsasalita, biglang umiba ang expresyon sa kanyang mukha, dumilim ito.

"...it is the reason for your breathing to hitched, your heartbeat to quicken, your face to be flushed, your lips to be smiling widely..." She said, trailing off.

Mas lalo lamang kumunot ang noo ko sa mga paliwanag niya, with C around, kailangan ko talaga ang Dictionary, hindi ko kasi kaya ang mga gamit niyang terms, figuratively speaking and such.

She stopped babbling things, inilipat nito ang tingin saakin, masuri niya aking tiningnan bago nagsalita,

"When love is new, Maria, when love is new...." Utas pa saakin ni C bago kinuha nito ang mga gamit niya at tumayo.

"Hala, iiwan mo talaga ako dito?" Hindi makapaniwalang saad ko sakanya, C just smiled at me bago sagutin ang tanong ko.

"Why should I do then? Tingnan lang kayo ng jowa mong maglampungan dito?" Wika pa nito saakin bago nginuso ang labi sa direksyon ng Entrance ng Library. Napalabi nalang ako ng nakita ko si Damon sa nasabing entrance ng Library, nakapamulsa ito at mukhang papunta sa direksyon namin.

"Here's your prince charming and his grand entrance," Rinig kong wika ni C bago siya lumakad palabas ng Library. Mukhang tama nga si C maski nasa Library na kami't lahat lahat, hindi pa rin paawat ang mga fan girls ni Damon at nagawa pa nilang magsisigaw. Mukhang nairita naman dito ang librarian kung kaya't nagtawag pa ito ng ilang guards' para lang mapalabas ang mga kumpulan ng estudyanteng nagsimula ng gulo.

"Damon," Wika ko ng napansin kong nakaupo na pala siya sa gild ko, "Hindi ka pinatawag ng librarian?" Hindi makapaniwalang wika ko, siya kasi ang may kasalanan ng kaguluhan at sigurado akong tama lang na pagalitan siya.

One of his eyebrows rose up, "And why would that old hag call me?"

Napaawang nalang ang labi ko dahil sa narinig kong mura na lumabas mula sa bibig niya, agad na tinampal ko ang labi niya, mukhang nagulat naman si Damon dun.

He let out a sigh before saying anything, "Ano namang ginawa kong masama?" Tanong niya saakin, bahagyang namumula ang pang ibabang labi niya dahil sa pagsampal ko dito. Napayuko nalang ako dahil 'dun.

"Maria, I'm not mad, I'm just surprise that you did slap me but then, what's the reason? Why did you slap me, babe?"

Napanguso muna ako sakanya bago sinagot ang tanong niya saakin, "Hindi mo dapat sabihan ng ganun ang Librarian, Damon. Kahit naman medyo strict si Maam Louisel, babae parin siya at nakakatanda sayo kung kaya't dapat mo siyang galangin. Hindi kasi nakakatuwang pakinggan ang sinabi mo 'eh..."

Nakita ko ang pagkislap ng mata ni Damon sa sinabi ko, I was not expecting any emotion on his eyes but he surprised me when he smiled. Hindi si Damon ang tipo ng taong pala-express ng emotions niya, he'll rather look at you with a blank stare, his lips pressed in a thin line than express any emotions or say a statement.

Ganun ka banyaga ang ngiti sa kanyang mga labi pero hindi ko maikailang mas gwapo siyang tingnan dahil 'dun. Mas tumingkad ang kulay brown niyang mga mata dahil sa pag ngiti niya.

"You are really different," Mahina ngunit klarong pagkakasaad niya sa mga salitang iyon. He was smiling while looking at me directly in my eyes, "And you are mine, Maria..." He uttered before spooning me closer to him, hugging me.

Parang tumigil ang mundo ko dahil lang sa biglang pagyapos saakin ni Damon payakap sa katawan nito. Biglang lumipad ang hiya sa katawan ko ng niyakap ko na rin siya pabalik. Niyakap pabalik kahit na may mga taong nakatingin, nakamasid saaming dalawa. With Damon around, I could easily forget all the things around me. With him around, I couldn't think properly anymore. He can make me forget things, he can make me feel like the luckiest woman in the world. 

Paper Hearts Where stories live. Discover now