Chapter 4: Cruz Family

765 39 1
                                    

Ara's POV

"Ate! Wake up" nagising kami ni Sophia sa narinig naming ingay. Akala ko may nagda-drum na e. Yung little brother ko lang pala na sobrang kulit. Pasaway talaga si Xian.

"Xian" sigaw ko.

"Ate wake up, Ate Sophia wake up, bumaba na daw kayo. Magbe-breakfast na daw. Bahala kayo, mauubusan kayo" loko talaga yung kapatid ko na to.

"Xian susunod na lang kami dun. Bumaba ka na" sabi ni Sophia. Nag-ayos na rin kami, pagbaba naming nakahanda na nga yung breakfast at nakain na yung kapatid ko. Sabagay mana rin siya sa akin. Haha

"Good morning mom, Good morning Tita, Good morning Yaya Anna" sabay pa kami ni Sophia. Napangiti na lang tuloy sila.

"Mukhang maganda yung gising niyo ah" sabi ni Tita Sandra. "Yes mom" halata naman talaga Tita naku nakalimutan ko may family dinner pala kami mamaya sa bahay pati celebration din kasi nakauwi na kami ni Travis and dito na rin kami mag stay. Mabuti pa kumain na muna kami. Alam na pala yun nila mommy, kay Sophia ko na lang hindi nasasabi. Nalimutan ko na kagabi sabihin.

"Ate Ara, may lakad ka ba mamaya? Punta tayo sa Park." Naku patay na, pero alam ko namang maiintindihan niya kung tatanggi ako.

"Sophia kasi may family dinner kami mamaya kasi nauwi na kami. Sorry! Kailangan kasi ako dun. Next time na lang." napawi yung ngiti sa labi niya.

"Okay lang Ate next time na lang" Ang bait talaga ng pinsan kong to kaya mahal na mahal ko e.

"Tita, Mommy, aalis na rin po ako maya maya. Kailangan po kasi ako dun" natapos na rin kaming kumain. Naglaro muna kami nila Xian. Ang ingay namin buti na lang sanay na sila kapag nagkakasama kaming tatlo. Gustong-gusto yun ni Sophia kasi nag-iisa siyang anak. Walang kapatid kaya ang turing niya sa amin halos ate na at nakababatang kapatid kay Xian.

Umalis na rin ako. Nagpaalam na ako at pupunta na kina daddy. Hinihintay na rin ako dun lalo na si Travis. Kanina pa siya bored. Si Travis na kapatid ko. Si Travis de Guzman Lopez, gwapo yang kapatid ko na yan, makulit, matigas ang ulo parang si Sophia lang. Ayaw patalo, pero mahal na mahal ko yun kahit magkapatid lang kami sa ama. Grade 10 na rin siya this coming school year at dito na rin siya sa Philippines mag-aaral. Ewan ko ba sa gwapo niyang yan hindi pa siya nagkaka girlfriend.

"Ate! Saan ka galing?" hindi ko pala nasabi sa kanya.

"Kina mommy, dun ako natulog" nginitian ko na lang siya at nginitian niya rin ako.

"Tawag ka Ate ni Daddy" Si daddy, super busy pero kahit ganun hindi pa rin nawawalan ng time sa amin ni Travis.

"Ara, are you ready for the event later?" tanong sa akin ni Tita Mara. Si Tita Mara yung bagong asawa ni daddy pero kahit hindi niya ako tunay na anak itinuring niya akong parang anak niya na rin.

"Yes! Tita, How about you?" Hindi ko magawang magalit sa kanya kasi alam kong napapasaya naman niya yung daddy ko at isa pa inalagaan niya ako at hindi tinuring na iba. Masaya na rin ako para kay mommy kasi nakilala niya na rin yung magpapasaya sa kanya si Tito Aljur. Close nga din ako dun. "Yes! Mabuti pa magpahinga ka na, mukhang pagod na pagod ka rin"

Yes I'm tired, kasi naman ang traffic kanina. Malayo layo rin yung bahay namin sa bahay nila Sophia.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Inayos ko yung mga gamit ko. Tinext ko sila mommy na nakauwi na ako.

"Ate" naku ayan na naman yung makulit kung kapatid. Hindi ko pa sinasabing pumasok binuksan na agad niya yung pinto.

"Bakit Travis? Anong kailangan mo?" umupo na siya agad sa kama ko.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon