Chapter 19: Unexpected One

501 27 0
                                    

Buti na lang Saturday na, makakpagpahinga ako. Lalo pa ngayon na masama yung pakiramdam ko. Ngayon pala ang alis ni mommy. Naglinis na ako ng katawan ko.

BEEP!

Mystery Guy

Sana Monday na lang ulit para makikita na ulit kita.

Akala ko iiwasan mo na talaga ako ng tuluyan Travis.

To Mystery Guy

Parang kahapon lang ata ay Friday, bago pa nga lang ata ako nawawala sa paningin mo.

Mystery Guy

Hindi ko nga rin alam, saglit ka pa lang nawawala sa paningin ko pero miss na miss na kita.

To Mystery Guy

Ganun mo ba talaga ako kagusto?

Mystery Guy

Siguro.

To Mystery Guy

Kailan ka ba kasi talaga magpapakilala sa akin?

Mystery Guy

Malapit lapit na rin Sophia.

To Mystery Guy

Sige na muna, may mga kailangan pa rin akong gawin. Have a good day.

Mystery Guy

Sige, have a good day too.

Bumaba na ako agad baka kasi hindi ko na maabutan si mommy. Sakto, paalis na siya

"Anak gising ka na pala." Buti na lang hindi pa siya nakakaalis.

"Mommy, ingat ka sa Cebu ha." Niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit kasi alam kong mamimiss ko siya dahil sa Monday pa ng hapon yung uwi niya.

"Ikaw din mag-ingat ka" Mommy, ako pa. Kilala mo naman ako.

"Sige aalis na rin ako anak, baka maiwan pa ako ng flight ko." Niyakap po rin siya ng pagkahigpit higpit.

"Mommy sige na baka malate ka pa." Umalis na rin si mommy.

Kumain na rin ako ng breakfast. Nagbasa basa ako pagkakain ko. Ano kayang magandang gawin ngayon? Puntahan ko kaya si Ate Ara para makita ko rin si Travis.

Teka, gusto ko ba talagang makita si Travis? Alam ko na magagala na lang ako sa mall. Yakagin ko kaya sila Bes at Yna. Pero wag na, baka busy rin sila. Naligo na ako tapos nagbihis. Nagpaalam kay yaya tapos nagmall na.

Hindi ko inaasahang makikita ko ngayon dito si "Yna" Napalingon siya sa akin kaya lumapit agad siya.

"Sophia andito ka rin pala." Kita mo na diba.

"Anong ginagawa mo dito Yna?" Tinatanong pa ba yan Sophia, ano bang ginagawa sa mall?

"May binili lang akong cake. Ikaw?" Naalala ko tuloy kahapon. Bakit kaya sila magkasabay umuwi.

"Nagagala lang, wala akong magawa sa bahay eh. Teka, hinahanap pala kita kahapon nasaan ka?" Paraparaan din ano.

"Umuwi na ako, emergency kasi buti na lang hinatid ako ni Travis." Ah, may emergency lang pala.

"Una na rin ako, kailangan ko ng dalhin to sa bahay." Pauwi na rin pala siya, akala ko pa naman makakasama ko siya ngayon.

"Sige na, ingat ka ha." Mag-isa pa rin pala ako. Ano kayang unang gagawin ko dito. Makapag-ikot ikot na nga lang muna. Saan kaya ako dadalhin ng mga paa ko?

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon