Chapter 33: Clueless

466 28 0
                                    

"Hi I am Sophia Alyana Mendoza. You can call me Alyana"

Trying hard ako para makapasok sa swimming team. Hindi ko lubos maisip na yung sakit ko lang pala ang makakatulong sa akin para pag-aralan ang paglangoy.

Pumunta ako sa may cafeteria para kumain. Nakita ko sa di kalayuan ang best friend ko. Syempre kasama niya yung boy friend niya pero may kasama pa silang iba.

Pamilyar yung mukha niya. Parang maraming beses ko na ngang nakita.

"Bes" sigaw sa akin. Sino pa ba  ay isa lang naman angnatawag sa akin ng bes.

Nilapitan ko sila at tumingin sa kasama nila na parang tinatanongkung sino siya.

"Alyana si Karl. Kaibigan natin siya nung high school. Dito rin siya nag-aaral" sambit ni Justin

"Hi Sophia or should I say Alyana. Finally, we meet again"

"Haha! hello" Yun lang talaga nasabi ko. Clueless kasi ako kung sino siya. Hindi kosiya maalala at hindi rin siya sa akin nakwento kaya ganun.

Umupo na rin lang ako. Nagkwentuhan kami ni Karl at sobrang nakakatawa siya grabe.

Hindi ko nga alam kung bakit ako natatawa sa mga jokes niya

"Pag lumindol ba sa Mars earthquake din ang tawag?

"Kung may madaling araw ba meron ding mahirap?"

"Anong isda ang di lumalangoy? Edi yung patay"

"Ay paano yung isdang hindi gumagalaw? Edi yung nasa picture"

Diba hindi naman nakakatawa? Mababaw lang talaga yung kaligayahan ko.

"So kamusta na kayo ni Tr-"

Hindi niya yung natuloy. Nakita ko tinitigan siya nung dalawa.

"Nino?" dagdag ko sa kanila with may face na nagtataka at nabigla. Grabe ang hirap talaga kapag clueless.

"Kamusta ka na kako?" Sus parang hindi naman na niya yun natanong kanina.

"Okay na nga kulit mo din no?"

Magsasalita pa sana siya ng may biglang dumating at sumingit.

"Cassy" napatingin kami sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na yun.

Nakita ko na ang lalaking ito. The boy I even taught I am the one he's caling Sophia yesterday.

"Pinsan" sabay pa si Cassy at yung lalaki.

So siya pala yung pinsan ng best friend ko na hindi ko pa nakikilala. Hindi pa nga ba? Mukha kasing kilalang kiala ko na talaga siya.

"Travis" sabay na sabi naman nung dalawang lalaki. Si Justin at Karl.

So I guess ako lang hindi nakakakilala. Ka OP naman sa kanila.

"Travis si Alyana bestfriend ko"

"I know" sinabi yun ni Travis at mukhang nagulat silang lahat. Nakakatawa yung mukha nila promise. Ano bang big deal sa sinabi niyang 'I know'

"I know?" nagtatakang tanong ng best friend ko sa pinsan niyang ngayon niya lang naman pinakilala.

"I know she is Alyana. Magkakilala na kami kahapon lang pala"

Umupo na siya at sa gitna namin ng best friends ko siya tumabi. So katabi ko sa ngayon.

Biglang natahimik yung paligid ngayon. Parang ang dami ngang matang nakatingin sa akin.

Basagi ko kaya katahimikan nila ngayon. Parang kanina lang ang ingay ingay nila

"Alam niyo bang napahiya ako sa jeep last week?"

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon