Chapter 8: Good Night

648 30 0
                                    

Nakakapagod yung mga games kanina. Nahiga na lang muna kami nila Bes at Yna sa kama. Grabe, napagod talaga ako. Nauna na silang nag shower tapos ako yung huli. Nung tapos na lahat kami dinala na yung dinner namin sa room. Ang sarap ng mga pagkain. Natanggal tuloy yung pagod namin.

"Sophia bagay kayo ni Travis" biglang sabi ni Yna. Nabulunan naman ako dun.

"Bes okay ka lang? Napansin ko rin yun kanina Yna" Kami bagay?
"Kami?" Hindi nga kami lagi magkasundo e.

"Bes may pag-asa bang mainlove ka kay Tavis?" Ako maiinlove sa kanya? Iniisip ko pa nga lang parang maguguho ata ang mundo pag nangyari yun.

"Hinding-hindi ako maiinlove sa lalaking yun. Hindi nga sumagi sa isip ko na gusto ko siya. Kahit pa siya na lang yung natitirang lalaki sa mundo hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya" Biglang may narinig kaming ingay sa labas, feeling nga naming may tao sa labas kaya binuksan yun ni Yna pero wala siyang nakitang tao.

"Wag ka magsalita ng tapos" dagdag ni Bed. Ang kulit ng dalawang to. Hindi nga kasi ako magkakagusto sa lalaking yun. Isa pa wala naman akong balak mainlove. Wala akong balak magka boyfriend. Hindi uso yun sa akin.

Buti na lang hindi na sila nangungulit sa akin. Mukhang pagod na pagod ata sila. Ayun, nagpatunaw lang ng mga kinain tapos nakatulog na rin sila. Bakit kaya hindi ako makatulog.

Bes may pag-asa bang mainlove ka kay Travis

Bes may pag-asa bang mainlove ka kay Travis

Bes may pag-asa bang mainlove ka kay Travis

Bes may pag-asa bang mainlove ka kay Travis

Bes may pag-asa bang mainlove ka kay Travis

Ano to? Bakit ko ba iniisip yung sinabi ni Bes. Alam kong hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiisip ko yung napakaamo niyang mukha kada ilalapit niya yun sa mukha ko. Hindi, hindi pwede. Isa lang ang alam ko, mayabang siya, akala mo kung sino, saka ayaw ko maging boyfriend ang tulad niya kasi for sure ang dami ng magiging karibal ko. Isa pa hindi kami magkasundo. Alam ko namang hindi yung gaya ko yung gusto niya at hindi yung gaya niya ang gusto ko.

Tulog na tulog na talaga yung dalawa kong kasama pero ako ito hindi makatulog. Gusto ko ng matulog baka maaga pa bukas magstart yung event. Ginawa ko na lahat, nag patugtog ako ng lullaby pero hindi pa rin ako makatulog. Ano bang nangyayari sa akin. Mabuti nga makalabas muna dito sa kwarto. Dun na lang muna ako sa may pool. Magtatampisaw muna ako, hindi rin naman ako maalalam lumangoy e. Lumabas na ako, ang lamig pala dito sa labas. Naiwan ko pa naman yung jacket ko.

Pumunta na ako sa may pool. Umupo ako tapos yung paa ko nakalublob sa pool. Tumingin ako sa langit. Ang ganda ng view. Ang tahimik tapos ang sarap pagmasdan. Pinikit ko yung mga mata ko. Damang-dama ko yung paligid. Ang tahimik, malamig yung simoy ng hangin kahit pa summer. Wala akong naririnig na ingay bukod sa paghinga ko. Naalala ko huling nangyari to, kasama ko pa yung papa ko at dito rin yun sa pool na to. Napamulat ako, bumalik na naman yung galit ko kay daddy. Dapat hindi ko na yun naisip. Bumalik na naman lahat sa ala ala ko. Mula sa masaya naming pamilya. Walang araw na hindi napuno ng pagmamahal at tuwa yung buhay namin. Palagi nila akong hinahatid sa school, sabay-sabay kami kumakain, umaga, tanghali, gabi kahit na alam ko na busy sila sa trabaho nila. Kada weekend nagagala kami. Wala nga sa akin nung nang-aaway kasi si papa yung superman ko nung oras na yun. Ang sarap isipin ang mga araw na yun pero sa kabila ng lahat, naisip ko pa rin yung pait na naranasan ko nung iniwan kami ng daddy ko. Yung kada gigising ako wala na pala siya. Yung araw-araw ko nakikitang umiiyak yung mommy ko at araw-araw akong nasasaktan. Napilitan nga akong lumipat ng school dahil sa nangyari. Dahil wala na si daddy wala na akong tagapagtanggol buti na lang dumating at nakilala ko si Cassy, ang best friend ko.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon