Chapter 35: Sophia

476 27 1
                                    

Special and just a short Chapter

(AN: Dedicated to all Loinie Fans na nagvote at nagbasa. Keep voting and don't forget to share this story to your friends.)

"Travis?"

Kilala siya ni daddy

"Pumasok muna kayo dito"

Wala na rin akong nagawa. Kahit si Travis kaya pumasok na kami sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni daddy kay Travis

"Andiyan na ba si Alyana?" Biglang dating ni mommy na tila ba nabigla.

"Tr...avis"

"Good evening po. May pinadala lang po si Ate"

Tumayo pa talaga siya.

"Aalis na din po ako"

"Hatid na kita sa labas" sabi ko sa kanya

"Wag na, dito ka na kumain. Hindi na rin naman iba si Ara sa amin

Hindi ako makapaniwala na dito kumain si Travis. Hindi ko alam kong anong iba sa nararamdaman ko ang hindi ko maintindihan. Nangyari na ba ito? Nakasabay ko na rin ba siya dating kumain?

Hinatid ko na siya sa labas. Awkward, hindi ko rin alam kung bakit. Peste kasing puso to bakit ngayon pa naging abnormal, bumibilis tapos bumabagal. EWAN!!!

"SOPHIA"

Ano daw? Bakit niya ako tinawag na Sophia. Tama ba pagkakarinig ko o nabingi lang ako. Ako lang naman ang nandito. Siguro naman ako na talaga yung Sophia na binanggit niya.

"I mean Alyana" Binawi niya

"Sophia kasi first name mo. Sanay kasi akong sa first name tinatawag yung mga kakilala ko"

Ayun naman pala pero kalma Travis hindi mo naman kailangang mag explain. Bakit mo nga ba ako tinawag na Sophia? Yun nga lang ba talaga?

If I know naalala mo lang yung Sophia na yun. Aw! bakit biglang may kumirot sa puso ko.

"Alis na ako" Hindi ko namalayan na nasa labas na kami. Papasok na sana ako ng bigla niya akong tinawag.

"Alyana"

"YES?"

"Thank you sa dinner"

"Wala yun, sige ingat ka. Paki hi na lang sa Ate mo"

"Sophia" ayun na naman siya

"Alyana pala"

"Ano na naman po?"

"Wala" Hay! kulit pala nitong lalaking to.

"Alyana"

"Kulit mo rin no? Umuwi ka na lang at gabi na"

"Go...od"

"Good?"

"Good house, and I enjoyed the food kanina"

Yun lang pala ang sasabihin. Kala ko naman kung ano na

"ALYANA"

"Ano ba talaga. Hindi na ako nakapasok"

"Pwede bang"

"Ano?"

"Pwede bang?"

"What?"

"Pwede bang ano"

"Just tell me"

"Pwede bang sunduin kita bukas?"

"No need, your not even my boyfriend"

"Kayo na ba ni Andrew?"

"Sino ka ba para sabihin ko?" ang hard ko naman ata. Kasi siya ang kulit. Gusto ko ng matulog.

"Okay, I became just nobody to you since you"

Hindi niya natuloy yung sinabi niya.

"Never mind, pumasok ka na gabi na"

Anong ibig sabihin niya dun? Bakit hindi niya tinuloy? Anong meron at parang bigla siyang kinabahan kahit ako.

"Alyana"

Nakapasok na ako at isasara na lang ang gate tapos tinawag niya na naman ako.

"Good night"

Inantay ko lang na makaalis siya at umakyat na rin. Pumasok ako sa kwarto na ang daming tanong at ngayon ay nagpapagulo sa aking isipan.

Parang may nagbago. Nakakagulat at naguguluhan ako ng sobra lalo na sa inasta ni Travis ngayon. May nangyari ba at parang sa pagkakaalam ko, wala wala naguguluhan na talaga ako.

Bakit dalawang beses niya akong tinawag na Sophia? Bakit biglaan lahat? Bakit dinala niya pa talaga yung galing kay ate Ara. Ngayon lang siya pumunta dito sa bahay. Ngayon nga lang ba?

Bakit ngayon ko lang siya nakilala tapos ganito yung nararamdaman ko. Halo-halo, hindi maipaliwanag at hindi ko maintindihan. Sino ba siya sa buhay ko bilang Sophia noon?

AN: Thank you so much, ang dami ng nagbabasa. Kindly follow me on my different social media accounts.

Facebook 👉 Ellaine Jasmine Cabrera Zapata
Instagram 👉 @itsmiss_ell
Twitter 👉 @itsmiss_ell

PS. Please support my other story Its too late Sir
Don't worry one shot lang siya 😃

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon