Sinuntok nung lalaki yung holdaper. Teka! Siya yung mayabang na akala mo kung sino? Anong ginagawa niya?
"Tabi" Tinulak niya ako. Ouch! Ansakit, how dare he. Nagsusuntukan na sila at asan na ba kasi si Kuya Anton. Ako ng bahala dito. Ang yabang niya for sure matatalo rin siya nung holdaper. Hello! May dala kaya siyang kutsilyo. Grabe sawa na yung holdaper ang galing niya rin ppalang makipaglaban.
"Humanda ka sa akin ngayon pakailamero ka" tumayo yung holdaper sinuntok si mayabang tapos tatayo sana siya kaso na suntok ulit siya nung holdaper. Nakita ko na may pasa na siya sa mukha hanggang sasaksakin na siya ng holdaper.
"STOP" sabi ko tapos nasipa ko siya. "What are you doing? Magpapakamatay ka ba?" Wow ha! Ako pa? Ayan na naman lulumalabas yung kayabangan niya. "Pakaelamero ka kasi" sabi ko sa kanya. Nakita ko tatayo na yung holdaper, sasaksakin niya ako pero nakaiwas ako. Nakuha ko yung kamay niya. Binali ko kaya nahulog yung hawak niyang kutsilyo. Sinipa ko siya palayo tapos siniko siya. Tatayo pa sana siya pero nasipa ko na agad siya.
"Eto! Po eto" Nakita ko si Kuya Anton na may kasama ng guards kaya kinuha na nila yung holdaper. Buti naman dumating pa siya.
"Sorry! Ma'am, okay lang ba kayo" Ako okay? Ikaw kaya yung holdapin buti na lang talaga may alam ako sa pakikipaglaban.
"Okay lang ako. Don't mind me Kuya Anton, ewan ko lang sa lalaking to kung okay siya" Tiningnan ko yung mayabang na akala mo kung sinong lalaki.
"Siya yung tanungin mo" sabay punta ko sa sasakyan at narinig ko si Kuya Anthon.
"Okay ka lang ba?" pumasok na ako. Buti na lang talaga, that was close. Sumakay na rin si Kuya Anton at nakita ko yung mayabang na lalaki na akala mo kung sino na pumasok na rin sa sasakyan niya. Umalis na rin kami.
"Kuya Anton, wag mo na lang sabihin to kina mommy ha! Baka mag-alala pa sila wala namang nangyari sa akin." Nag yes naman siya.
Hay! Salamat nakauwi na rin sa bahay.
"Anak, how is your day?" andito na pala si mama. Ano bang sasabihin ko? Paaano ba?
"It was fun mom.How about you?" sabay nagsmile ako kay mommy.
"Nakakapagod pero nawala rin nung nakita ko yung pinakamaganda kong anak." Ang sarap naman nun pakinggan.
"I love you mommy! Pahinga ka na mommy alam ko namang pagod ka" sabay niyakap niya ako tapos ginulo yung buhok ko. Si mommy talaga, "I LOVE YOU TOO"
Ang sweet talaga ng mommy ko. Umakyat na rin ako sa taas. Nagshower ako tapos nahiga na rin. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Sa sobrang pagod ko ata. Ako ba namang makipag-away dun sa holdaper diba. Nagising ako tiningnan ko yung oras, 2 am. Tiningnan ko yung stars binuksan ko yung bintana ko. Ang ganda nilang pagmasdan. Sinaran ko na rin yung bintana tapos natulog na ulit. Mahirap ng tanghaliin bukas kasi may event sa club house namin. Andun rin yung family ni Bes! Business partners kasi namin sila. Small world noh? Ang galing nga. Sana andun din si Ate Ara! Pero kinakabahan pa rin ako kasi baka mag swimming hindi ako maalam lumangoy. OH NO! Bahala na bukas basta matutulog na lang ako.
"SOPHIA! GISING NA! TATANGHALIIN TAYO!"
Nagising ako dun ah. Sino ba yun? "Yaya naman e. Inaantok pa ako" ginising pa rin ako ni yaya.
"Nak may pupuntahan tayo, daliaan mo na kasi tatanghaliin tayo" Ano bang meron? Ang aga aga pa e. Gusto ko pang matulog.
"Sophia! May event ngayon sa club house, diba?" Anong meron? Ay oo nga pala, naku lagot ako neto kay mommy. Bakit ko ba nakalimutan samantalang kanina iniisip ko pa. Ano ba bakit ba kasi nagiging makakalimutin ako.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)
FanfictionSa hindi inaasahang lugar tayo'y nagkita. Sa daming nangyari tayo rin pala talaga. Bakit ng minahal na rin kita pinaglayo naman ni tadhana. Sa iyong pagbabalik hindi na kita kilala. Nakalimutang tunay tila ba sinadya. Sa muling pagkikita ay muli rin...