Chapter 29: Farewell

459 23 0
                                    

Sophia's POV

Two months na rin ang lumipas. Akala ko hahaba pa ang buhay niya. Akala ko mas matagal ko pa siyang makakasama. Pambihirang aksidente naman kasi yun. Ayos na sana, magaling na siya.

Bakit ang unfair talaga. Ang sakit mawalan ng isa na naman sa importanteng tao sa buhay ko. Bakit ngayon pa?

"Bye Yna, alam kong masaya ka na"

Umuwi na rin ako sa bahay. Kasama ko kanina si Mama sa libig ni Yna.

Si Mama palaging umaalis this past few weeks. Iba nga yung kinikilos niya ewan ko kung bakit.

"Sophie phone mo, naiwan mo sa baba"

"Thanks Yaya"

Ang dami na talagang nagbago. Nakakapanibago, si Bes na pala at si Justin. Kaklase din namin siya. Matagal na nilang gusto ang isa't-isa.

"Labas ka" nagtext si Travis

Bakit kaya? Anong meron? Ang kulit talaga niya kahit kailan. Tulog na agad ang mga tao dito maliban sa akin. Napagod ata, tumulong kasi kami sa pag-aasikaso ngburol ni Yna. Nakakalungkot, medyo gumagaling na nga siya sa sakit niya naaksidente pa siya.

"Travis gabi na"

"Alam ko, gusto lang kitang makita"

"Bakit ka nandito? Umalis ka na baka ka makita ni Mommy"

Pinagbabawalan ako ni mommy na makipagkita sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.

"May problema ba kayo ng nanay ko?"

Natahimik siya bigla. May nasabi ba akong mali? Nagtanong lang naman ako.

"Kung meron man sana maayos na yun."

Ang dami na talagang nagbago. Parang dati parang aso at pusa kami tapos ngayon super friends na. Haha! Syempre yung pinsan niya best friend ko.

May mga bagay talagang hindi dapat minamadali. May mga bagay na hanggang dun lang muna.

Nakakapagsisi pa rin, ewan ko.
Bakit ngayon pa, gusto ko na rin siya. Gusto niya pa rin kaya ako?

"Travis, bakit gusto mong mapalapit sa akin ua pa lang?"

"Kasi mabait ka, best friend ka ng pinsan ko at pinsan ka ng ate ko"

"Yun lang" bakit ko na natanong yun

"Sophia"

"Travis dati diba sinabi mo na gusto mo" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita siya

"Sophia, masaya ako sa kung anong meron tayo ngayon. Pag pwede na at ayos na, dadating ako at magpapaliwanag. Maiintindihan mo rin lahat."

"Yun na nga Travis bakit hindi mo na lang ngayon sa akin ipaintindi?"

"Dahil ayaw kong mawala ka sa akin"

"Satingin mo ba hindi pa ako nawawala sayo? Lahat sila pilit tayong pinaglalayo"

"Sophia walang tayo, magkaibigan lang tayo"

Ang sakit marinig mula sa bibig niya ang lahat ng yun. Bakit ngayon kung kailan mahal na kita? Ano na bang nangyayari?

"Sophia alam kong maiintindihan mo rin lahat sa tamang panahon. Aalis na ako"

"Aalis?"

"Babalik na kami sa US"

"Pareparehas lang talaga lahat kayo. Palagi na lang bang ganito?"

Niyakap niya ako pero tinulak ko siya palayo.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon