Chapter 18: Undeniable Fact

486 24 0
                                    

"Anak ayos ka na ba?" Mommy, anong nangyari?

"Sa pagkakatanda ko nasa school lang ako kanina. Ano po bang nangyari?" Bakit nandito na ako sa kwarto ko?

"Nahimatay ka daw kanina." Sobra kasi ata akong napagod ngayong araw.

"Buti na lang nakita ka ni Travis at hinatid ka dito." Totoo ba yun, pero asan na siya?

"Si Travis?" So, dapat ko pala siyang pasalamatan.

"Kakauwi nga lang niya." Hindi ko pa rin pala siya talaga kilala. Naalala ko na naman tuloy yung inamin niya kanina.

"Anak magpahinga ka na" umalis na rin si mommy at iniwan ako sa kwarto ko pati yung dinner ko. Kinain ko muna yung, nagpahinga tapos natulog na ulit.

Ring! Ring! Ring!

Umaga na pala, nag-ayos na agad ako tapos bumaba na rin.

"Ayos ka na ba?" Napagod lang talaga ako kahapon mommy, ang dmai kasing nangyari.

"Ayos na ako mommy, wag ka ng mag-alala." Kinain ko na yung breakfast ko at sumakay na sa kotse.

BEEP!

Mystery Guy

Good morning

To Mystery guy

Good Morning

Mystery Guy

Papasok ka na?

To Mystery Guy

Oo

Mystery Guy

Ingat ka.

To Mystery Guy

Salamat, ikaw din.

Bakit ganun, parang may iba. Dati inis na inis ako kay Travis. Pero natatakot pa rin ako na baka masaktan lang ako. Hindi ko napansin nasa school na pala ako.

"Hatid na kita" Hindi ko inaasahan na makakasabay ko na naman si Grae.

"Wala naman akong magagawa kapag humindi rin ako diba?" Pagkasabi ko nun ankita ko si Travis. Nakatingin siya sa amin pero umiwas siya nung nakita ko siya at naglakad papasok.

"Oo nga no. So tara?" Naglakad na kami at hinatid niya nga ako sa room ko.

"Ano ba talagang meron sa inyo ni Grae?" Ito na naman si Yna eh. Kaibigan ko lang siya.

Nakakamiss rin pala makatabi si Travis. Mukhang wala na talaga siyang balak bumalik sa katabi kong upuan. Hindi ko rin naman siya masisi. Natapos na yung ilang klase namin, nag break na rin sa wakas. Hindi rin kasi nag pafunction ng maayos yung utak ko, ewan ko ba. Sumabay ako kina Yna at Bes papuntang canteen.

Dumating naman sunod sila Justin, Karl at Travis pero this time hindi sila umupo sa may table namin.

"Anong meron? Bakit hindi sila dito naupo?" Bes sorry, hindi ko pa masabi sayo.

"Bes may alam ka ba?" Kung pwede ko lang sana sabihin sa inyo ngayon.

"Ano namang dapat kong malaman? Paki ko ba sa kanila?" Grabe talaga ako no. Natapos yung break na antahimik. Nung hapon na, pinili kong mapag-isa. Pumunta ako sa may garden. Hindi ko naman sinasadyang makita dun si Travis.

Paalis na sana ako pero inunahan niya ako. Ang hirap ata ng sitwasyon namin. Bago ako umuwi pumunta muna ako sa may locker ko. Nilagay ko yung iba kung gamit. Naupo muna ako saglit. May narinig akong paparating at hindi ko inexpect na si Travis pala yun. May nilagay din siya sa locker niya, yung mga libro niya.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon