Chapter 41- Wedding

429 11 0
                                    

"Hi"

"Kamusta? May masakit ba sayo?"

"Siguro"

"Hala alin, okay ka ba? Gusto mo tawagin ko yung doctor?"

"Alin ba dun ang una kong sasagutin?"

"Pero may masakit pa ba talaga sayo?"

"Yung puso ko"

"Sophia"

Hindi ko alam Travis. Sa dami ng nangyari hindi ko na alam. Pagod na ako, pero noon pa lang gusto na kita.

"Hindi ata talaga tayo para sa isa't-isa. Pilitin man natin wala na tayong magagawa."

"Gusto kita, and I'm secretly inlove with you noon pa man. Kahit nung mga bata pa lang tayo."

"May magagawa ba ang nararamadaman natin kung tadhana na sa atin ang naglalayo?"

"Ano nga bang laban natin sa kanya Sophia? Wag please"

"Kaya mo pa bang ipaglaban ang tayo kung umaayaw na ako?"

"Anong sinasabi mo?"

"Itigil na lang natin ito"

"Hanggang kailan? Hanggang kailan ka lalayo? Sana maisip mo ako."

"Paano naman ako? Naisip mo rin ba na mahirap sa akin ito?"

"Sabi ko sayo, kahit ilang beses mo akong ipagtulakan palayo hindi ako susuko. Aalagaan kita at hindi kita iiwan. Bago pa lang ako kumakapit bumibitaw ka na agad. Ano bang nagawa ko para saktan mo ako ng ganito?"

"Wala kang ginawa pero hindi na talaga pwede."

"Bakit? Bigyan mo ako ng magandang rason at ako na mismo ang lalayo."

"Kasi hindi ko na kayang maging parte ka pa ng buhay ko. Hindi ko na kaya kasi paulit ulit lang nating masasaktan ang isa't-isa. Pagod na ako kaya layuan mo na lang ako."

2 years later

Paano ko ba tatapusin ito? Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung saan tutungo. Iniwan ko siya kahit antagal niyang naghintay sa pagmulat ng aking mga mata. Andaming nangyari, andaming nagbago. Lumayo siya at iniwan ako kagaya ng gusto ko. Hindi ko pinagsisihan dahil alam ko sa huli kami pa rin ang magkakatuluyan.

Andito ako sa simbahan at lumalakad papalapit sa altar. Habang ikaw ay nandiyan na at naghihintay. Hindi dahil ako'y malapit na kundi dahil sa wakas malapit lapit na siya. Hindi man tayo ang ikakasal ngayon gusto kong malaman mo na masaya ako dahil naging parte ako ng buhay mo.

Hindi ako ang babaeng para sayo. Hindi ako kasi isa lang ang taong noon pa man ay para na sa akin. Salamat sa dalawang taong pagmamahal at pag-aalaga. Bilang kaibigan mo hanggad ko na ikaw ay maging masaya. Nakilala kita dahil parehas tayo ng problema. Sa isang hospital at sabay nag-iiyak. Kami nga'y naghiwalay pero mas nasaktan ako ng malaman na sa paggising mo din wala na ang iyong mahal, namatay sa aksidente mula sa eroplano kung saan tayo nakasakay.

Nakilala kita, nakasama at ni minsan hindi nawala ang ngiti sa aking mata. Salamat sa pagkakaibigang ibinahagi mo habang akoy wasak at luhaan dahil sa paglisan niya na aking kagustuhan. Gabi na dito sa Pilipinas at umaga sa kanila. Masaya ako dahil nahanap mo na ang taong para sayo Liam. Mahal kong kaibigan, sa sandaling ika'y naging sandigan pinaramdam mo sa akin na ang buhay ay sadyang mapaglaro pero may lugar kung saan hindi mo mararanasan na maging malungkot. Lugar na gustong tahakin ng puso mo. Kung saan kasama mo ang mga mahal mo. Ikakasal ka na nga, salamat dahil ngayon ako'y natauhan. Bukas na bukas ako'y aalis para siya ay sundan. Hindi na ako matatakot at bibitaw dahil ngayon handa na akong masaktan, magmahal makasama lang siya na aking mahal. Sana hindi pa huli ang lahat para sa aming dalawa.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon