Chapter 14: Mystery Guy

513 25 0
                                    

Makauwi na nga. Yan, naalala ko hindi ako masusundo ngayong hapon. Maglakad na lang kaya ako? Sige na nga maglalakad na lang ako.

BEEP!

Mystery Guy

Pauwi ka na ba?

To Mystery Guy

Oo, naglalakd ako ngayon.

Mystery Guy

Hala, bakit? Sumakay ka kaya sa taxi.

To Mystery Guy

Ayaw ko saka okay lang gusto ko rin makapaglakad.

Mystery Guy

Hala, ingat ka.

To Mystery Guy

Salamat

Sige Mystery Guy este Travis, kung ano ang binabalak mo hindi ka magtatagumpay.

"Sophia" Napalingon ako tapos nakita ko si Travis.

"Bakit ka naglalakad?" Painosente ka pa, hoy Travis alam kong ikaw yung nagtetetxt sa akin. Ikaw si Mystery Guy.

"Bakit masama?" Binilisan ko yung lakad ko tapos siya bumaba sa kotse niya at sinundan ako. Ano naman kaya ngayon ang binabalak nito? Bakit sumasabay siya sa akin?

"Anong trip to Travis?" Tiningnan ko siya ng masama.

"Masama ba? Masama bang maglakad kasama ka?" Tama ba yung narinig ko? Bakit ba kailangan niya pa akong sabayan? Kung iniisip niya na baka may masamang mangyari sa akin, assuming ko na talaga, haha pero aba ang lakas ko kaya at kaya ko ang sarili ko. Naalala ko tuloy nung may holdaper tapos muntik na masaksak si Travis buti na lang naligtas ko siya.

Sa laki at tikas niyang yan, wala pala siyang binatbat.

"Bakit ka nakangiti diyan? Para kang baliw?" Hala, patay na. Bakit ba ako ngumiti.

"Gusto mo ba lagi kitang sabayan?" Ano daw? Asa ka pa ayaw ko nga.

"Hindi no, sino ka ba?" Binilisan ko yung lakad ko pero binilisan niya rin yung lakad niya.

"Sophia" Mukhang sumeryoso yung mukha niya. Aaminin niya na kaya na siya yung nagtetext sa akin?

"Ano?" Pagalit kong sabi.

"Bakit ang sungit mo?" Yun na yun?

"Yun lang?" Nagulat siya, nanlaki pa nga yung mata niya. Bakit ba kasi hindi na lang siya umamin.

"Ano pa ba ang dapat kong sabihin?" Gusto mo talaga sabihin ko mo nang buking ka na. Ang tigas mo rin Travis no.

"Alam ko na Travis, huli ka na." Kung kanina nagulat siya ngayon gulat na gulat siya. Kalma Travis hindi ako multo.

"Alam mo na? Paano? Ang alin?" Wow ha

"Bakit ba hindi mo na lang aminin sa akin?" Mas nagulat lalo siya.

"Sophia, kasi" Nauutal pa siya, bakit mahirap bang aminin na siya yung nantitrip sa akin? Ngayon huli ka na talaga. Binilisan ko yung lakad ko pero ayun hinabol niya na naman ako.

"Sophia sorry hindi ko inamin sayo. Hindi ko naman kasi alam na hindi ka pala ganun ka manhid." Ako manhid, hindi ah!

"Ano bang trip mo?" Napatigil kami biglang dalawa.

Travis' POV

Ikaw, ikaw ang trip ko Sophia.

"Anong trip ang pinagsasabi mo?" Ano ba kasing sinasabi nito?

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon