Chapter 7: Let the Game Begin

634 28 0
                                    

Bakit ba siya nandito? Yung totoo hindi talaga ako pumunta sa CR. Nagpunta ako sa may pool.
"Hi! Miss Sungit, este Sophia pala" Sinundan niya ba ako?

"Hello! Mr. Yabang" Eto ang gusto mo ha.

"MS bakit ba ang sungit mo lalo na pagdating sa akin, sa gwapo kong to." Ano daw gwapo, teka bakit MS naman ngayon. Initial yun ng Miss Sungit ah. Ang baduy niya.

"Paki mo ba" Hindi ako magpapatalo sa kanya.

"Pwede ba, stay away from me." Ayan na naman siya papalapit na naman yung mukha niya sa mukha ko.

"You! Stay away from me, ugly creature" Aba ako UGLY CREATURE?

"Hiyang hiya naman ako sa mukha mong mukhang unggoy. Wala ka ngang binatbat sa akin, dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil kung hindi dahil sa akin nasaksak ka na nung holdaper. Pwede ba, bawasan mo yung kayabangan mo. And most of all, tandaan mo to" Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi sumingit siya.

"Alam mo kagaya ka lang ng ibang babae, pare pareho lang kayo. Alam ko namang malandi ka rin gaya nila na habol ng habol sa mga lalaking hindi naman sila gusto. Kaya pwede ba, aaminin mo na. If I know patay na patay ka rin sa akin" hindi ko na rin siya pinatapos. Nasampal ko pa nga siya.

"Don't you dare compare me to other girls because I am not like them. Hindi ko nga alam kung bakit sila naghahabol at nagpapakatanga sa mga lalaking katulad mo na akala mo kung sino. Hindi kita kilala, at hindi mo rin ako kilala. I'm begging you. Gusto mo ng laro? I'm ready. Pero ito ang tandaan mo, hindi porket babae ako hindi na kita kaya. Ikaw ang nagsimula, tatapusin ko" sabay kinuha ko yung tubig sa may lamesa na tabi ko at tinapon ko sa mukha niyang napa kapal. Sabay alis ko, nakakatawa tuloy siya. Tingnan natin kung sino ang mas matigas sa aming dalawa.

"Bes saan ka ba nanggaling? Ang tagal mo ata." tanong sa akin ng best friend ko.

"Wala, naglakad lakad lang ako." I guess magsisimula na ulit yung event. Kaya pumasok na rin kami sa loob.

"Wait guys, asan si Travis?" tanong ni Justin. Natakot na ata sa akin, sorry siya hindi niya muna kinilala kung sinong kalaban niya.

"Andito ako" Mukhang napatingin lahat sila sa kanya. Iba na kasi yung suot niyang shirt.

"Anong nangyari bakit iba na yung suot mong shirt?" tanong agad ni Karl. "Sabihin na lang nating naiinitan ako. Ang HOT ko kasi" Ano daw? HOT? Pinanganak ba talaga siyang sinungaling.

"Oo nga ang init, grabe." Sabay lapit ko sa kanya. "Ang HOT mo kasi" natahimik siya sa sinabi ko tapos may sasabhin sana siya.

"Finally ina" pero pinutol ko yun. "Pssh! Ang hot mo kaya lang sorry, pinanganak kasi akong sinungaling" Sabay pasok ko sa loob. Natahimik lahat sila. Kitang kita ko kay Travis yung inis niya. Pumasok na rin sila tapos nag start na yung games. First game ay sambutan ng itlog at kailangan ng isang mag kapartner each group.

"So sino ang pwede sa atin?" tanong agad ni Yna. "Ako" tumaas ng kamay si Travis. Subukan niya lang ipatalo yung larong yun.

"Pero sinong kapartner mo?" dagdag ni Karl.

"Si Sophia" Ako, nagulat ako tapos nag-agree silang lahat.

"No way" pasungit kong sabi. "Best pumayag ka na, for sure mananalo tayo pag kayo yung sumali dun"

Ayaw ko baka kung ano pang gawin ni Travis. Baka mabato ko pa sa kanya yung itlog.

"Okay lahat ng representative ng bawat grupo pwede na pumunta sa gitna. Siguro nagtataka kayo kung bakit ito yung nilaro natin. Kasi pinapakita ng larong to yung tinatawag nating unity. Unity sa inyong dalawa na maglalaro nito. Yun lang naman yung kailangan para hindi mahulog at mabasag yung itlog hanggang sa huli." Wala na rin akong nagawa.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon